Chapter 14 -- Campus Nerd vs. Campus Bitch --

1.8K 51 8
                                        

[EDITED]

-Joana's POV-

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag-aaral ng Spanish language. Wala kasi akong magawa kaya mag-aaral nalang ako.

<TOK....TOK.....TOK....>

Binuksan ko naman ang pinto at tumambad sa akin ang aking ina. Pumasok naman siya at umupo sa kama ko.

"Anak mapapaaga raw ang pag-uwi ng ama mo." Sabi ng nanay ko.

"Bakit daw po?" tanong ko sa kanya.

"Sabi niya kasi sa akin na may aasikasuhin daw siya rito sa Pilipinas." Sagot niya sa akin.

"Ah... Ganoon po ba. Kailan daw ang uwi niya?" tanong ko ulit

"Hindi pa raw niya alam kung kailan siya uuwi rito kasi busy siya sa trabaho niya doon.." sagot niya.

"Ah. Sige po,"-ako

"Sige anak. Magluluto pa ako ng hapunan natin." Sabi niya. At umalis na siya. Hayy!!! Sana sa pag-uwi ng tatay ko hindi niya kasama ang lolo ko.

KINABUKASAN ...

*MITCH's POV*

Maaga akong nagpunta sa school kasi ngayon ko gagawin ang bonggang plano ko para mapatalsik si Nerd. Kasabwat ko ang lahat nang kaklase ko except kay Nerd at Ashley. Nandito na ako sa classroom ko. As expected, nandito na silang lahat. Ready na sila sa plano ko. Syempre lahat sila ay galit kay nerd kaya gumawa muna kami ng patibong kung saan dadaan si Nerd. Hindi ko ito gagawin kung may teachers. Kaya ang ginawa ko, nakiusap ako kay Evance na gumawa siya ng paraan para ipameeting ang lahat ng teachers kasama ang mommy niya. Yes, tama kayo ng nabasa. Sina Ashley at Evance ay magkapatid. Kambal nga to be exact. Back to business, hindi ko alam kong ano ang ginawa ni Evance basta ang alam ko lang, may meeting ang mga teachers ngayon ng 8 hours. Planado na talaga ang plano ko. At alam kong magtatagumpay ako (EVIL LAUGH)

*JOANA's POV*

Nandito na ako sa FHA. Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko.

Maraming mga estudyante ang nagbubulong-bulungan nang nakita nila ako. Kung titingin ako sa kanila, umiiwas sila ng tingin. So, paki ko ba?

Nagtuloy-tuloy lng ako sa paglalakad hanggang sa may kumuha ng bag ko.

"Hoy lalaking estudyanteng magnanakaw na may naiwang kulangot sa ilong na ninakaw ang bag ko, ibalik mo sa akin ang bag ko kung ayaw mong ipapatay kita sa lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko! L*tche kang halimaw na asungot na bakulaw na anak ni Lucy ka, mamatay ka sana!"

OA ba? Ganyan talaga ako. Well wala akong magagawa kundi habulin ang magnanakaw. Binilisan ko ang takbo ko para habulin siya dahil malapit na akong ma late. Hindi ko napansin na may nakaharang na lubid kaya nadapa ako. Ang that cause me to have a sugat sa knee and galos sa face. Sh*t! Nahawa na ako sa ka conyohan ni Mitch. Pinagtatawanan na ako ng mga estudyante rito.

"Girl kita niyo ba iyon? She's so tanga talaga. Hahhahaha!" girl 1

"Yeah! Bulag kasi eh. Hahaha" girl 2

"Dude may lumangoy na Nerd oh. Hindi niya ba nakita na walang tubig doon?" boy 1

"Siguro di yan naligo ngayon kaya nag de-daydream na may pool sa kanyang harapan." Boy 2

Sh*t talaga!!!! Arrgghhh!!! Tumayo na ako kahit nahihilo pa ako. Ang lakas talaga ng pagkadapa ko. Nanginginig pa nga ang tuhod ko. Nang makatayo na ako, binuhusan pa ako ng pintura. DAMN!!!

Binuhusan din ako ng maruming tubig. Take note: Maruming tubig. Okay lang sana kong malinis. Hilong-hilo na talaga ako pero kaya ko pa.

Pinagbabato nila ako ng mga itlog, chocolates, at iba pang pagkain na kanilang binili sa cafeteria para lang may maipangbato sa akin. Tapos kumuha sila ng isang timba na punong-puno ng harina at ibinuhos ito sa akin. Hindi ako makaganti sa kanila kasi nahihilo ako.

Nakita ko si Mitch na pumapalakpak at nakangiti. Hindi ko nakita na may lalaki pala sa likuran ko kaya tinulak niya ako at pinagsisipa.

Nasaan na ba ang mga teachers dito sa paaralang ito? Kaya ba tinawag na Freedom High ang school na ito kasi Malaya ang mga estudyante na gawin nila kahit anong gusto nilang gawin?

Tumigil na sa pagsipa sa akin ang lalaki at lumapit sa akin si Mitch. Sinampal niya ako ng pagka lakas-lakas at sinabunutan ako.

"Akala mo Joana wala na akong balak para patalsikin ka? Pwes! Nagkakamali ka." Patuloy pa rin sa pagsabunot sa akin si Mitch. Ginamit ko ang aking natitirang lakas para itulak siya. Tumayo ako kahit hilong-hilo na talaga ako. Lalabanan ko si Mitch kasi hindi na tama itong ginagawa niya. Galit na galit ako sa kanya kasi hindi siya patas lumaban.

Nang makatayo na ako, sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas. Natumba siya dahil sa lakas ng sampal ko sa kanya. But I don't care.

"Akala mo kung sino ka Mitch! Hindi porket mayaman ka at maganda ka pwede ka nang mang-api ng ibang tao! Sino ka ba para saktan ako ng ganito HA! Ni hindi kita INA! O KADUGO man lang para gawin ito sa akin. MAGANDA KA SANA EH. Nasa'yo na sana ang lahat. Kaso yang ugali mo ang may deperensya. Napaka sama ng ugali mo! Kung anong ikinaganda mo, yan din ang ikinapangit ng ugali mo!"

Tumayo si Mitch at tumawa ng mala-bruha.

"Buti naman at na appreciate mo ang ugali ko. Thank you so much." Sarcastic na sabi niya.

Akmang sasampalin niya sana ako pero inunahan ko na siya.

<PAK!!!>

"Yan para sa pang-api mo sa akin"---ako

<PAK!!!>

"Yan para sa ginagawa mo sa akin"---ako

<PAK!!!>

"Yan para sa pagtitiis ko sa ugali mo"----ako

<PAK!!>

"Yan para sa sarili ko"---ako

<PAK!!>

"At yan para sa sarili mo! Matauhan ka sana Mitch"---ako

5 slaps I did to her. Dapat lang yan sa kanya. Napakasama niya. Aalis na sana ako pero bigla akong nahilo. As in, Hindi na ako makakita. Naramdaman ko nalang na may naghampas sa akin ng isang matigas na bagay. Ang sakit, sobrang sakit na nang katawan ko. Nakita ko naman si Mitch, na galit na galit, siguro yung pagsampal ko sa kanya ng limang beses. Tatadyakan niya sana ako nang may....

"DON'T YOU EVEN DARE TOUCH OUR YOUNG LADY!!!!!!" sabi ng mga naka itim na lalaki then...

Black OUt

______________________________________

Alam ko di masyadong Exciting kaya pagpasensyahan niyo na.....

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon