Chapter 5 --She Meets Mr. Lintik--

2.1K 49 2
                                    

[EDITED]
(A/N: Sa mga tapos ng bumasa pero binasa ulit, binago ko ang pangalan ng banda nila Evance. Instead of Boy Band, Zero degree band na yung pangalan ng banda nila. Huwag po kayong maguluhan. Thanks!)

- Joana's POV-

Nandito ako ngayon sa Freedom High Academy. At pinagtitinginan ako ng mga estudyante rito. Alam niyo kung bakit? Natalsikan lang naman ako ng putik habang naglalakad ako papunta sa school. Yung iba nagbubulungan pa pero naririnig ko naman.

FLASHBACK ...

Naglalakad ako papunta sa school kasi gusto ko lang. Bakit aangal kayo?

Habang naglalakad ako, may isang kotse ang dumaan at dahil sa kamalasang dala ng kotseng iyon, natalsikan ako ng lintek na putik.

(A/N: Sorry for the bad words)

Nakita ko ang kotse na huminto sa tapat ng isang malaking bahay. At dahil sa inis ko, pinuntahan ko ang driver ng kotse. At nakita ko ang isang angel na binagsak galing sa langit na nauna ang mukha sa pagbagsak niya. Harsh ba? Eh sa nadumihan yung uniform ko eh. OA ba? Eh sa ganito ako eh.

Kinatok ko siya sa ng malakas sa bintana.

"Hoy Kuya! Bakit hindi ka lumabas sa kotse mo kanina ha! Alam mo ba na dahil sa kotse mo natalsikan ako ng putik!" Sigaw ko sa kanya.

Aba't dinedma lang ako.

Tumingin-tingin ako sa paligid ko at nang makita ko ang isang malaking bato, kinuha ko iyon at yun ang ginamit kong pangkatok sa kotse niya.

"Ano! Lalabas ka diyan o hindi?!"

Linakasan ko pa lalo yung pagkatok ko para maasar tong lokong driver na toh.

"Sino ka ba ha?! Alam mo ba na bagong bili itong kotse ko?!" sigaw niya.

"Alam mo rin ba na dahil sa'yo ay natalsikan ako ng putik?!" Sigaw ko rin sa kanya.

" Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka?! Tsaka, I dont care kung natalsikan kita ng putik." Sigaw niya rin sa akin.

Aba! Taray mo tsong! Wasakin ko kaya yang kotse mo? Di naman kagandahan.

" Bakit sinabi ko bang may care ka sa akin?! Ang sa akin lang naman ay humingi ka ng sorry"

" Bakit ko pag-aaksayahan ng laway ang nerd na kagaya mo? Excuse me, wala sa bukabolaryo ko ang ganyang klaseng gawain. Kaya umalis kana kasi may susunduin pa ako ."

At binangga pa ako ng walang kwentang lalaking yun. At dun ko lang napansin na estudyante pala siya sa FHA. Pati narin yung kaibigan niya, sa FHA rin nag-aaral. Wala na rin akong magagawa kundi umalis at magpatuloy sa paglalakad.

END OF FLASHBACK ...

Oh diba nakakainis.

"Ew. Bakit may basura sa school na ito? Yuck. Kadiri. Nerd na nga, ang dumi-dumi pa " sabi ni hindi ko kilala.

"Tama ka diyan. Kaya tara na baka mahawa pa tayo sa virus ng nerd na iyan ." sabi nung katabi niya at umalis na sila.

Yan yung mga maririnig ko sa kanila. Hayyy!!! Mayayaman nga naman. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko habang nakayuko.

Lakad ... Lakad ... Lakad ... Lakad ... Lakad...

* BOGSH...*

Ano ba ang meron sa araw na to at napakamalas ko ngayon? Alam niyo kung ano ang nangyari?

(A/N: Malamang hindi)

Wag epal Ms. A.

..........................

Nabangga lang naman ako sa isang lalaki. Para ngang bakal ang lalaking to eh.

Alam niyo yun? Yung nag-eemo ka tapos mababangga ka sa bakal na cruz, este bakal na katawan?

"Ok ka lang miss? " sabi nung lalaki. Mukha pa lang, playboy na. Psh.

"Yeah. I'm okay."

Pero hindi siya 'yung nakabangga sa akin. Actually, apat silang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Tumingin ako sa nakabangga sa akin.

O_____O

" IKAW!!!!!" sigaw ko sa kanya.

"The one and only " sabi ni Mr. Lintik.

Akalain niyo yun? Yung nagmamay-ari ng kotse kanina noong natalsikan ako ng putik ay siya rin yung nakabangga sa akin ngayon. What a coincidence!

"Yabang mo dre. Akala mo kung sino " sabi ko kay Mr. Lintik.

"Bakit? Kilala mo ba ako?" tanong niya sa akin.

"Hindi nga pero kung makaasta ka parang hari ka rito sa school na to!" Sabi ko sa kanya

"Bakit? Hindi nga ba?" Cool nyang sabi.

"Wala akong pakialam kung hari ka rito o hindi. Hindi mo naman kontrolado ang lahat diba? Kaya huwag kang umasta na parang hari ka talaga " sabi ko naman sa kanya.

"Sino ka ba para sabihan ng ganyan ang kaibigan ko?!" Sabat naman ng kasama niyang may hawak na libro.

"At sino ka rin para sumabat sa usapan ng ibang tao? For sure matalino ka diba? Pero may matalino ba na walang manners? Sa nakikita ko, Oo kasi nakita ko na ang taong yun at IKAW yun!" sigaw ko sa kanya.

" What - " hindi na tinuloy ang pagsasalita ni Mr. Talino kasi sumingit si Mr. Lintik

"Huwag mo ng pag-aksayahan ng laway ang nerd na yan kasi hindi natin siya ka level" sabi ni Mr. Lintik.

Kung makapagsalita naman to parang babae. Siguro bakla to.

The thought na bakla siya, wahahaha sayang. I mean ... nevermind.

____________

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon