Chapter 23 -- Her Plan --

1.1K 38 0
                                    

-Ashley's POV-

Nandito kami ngayon sa hide out ng boy band. Yeah may hide out sila dito malapit lang sa FHA. Para itong apartment na may studio, may mga musical instruments din at may mini stage.

"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Justin

"May sasabihin ako sa inyo." sabi ko sa kanila

"Ano ba yun? Ba't kailangan pang dito mo sasabihin?" tanong ulit ni Justin

"Pwedeng wag munang madaming tanong? Nakakairita eh..." mga gagong toh...tss....

"Pwede bang huwag nyong madaliin si Ashley? Naiirita rin kasi ako eh..." sabi naman ni Darryl

Isa pa toh eh...gaya-gaya sarap tuloy batukan.

"Pwede bang huwag kayong maingay? Kung ano yung sasabihin mo Ash, sabihin mo na. Nasasayang yung oras ko eh. May date pa naman ako ngayon." sabi naman ni Ivan. Okey na sana eh kaso, babae pa rin niya yung iniintindi niya. Cassanova is always a cassanova.

"Ganito kasi iyon, si Kambal slash kuya slash Evance ay nagkagusto na sa isang babae - - - - - -"

pagsisimula ko kaso pinutol ng mga gago.

"Woah....si leader binata na !!!" sigaw ni Ivan

"Hindi pa ako tapos gago!!!" sigaw ko kay Ivan

Hindi pa na nga ako tapos nagsisigaw na siya. Paano pa kaya kung tapos na...?

"Kaso itong si kambal slash kuya slash Evance ay isang dakilang torpe at yung babae ay isang dakilang manhid, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

"Sino ba yang babaeng yan?" tanong ni Justin

"Wag niyong aagawin kung sinong nagustuhan ni Evance dahil kung hindi malalagot kayo sa akin."

"Sino ba kasi yang babaeng yan at napaka big deal sa iyo?" tanong ni Darryl

"Si Joana."

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon