Chapter 12 --The Twin Sisters--

1.9K 56 9
                                        

-JOANA'S POV-

Hayyyy! Nandito ako sa bahay namin. Walang pasok ngayong hapon kasi hindi ko alam hahaha. Hindi kasi ako nakikinig kanina. Iniisip ko kasi kung sino na naman ang nangti-trip sa akin. Yung binuhusan ako ng maduming tubig tapos pintura, itlog at juice. Nahi-highblood lang ako kapag naiisip ko iyon. Pagkatapos nun, nasundan pa ito ng ibat-ibang kamalasan. Gusto niyo flashback?

FLASHBACK ...

Pagkatapos kung magbihis ...

"Amber, salamat pala sa pagpapahiram mo sa akin ng uniform mo."

Gulat kayo noh ? Kilala ko na sila. Siyempre nagpapakilala muna kami sa isat-isa

"Sus! Ano ka ba! Huwag mo nang intindihin iyan basta friend na tayo ah."-Amber

"Syempre naman"-ako

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na," pagyaya ni Patricia.

Papunta na kami sa classroom namin. Hindi kami magkaklase kasi sa ibang section sila. Noong nandoon na ako sa classroom ko ...

 O_________O

Oh......my.......God...... Lahat ng notes ko ginupit-gupit ng mga kaklase ko pati na rin 'yung mga libro ko. Humarap sa akin 'yung isa sa mga kaklase kong babae.

"Kung hindi ka pa aalis sa school na ito, hindi lang yan ang aabutin mo. Marami pang kamalasan ang aabot sayo. Kung ako sa'yo, bumalik ka nalang sa dating school mo kasi hindi ka welcome dito! " nagcross arms pa ang bruha. Hah! Hindi naman bagay. Hmp!

"Bakit mo ko papaalisin dito sa school na ito? Ikaw ba ang may-ari ng school? Hindi 'diba? So wala kang karapatan na paalisin mo ako sa school na ito. Magsta-stay ako kung gusto ko at aalis ako kong kailan ko gusto. Kung makapagpaalis ka ng estudyante wagas, eh hindi naman pala sa iyo tong school na ito. Feeling mo naman!" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya sa akin.

"Bakit? Sayo ba hindi?! Make-up mo nga makapal na, mukha mo pa kaya?" tumawa yung mga chismosa kong classmate.

"GRRRRR!" 'yun lang ang nasabi niya. Ano 'yun aso? Umalis na ang mga etchuserang chismosa kong classmate.

END OF FLASHBACK ...

Hayy! I'm sure may nag-utos sa kanila na gawin yun sa akin.

<ringgg!!!!!>

Kinuha ko ang cellphone ko at tumatawag si Patricia sa akin.

["Hello?"]-ako

["Hi Joana! Pwede mo ba kaming samahan ni kambal sa mall?"]-patricia


Dejavu? Parang nangyari na ito kay Ashley.

["Hmmmm ... sure!"]-ako

["Talaga?"]-Patricia


["Yup, pero pwede bang isama ang kaibigan ko?"]-ako

["Sure. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay mo"]-Patricia


["What! Bakit kayo nakakasiguro na sasama talaga ako sa inyo?"]-ako

["Naramdaman lang namin. Magbihis kana para marami tayong mabiling damit"]then binabaan niya ako.

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon