Chapter 47 -- Adventure --

322 9 1
                                        

-JOANA-

"Tapos na ba kayong mag-impake?" tanong ko sa kanila.

"Yeah." sabay nilang sabi.

"Ihanda ang van. Magdala kayo ng gasolina at i-check niyo na rin baka may sira ang sasakyan. Kayo talaga ang sisisihin ko kapag nadisgrasya tayo."

"Tapos na naming i check, Ice."

"Good. Alis na tayo. Sayang ang oras."

Nauna na ako sa sasakyan. Maya-maya pa'y umalis na kami. Si Jun ang nagmamaneho dahil siya lang naman ang mabilis magpatakbo ng sasakyan sa aming anim. Kinuha ko yung mapa. Hindi ko pa kasi ito binuksan kahapon. Pagkabukas ko sa mapa, may sulat akong nakita sa itaas.

'Be alert. Something is coming in every steps you'll take. Use your different senses. The sense of sight, hear, smell, taste, and touch. And remember your one and only reason why you'll be going to face this. Break a leg. Have a safe trip to o your journey.' -Anonymous

Napataas yung kilay ko. Tss..... Tiningnan ko kung saan ang unang destination namin at ito ay sa mabunduking lugar. 

"Ang saya nito." biglang sabi ni Sam. Sinamaan ko siya ng tingin at nag peace sign naman siya.

Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na si Jun.  Natulog muna ako dahil alam ko na mapanganib ang misyong ito.

After 3 hours.....

Nagsing ako nang maramdaman ko na huminto ang sasakyan. Nandito na pala kami. Bumaba kami habang dala-dala namin ang mga bags na naglalaman ng mga kinakailangan namin. Iniisip parang pinaglalaruan lang kami.

"Ice, parang ginagawa tayong DORA AND HER GANG THE EXPLORERS." sambit ni Kurt. Binatukan lang siya ng apat at binigyan ko siya ng masamang tingin.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad. Habang naglalakad kami, may nararamdaman akong kakaiba. Huminto si James na nasa unahan namin.

"Bakit ka huminto?" nagtatakang tanong ni Drake.

"Shh.. Huwag kayong maingay." sagot ni James.

"Bakit ba? Anong bang meron?" -Kurt

Nagti-tip toe si James na parang may hinahanap.

"James, pwede bang sabihin mo sa amin - - -" naputol ang sasabihin ni Sam nang biglang naglakad ng normal si James.

"Akala ko kasi nandito si Swiper." kalmadong sabi ni James.

Binatukan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Aray naman! Kasalanan ko bang gusto kung sumigaw ng 'swiper no swiping' tapos sisigaw si Swiper ng 'Oh men!'" James said while imitating Dora and Boots, and also Swiper with matching hand gestures.

"Tapos - - - " pinutol ko na ang sasabihin ni James. Sigurado akong kalokohan na naman iyan.

"Tatahimik ka o ako ang magpapatahimik sa iyo?"

"Oo na. Tatahimik na po. Tss. Sungit. Meron yata." binatukan ko siya.

"Aray! Ice, nakakadalawa ka na ah!." -James

"Tatahimik o tatahimik?"

"Wala namang pagpipilian dun ah."

I just rolled my eyes to him. At nauna na akong maglakad. Pinapakiramdaman ko ang paligid kasi parang may mali talaga. Hindi ako makapagconcentrate kasi ang iingay ng mga kasama ko. Huminto at tumingin sa kanila.

"Will you please shut your mouth up?" coldly asked. At saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Isang hakbang pa lang ang nagawa ko nang may kutsilyo na biglang pumunta sa direksyon ko na agad ko namang nailagan.

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon