Author:
Huwag gagayahin ang mga sumusunod na pangyayari......
______________________________
JOANA's POVSiya nga. Hindi nga ako nagkakamali. Siya si Rain Standford. Siya ang naging kaibigan namin pero naging magkalaban kami sa Korea noon and he wants to have a revenge.
"Maria, salamat naman at nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay."- Rain.
"Nasaan sila?" I asked him coldly
"Don't worry. Hindi ko pa sila sinasaktan." Saka siya ngumisi.
"Kailangan ko silang makita."
"Okey. Pero, hihingi muna ako ng permiso sa boss ko." Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Who's your boss?" I asked him.
"Ako"
May lumabas na babae na pinasukan namin kanina. Nakahood siya at nakamask. Medyo familiar sa akin ang boses niya. Lumakad siya papunta kay Rain.
"Long time no see, Joana" tinanggal niya ang kanyang hood at saka mask.
"Mitch" my comrades said in unison.
"Tss... Bitch" I murmured
"Miss me?" She smiled devilishly. "Anyways, nagagawa mo lang sabihin yan ngayon, Joana. Pero mamaya tingnan natin yang tapang mo?"
"Dalhin niyo yan sa basement." Utos ni Rain sa mga tauhan niya. Tapos kinaladkad kami.
Nang makarating kami, binuksan nila yung pintuan at nakita ko sila Evance. May mga pasa pati na rin si Ashley. Nakakaawa silang tingnan. Nakatali sila sa upuan.
"Joana!!!" Sigaw ni Ashley
Napalingon sa direksyon namin sila Evance, Darryl, Ivan, at Justin.
"Joana, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Evance.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Itali niyo sila." Utos ni Mitch.
Agad naman nila kaming tinalian. Tinalian ang mga kasamahan ko ng lubid pero sa akin ay kadena at saka nila ako kinandaduhan.
"Ang unfair niyo. Alam niyo na yun." I joked and then I pouted. Baka effective.
Pero hindi nila ako pinansin. Ano toh bastusan lang?
*PAK*
Napabaling yung ulo ko sa kanan.
"You slap like a kid." I said to Mitch then smirked. She smiled at saka niya ako sinikmurahan.
"Pagkami nakaalis dito sa pagkakatali sa amin, mapapatay talaga kita." James said.
"Talaga? Kung makakaya mo." Tapos sinuntok si James ng mga kasamahang lalaki ni Mitch.
"Pwede ba Mitch, huwag mo silang saktan!
Ako naman yung kailangan mo diba? Ako na lang ang saktan mo !!!" Sigaw ko sa kanya."Sure! Sabi mo eh" tapos sinuntok niya yung mukha ko. Nalasahan ko ang dugo ko sa labi ko.
"Ganyan ka na ba ka desperada ha?" Tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin ako, sinuntok niya ang sikmura ko.
"Argh!" Napasigaw ako sa sakit.
"Wala ka na bang ibang alam na pwedeng gawin sa akin? Ang cheap mo ha?" Sabi ko pero agad akong sinuntok nang lalaki na nasa tabi ni Mitch.
Napasigaw ulit ako sa sakit. Hinila ni Mitch ang buhok ko. Sinampal niya ako at mas lalo pang hinila ang buhok ko.
"Napakasama mo talaga, Mitch" I shouted
"Sana naisip mo yan bago mo ako kinalaban." Kinuha niya ang baril ng katabi niyang lalaki na siyang ikinalaki ng mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/7408811-288-k421314.jpg)
BINABASA MO ANG
*Campus Nerd vs. Campus Bitch*
Teen FictionJust read and find out about the story of nerd and the bitch. Follow this account @MirChanDise. You can read my other stories there. Thank you!!!