Ivan's POV
*kinabukasan*
Alam niyo ba kung ano ang plano ko ? Simple lang naman. Paiinlove-in ko si Joana sa akin at pagnahulog na siya ng matindi, saka ko siya iiwan sa ire. Dapat makaranas siya ng matinding heartbreak. Diba maganda ang plano ko? Hahaha (evil laugh)
(A/N: tawa po kayo para masaya -_-)
At ngayon ko sisimulan ang first move ko.
Nakita ko ngayon si Nerd kasama si Ashley. Teka, close sila ?
"Hey Girls!" bati ko sa kanila.
Alam niyo kung ano ang ginawa nila? Dinedma ako ng dalawa.
"Hellooooo!" sabi ko sa kanila. Pero deadma pa rin ako.
"Hoy!" sigaw ko sa kanila. Buti naman tumingin sila sa akin. Pero ang tingin nilang iyon ay papatayin ka talaga sa inis.
" Hoy ka rin! Kita mo naman diba na nag-uusap kami pero epal ka naman ng epal. Hindi mo ba alam na isa kang malaking istorbo ?!" sigaw ni Ashely
"Hindi nyo kasi ako pinapansin *pout*" pagpapacute ko sa kanila.
"Eh paano ka namin mapapansin eh may importante kaming pinag-uusapan!" sigaw ni Ashley sa akin.
"Tumahimik na nga kayo!" si Joana naman ngayon ang sumigaw. Kakaibang babae. Hindi man lang tumalab yung pout ko sa kanya.
"Wag ako ang sisihin mo! Yung kaibigan mo. Wala akong ginawang masama pero inaway niya ako!" sigaw ko rin sa kanya. So gay!
"Eh sino ba ang nang iistorbo sa pag-uusap namin ha?!" epal ni Ashley.
"Pwede ba! Para kayong mga bata sa pinagsasabi niyo. Tss. Mga isip bata!" sigaw sa amin ni Joana. At umalis na siya.
Haisst... First move ko, palpak nang dahil kay Ashley. Pero my second plan pa ako hahahaha.
"Hey you Ivan may nakalimutan akong gawin sa iyo." sabi ni Joana.
Di ko namalayan na bumalik pala si Joana.
" Ito ohh." tapos tinadyakan niya nang pagkalakas lakas yung paa ko.
"Ouch! What was that for?!"
"Sa pang iistorbo sa usapan ng may usapan! Tara Ashley." tapos hinila niya si Ashley at umalis na sila.
Langyang babaeng 'yun. TSK..
*CLASSROOM*
Nang makapasok ako, nagtilian naman ang mga babae. Syempre pumasok ang napakagwapong angel eh. Alam niyo kung sino? Edi ako. Wala kasing babae na makakatanggi sa akin dahil sa lakas ng karisma na dala ko sa kanila. Maya-maya pa ay pumasok na ang English teacher namin.
"Good morning class! Today, I'll give you the topic which I had already discuss in the previous days. You need to write it in a cartolina and you have to design and explain it." utos ng English teacher namin.
(A/N: Sorry for the wrong grammar)
Hayy! Discuss na naman. Pero okay na rin kasi by group itong pinapagawa sa amin at ka group ko si Joana. Ngayon ko rin gagawin ang second plan ko.
"Joana, anong gusto mong i-background sa gagawin natin at ano rin ang gusto mong kulay sa font page?" tanong ko sa kanya. Syempre, I need to act na para bang masipag sa pag-aaral. Pogi points din iyon no.
"White na lang ang background natin at si Ashely na ang bahala sa ibang design. Black pentelpen na lang ang gamitin natin na pangsulat para di masyadong gastos kaysa naman mag print pa tayo ng mga letters." sagot niya.
"Sure ka bang white at saka black?" paninigurado ko.
"Hindi, hindi, palitan mo kaya ng light white at saka dark black? kasasabi ko lang diba?" sarcastic na sabi ni Joana.
Langyang Joana oh. She's the great philosopher. Grabe napakalakas niyang mambara. May light white ba at saka dark black? Really? Tss.
_____________________________________________
PLEASE
VOTE
AND
COMMENT
BINABASA MO ANG
*Campus Nerd vs. Campus Bitch*
Novela JuvenilJust read and find out about the story of nerd and the bitch. Follow this account @MirChanDise. You can read my other stories there. Thank you!!!