13th

73 3 0
                                    

Chapter 13

The game finished it from the last day of our stay. Nagsara kami ng tindahan dahil may pasok si mama. Pinayagan din naman si White para naman daw kahit papano ay makalabas. I even saw Zette walking on the hallway but I decided not to walk near him. Ewan... masyado naman na kasing awkward lalo pa at nakita ko na nakasunod naman sa kaniya si Gaudence.

Hindi ko alam kung ano ang score sa pagitan ng dalawa.

Nagfirst kami when it comes to basketball at 2nd naman for overall games. Not bad lalo na at tatlong state university iyon at dalawang community college. Mas may gamit at talagang lugar ang mga state university habang kami noon ay sa covered court ng munispyo nagpapractice o di naman kaya sa may mga court na malapit.

Matapos ang game ay binigyan ko ng pangkain sina White at Pau. May natitira pa naman sa allowance ko kaya pinagbigyan ko na lalo at ako naman talaga dahilan ng panonood nila. Nagpaalam din kaagad sina Hail at Kia dahil may pasok pa at kami lang naman ang excuse sa mga instructors.

Kasama namin sina sir Miah at ma'am Kristin. Nag-aya sina sir na mag samgyup. Napuno ng ingay ang paligid dahil na rin sa dami namin. Inubos namin ang natitirang pera na allowance ng basketball team at dinagdagan na lang din namin ng kaunti dahil nakakahiya naman kina ma'am. Per head naman kasi ang bayad.

Isang mahabang mesa ang pinag-upuan namin. Napapagitnaan ako nina Zayn at Reg habang sina sir Miah, coach, at ma'am Kristin naman ang magkakatabi.

"Sobrang proud ako sa inyo! At least hindi naging kulilat ang school natin!" sigaw ni coach.

Isa si coach sa alumni sa school kaya mabilis na umu-oo noong nangailangan kami ng coach.

"Palm, hindi ka ba nangarap na ituloy ang pagbabasketball?" tanong ni Coach.

Umiling ako.

Mas nangarap pa nga akong magkapera ng walang ginagawa eh.

"Seryoso, Palm. Magaling ka ah. Sayang," dagdag pa ni Coach.

"Wala iyan sa isip ko, Coach."

"Kapag nagbago isip mo sabihan mo lang ako. Ako bahala sa'yo."

Tumango na lang ako bago ko naramdaman ang pag-akbay ni Zayn sa akin.

Nang matapos ang aming celebration ay hindi na ako sumama sa service namin. Nagtext si Pauline na kasama nila sina Zette dahil nagkasalubong sila at nag-aya ito na kumain. Dumiretso ako sa mall na sinasabi nila. Nadatnan ko na nakaupo sina Pauline at White.

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Bumili lang. Busog pa naman kasi kami kaya sabi ni kuya Zette bili na lang sila ng drinks."

Naupo ako sa tabi ni White at napapagitnaan namin siya.

"Congrats pala, kuya. Galing mo pala maglaro."

Natawa ako saka bahagyang tumango.

"Sakto lang. Tsaka ikaw maghanda ka na. Pwede ka na mag-enroll next sem. Para naman kahit papano ay may advance ka na. Sayang."

"Paano ang tindahan, kuya?" tanong niya.

"Hindi naman iyon aalis."

Nang dumating sina Zette ay bitbit nila ang drinks at ang potato fries na binili nila. Kaagad siyang lumapit sa akin at yumakap kahit na nakaupo ako. Napatingin pa ako kay Gaudence na masama na naman ang tingin.

Bading naman! Di makaamin!

"Namiss kita, Palm! Ang daya mo naman hindi ka nagsabi na isa ka sa players ng basketball! Sana 1st day pa lang nanood ako! Doon ako nag-aaral eh!"

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon