24th

91 6 1
                                    

Chapter 24

"Kuya, sorry nalate ako." Tumango lang ako bago siya naupo sa tabing upuan. "Ito pala pinapabigay ni Tita. Hindi ka ba daw dadalaw sa bahay?" tanong ni White.

"Busy pa. Tsaka sa dami ng ginagawa ko nahihirapan ako isingit ibang bagay."

Gusto ko na ngang sumuko. Nag-iibang tao ata ako sa kursong ito.

"Nakita ko si kuya Zette kanina. Susunod raw. Nabanggit ko kasi na makikipagkita ako sa'yo."

Pinag-order ko muna si White ng makakain at maiinom niya. Hinihintay namin si Zette dahil aa susunod daw ito.

Habang sumisimsim sa kape na inorder ko ay namataan ko na si Zette na papalapit. Kumaway pa siya bago patakbong lumapit sa pwesto namin.

"Wow! Parang sir na sir ka na, Palm ah." Pangtutukso niya kaagad bago naupo.

"Nagpapanggap lang ako hanggang matapos lang talaga itong internship na ito. Nga pala kumusta ka?"

"Goods. Busy nga lang. Tsaka kasama ko si Kir kaya medyo nakakahinga ako."

"Kir?"

"Ah iyong kasama namin sa inuupahan namin tapos kasama ko rin sa iisang school. Grabe iyon eh... hindi halata na ayaw niya sa kurso niya kasi ang galing niya kapag bumubuo siya ng ideya at suggestions."

Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko. Na ang Kir na kilala ko at ang Kir na tinutukoy niya ay iisa.

Nang magvibrate ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa ay hindi ko sinasadyang makita kung sino ang tumatawag.

It was Bryce.

"Hello?"

So magkakasama pala sila ni Kir at Bryce. Small world.

"Oo. Nasa ibabaw ng desk. Doon sa may tabi ng kama ni Kir. Naiprint ko na lesson plan mo gagi ka. Sus! Takot ka lang kay Kir eh. Ewan ko sa inyo. Mukha kayong aso't pusa pero panay naman lampungan! Magtigil ka may mata at tainga ako. Pababy ka naman eh! Tigil-tigilan mo iyang angas mo kasi mababangasan ka talaga ni Kir."

Pinilit ko na huwag gumawa ng kung ano man na reaksyon. Nakakahiya naman. Magmumukha akong tsismoso.

"Sige na. Nasa labas ako eh. Nag-order na raw si Gau ng pagkain niyo. Hintayin niyo na lang. Sige ba. Bye."

Sakto naman na kalalapag pa lang ni White ng pagkain niya.

"Kuya, ano sa'yo? Ako na oorder."

"Matcha latte na lang akin, White. Salamat."

Pagkaalis ni White ay nabaling ulit sa akin ang atensyon ni Zette. Mas lalo at itong naging blooming. Hindi talaga para sa lahat ang internship na ito.

"Kumusta?" tanong niya.

"Okay naman. Culture shock lang talaga sa mga pangyayari. Ideal nasa curriculum eh."

Natawa siya sa sinabi ko na totoo naman. Ang hirap kaya iadjust ng lahat lalo na sa iba't-ibang uri ng mga bata.

"Well... kahit papano nakakasabay naman na tayo."

Tumango naman ako. Kung ano-ano pa ang napag-usapan namin at nakisali na rin si White. Hindi nagtagal ay nakita ko si Kia kaya naman sumama na siya sa table namin.

"Familiar ka." Nalilitong tinignan ni Kia si Zette. "I mean familiar name mo. Not sure lang."

"Well hindi lang naman ako ang nag-iisang Kia eh." Tumango-tango si Zette pero pilit niya ata inaalala. Baka may nababanggit si Bryce or Kir about kay Kia kaya ganoon.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon