EPILOGUE

611 19 7
                                        

After six years...

JOANA's POV

Kring !!!
Time check: 7:35 AM

Oh my gosh! Late na ako!!!

Dali-dali akong bumangon. Naligo ako tapos nagbihis. Kumuha lang ako ng tinapay at pumasok na ako sa kotse ko.

Yes, tama kayo ng nabasa. Kotse KO. Pinag-inpuna ko yata yan. At may sarili na akong restaurant. At doon din ako nagtatrabaho.

Pero sa ngayon, binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko habang kinakain yung dala kong tinapay. At anak ng tinapay naman oh, traffic pa!!! Naku!!! Lagot ako sa manager ko. Ang galing noh! Ako yung may-ari pero hindi ako ang manager. Huwag niyo nalang intindihin yun. Basta yun na yun. Ay ewan. Ang labo ko rin minsan noh. Pansin niyo rin ba?

Pero alam niyo ba, balik na naman ako sa pagiging nerd. Pero hindi na kagaya dati na para akong manang. Ngayon, may sense of fashion na ako. Oh ha, bongga!

8:10 AM na nang makarating ako sa trabaho ko.

Pasimple akong pumasok sa likod para walang makapansin sa akin. Pupunta sana ako ng kusina ng...

"Maria Joana Park!!! Late ka na naman!!!" Ayan na. Naririnig ko na naman ang bunganga ng panenermon ng maldita kong manager.

"Alam ko. Hindi naman ako tanga eh." I said.

"Aba sumasagot ka na ngayon!!!"

"Natural! Tao ako eh! May bibig hindi nga lang kasinglaki ng bunganga mo! Bleh!"

"Aba....aba.... Maria Joana Park, ang talas na naman ng tabas ng bibig mo."

"Aba...aba...rin Mitch Fernandez. Masyado kanang bossy. Meron ka ba ngayon?" At dahil doon, binatukan ako ng bruha. Langya!

"Ang sakit nun ha." At nagpout ako.

"Natural, binatukan kita diba?"

Oo nga naman. Stupid Joana.

"Pagdating ni William, isusumbong kita." Pananakot ko sa kanya.

"Edi magsumbong ka. Hindi naman ako papagalitan ni William my boyfie eh" kumislap yung mga mata niya sa sinabi niya. Edi siya na. Siya na ang may love life tapos ako itong bitter.

"Ewan ko sa'yo. Masyado kang inlababo kay William."

"Duh!!! Spell bitter J-O-A-N-A."

Naglakad nalang ako papunta sa kusina at isinuot ang apron.

Sa mga nagtataka at naguguluhan, si Mitch ay buhay na buhay at obviously, hindi siya patay. Loking William eh, barilin ba daw yung dalawang binti at braso ni Mitch? Hindi niya raw kayang patayin. Mahal niya eh.

Maraming nangyari sa loob ng anim na taon. At maraming rin dinaang proseso si Mitch. Isa na rito ay ang pagpayag niyang magparehab. Pinatawad ko na siya sa kanyang ginawa noon. Maging magkaibigan kami ni Mitch at naging sila ni William. Humingi ng tawad sa amin si Sofie at umalis siya sa Pilipinas para sundan si Ivan. Matagal na pala silang mag M.U, senekreto pa nila. Ano pa ba? Sina Amver at Patricia ay pumunta ulit sa Japan matapos silang makalabas sa kulungan upang paunlarin ulit ang kanilang negosyo. Umuwi naman sila Drake sa Korea dahil sila na ang nagmamanage ng kani-kanilang company. Si Rain, nandoon na ngayon sa Mental Hospital.

Pero alam niyo ba kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng anim na taon? Gumaduate, nagkaroon ng sariling restaurant na ang manager ay si Mitch, at parating pinanghahawakan ang pangako ni Evance sa akin na babalikan niya ako. Pero hindi ko alam kung matutupad pa iyon. 'Promises are meant to be broken' ika nga ng iba. Pero heto pa rin ako ngayon, pinanghahawakan pa rin ang pangakong mukhang malabo namang mangyari.

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon