Chapter 24 -- Preparation for the Competition--

1.1K 39 2
                                    

-JOANA's POV-

Nandito kami ngayon sa hide out DAW ng boy bands para sa darating na competiton. Actually, hindi talaga ako kasama pero itong si Ashley ay mapilit eh. Tinakot pa ang mga teachers namin na kung hindi daw nila ako i-i-excuse sa attendance, eh masisante DAW sila kaya natakot ang mga teachers namin, ayon minayagan na ako. Alam niyo naman diba na sina Ashley at Evance ay anak ng may-ari ng school na ito?

Para sa hindi nakakaalam, si Ashley ang kanilang babaeng lead singer. Hindi na DAW sila pipili ng iba kasi DAW baka DAW marape sila ng iba DAW diyan. Ang yayabang diba?

Ang dami kong word na DAW noh. Alam niyo ba kung bakit? Kasi trip ko lang mag emphasize ng word na DAW eh.

"Ano bang kakantahin natin?"-

Justin

"Alam ko na. Since, may babae tayong vocalist,bakit hindi nalang "

Photograph" by Alex Goot and Against the Current ang kakantahin natin"-Ivan

"Pwede rin pero masyadong common eh"-comment ni Darryl

"Dapat yung kanta na di masyadong common pero maganda"-Justin

"Bakit hindi na lang yung what we came here for sa Camp Rock 2 Diba sasali tayo sa competition para hindi magpasikat kundi maging inspirasyon para sa ibang tao? Saktong-sakto lang kantang yan" sabi ni Ivan. At nag-agree sila sa desisyon ni Ivan

"Paano ba kantahin yan?" tanong ni Darryl

"Ako!!! Gusto nyong kantahin ko yan? Alam na alam ko yang kantang yan" pagvo-volunteer ko. Totoo naman eh.. Alam na alam ko yang kantang yan.

"Wag na.... Baka magunaw ang mundo. Ano pang silbe ng internet kung hindi gagamitin diba? So, magreresearch na lang kami." Sabi ni Ivan

"Grabe ka naman makapanglait. Hindi porket hindi ako marunong kumanta, lalait-laitin mo na ako. Ang bait mo naman GRABE." sabi ko rin sa kanya in sarcasm.

"Ewan ko sayo." Yan lang yung sinabi nya.

Tapos ayun, nagpractice na sila. At alam nyo kung anong silbe ko rito? Ginawa lang naman nila akong utosan. Inaasar na nga ako nina Ivan at Darryl tapos sumali pa si Justine. Kanina pa ako na bubwisit dito.

At nung nagbreak sila, aba't ginawa pa nila akong P.A. Pinabili lang naman nila ako ng tubig, chips tapos yung kalat na iniwan nila, ako pa ang naglinis at alam kong sinadya iyon ng tatlong gagong lalaki na walang iba kundi sila Ivan, Justin, at Darryl. Yung magkapatid lang yata ang mabait sa akin.

"Arrrgggghhhhh! Ayoko na! Letch*!  Damn! Curse you all!"Sigaw ko

Tapos, pumunta ako sa lugar kung saan nandon ang piano nila

"Hoy! Don't tell me, sisirain mo yan?" Kinakabahang tanong ni Ivan

"Hindi but since nag suggest ka, edi go" tsaka ako nag evil grin sa kanya.

Narinig ko pang nag sabi si Ivan na 'Hindi naman yun suggestion ah' tss…

Since marunong akong tumugtog ng piano at hindi ako marunong kumanta, ng hi-hymn lang ako sa lyrics pero yung pagtugtog ko sa piano ay sobrang lakas. Ginaya ko yung version ni Grayson Chance ng Paparazzi

"H-hey! D-dahan dahan naman ang p-pagpalo mo dyan, Joana. Baka wala na kaming piano. Nag-iisa na lang yan dito." Nauutal na sabi ni Justin. Pagpalo talaga ang ginawang term. Pero okey na rin.

"Mayaman ka naman diba? Bumili ka nalang ng bago." -ako

At dahil malakas ang trip ko, linakasan ko pa ang PAGPALO sa piano at kumanta na ako ng pagkalakas lakas. Akala nyo ha!

"Im your biggest faaaaaann ~~~~~~

I'LL follow you until you loooveee meeee~~~~~~~~~~~~

Paparazzi~~~~~~~~~

Baby there's no other superstar you know that i'll beeee~~~~~~~

Your paparazzi~~~~~~" kanta ko

Tingnan natin kung sino ang maiinis. Pag ako nabwisit, mas malala pa nito ang gagawin ko. Kaya wag nyo akong bwisetin kung ayaw nyong MAS mabwisit sa akin.

"For Pete's sake Joana. Itigil mo na ito" sabay na sabi ng tatlo.

Huh!!!!!!! Ano kayo sinuswerte? Patuloy pa rin ako sa pagtugtog habang yung tatlo patuloy sa parereklamo. Buti nga sa inyo. Patuloy lang ako sa pagkanta hanggang sa naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. Kaya huminto muna ako at kinuha ang phone ko.

"Hay salamat naman at naisipan mong huminto." Napairap lang ako sa sinabi ni Ivan.

"Hmp! Hindi pa ako tapos. Pasalamat kayo dahil may tumawag dahil kung hindi, winasak ko na yung piano nyo."

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Biglang nagbago ang expression ko. Lumabas ako sa hide out ng Boy Band at sinagot itong demonyong lalaki.

-ASHLEY's POV-

Sinundan ko si Joana. Masama kasi yung pakiramdam ko. Nakita ko si Joana na galit na galit habang sinisigawan yung kausap nya sa phone.

"Bakit ko naman gagawin yun ha?!!! Ano ako, alila mo? … Curse you!!!!! Wag mo silang idamay… No!!!! Ako ang kailangan mo diba?Bakit mo sila idadamay? … Arrrgghh!!!! Letche!!!!"

Nang matapos na silang mag-usap, dali-dali akong bumalik sa hide out nang boy band. Hindi ko muna ikukwento sa kanila. Baka kasi mabisto ako. Galit na galit pa naman si Joana.

Maya-maya pay pumasok na siya. Tutugtog na naman yata kasi papunta siya sa may piano.

"Hoy !!!! Kakanta ka na naman?" Tanong ni Ivan.

"Oo. Sabi ko naman sa inyo diba na HINDI PA AKO TAPOS. Tsaka, pakialam mo ba??" Sigaw ni Joana

Tapos nagsimula na siyang tumugtog. Mahina lang yung pagtugtog nya at hindi siya kumakanta. Tulala lang siya at nakatitig sa kawalan. Sino ba kasi yung tumawag sa kanya? Bakit galit na galit siya?

Lumakas ng lumakas ang pagtugtog nya. Hindi namin alam kung anong kanta ang tinutugtog nya. Hanggang sa pinalo na niya yung piano at pinagsusuntok. Walang nagsasalita sa amin at lahat kami ay nakatitig sa kanya.

"Damn you!!! Curse you!!!" Yan lang yung maririnig mo sa kanya. Tapos kinuha nya yung phone nya at may tinawagan

"……………Fine. Magkita tayo sa ******* shop"

Tapos umalis na si Joana at naiwan kaming nakatulaa....

______________________

Hala? Ano kayang nangyari kay Joana? Sino kaya yung tumawag? Bago na naman kayang kontrabida? O kaibigan na humihingi ng tulong pero sa dahas na paraan? Abangan nyo na lang sa next next next next next next chapter.....

Please

VOTE AND COMMENT

kamsahamnida.....

Xoxo

_soaddicted_13

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon