27th

52 7 1
                                    

Chapter 27

Natapos ang taon na hindi namin napag-usapan ni sir ang mga nangyari. Wala rin akong lakas ng loob para iopen pa ang mga nangyari noong gabi na iyon. Hamak na istudyante lang din naman ako. Walang-wala lang ako kung iisipon sa buhay niya.

Concerned lang siya. Iyon lang iyon.

Kasama ko sina mama na nagpasko at bagong taon. Si White ay umuwi sa kanila. Hindi rin kami umattend sa mga reunion dahil alam ko na pag-uusapan lang kami.

Invited rin kami sa party sa school kaya nagkaroon ako ng bagong memories with them. Hindi naman na masama.

Hindi ko na ulit nakita ang tatay kong walang k'wenta. Hindi ko rin iyon binanggit kina mama maging sa kapatid ko. Katulad ng naalala ko paninindigan ko na lang.

Bata pa lang ako alam ko na may kakaiba sa relasyon nina mama. Hindi sila katulad noong mga nakikita ko sa mga magulang ng kaklase ko. Hindi sila ganoon katulad sa mga napapanood ko sa tv. Araw-araw na lang ay may pagdadabog sa bahay. Araw-araw may sumbatan. Hindi ko nga maalala kung paanong nagsasama pa sila sa iisang k'warto tuwing gabi dahil sa madalas nilang pag-aaway.

Sa munting batang ako... masakit makita na hindi masaya ang papa ko sa amin.

Lasing halos kung umuwi si papa. Minsa noon narinig ko na ibang pangalan ang tinatawag niya dahilan para makita kong palihim na umiyak si mama.

"Apple."

Naalala ko iyon ang pangalan na narinig ko mula sa kaniya na para sa batang ako isang simpleng prutas lang ang hinihingi ni papa.

"Tama na, Paulo! Wala na siya!"

Iyon ang narinig ko mula sa labas ng pinto. Hindi ako tumuloy sa loob dahil nagsisigawan sila.

"Ba't 'di mo ibaling sa anak mo ang atensyon mo! Nandiyan si Palm! Kailangan ka ni Palm!"

"Alam mo na sa una pa lang na si Apple ang mahal  ko!"

"Oo! Alam ko dahil paulit-ulit mo na pinaparamdam iyon sa akin! Pero nangako ka noong kinasal tayo! Na aalagaan mo kami ng anak mo! Na paninindigan mo kami! Hindi mo sinabi na may expiration date pala iyon! Simula noong bumalik at makita mo ang babaeng iyon kinalimutan mo lahat ng sinabi mo! May anak ka sa akin! Dalawa na sila pero kung itrato mo kami sa buhay mo parang wala lang dahil sa babaeng iyon!"

Nang marinig ko ang pag-iyak ng kapatid ko ay dali-dali akong tumayo at dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi alintana ang kagulohan na nangyayari sa pagitan ng mga magulang ko.

Pinatahan ko ang kapatid ko at pasalamat na lang ako na natapos na sila mama. Doon ko lang narealize na kahit maging sino man ako ay hinding-hindi ako tanggap ni papa sa buhay niya.

Simula noon ay naging pasaway na ako. Walang alam sina mama na may mga pinaiiyak ako sa mga kaklase ko. Hindi naman uso noon na napapatawag kaagad ang magulang kapag may nagagawa kang mali. Hindi naman ganoon kadaling magsumbong kapag may nangyayari sa paaralan dahil kahit minsan kalaro ko rin naman ang mga napapaiyak ko.

Noong umuwi ako na may sugat sa labi dahil nasuntok ako ng kalaro ko ay nakita ko si papa na palabas ng bahay. Dala-dala ang isang malaking bag. Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siya maging si mama na umiiyak at karga ang bunso kong kapatid.

"Paulo, paano naman kami?" umiiyak na tanong ni mama.

"Pasensiya na, Rina. Pero mas mahal ko si Apple!"

"H*yop ka! Simula ngayon kakalimutan kita! Wala kang anak sa akin, Paulo! Wala ka ng babalikan! At wala kang karapatan na bumalik sa buhay namin! Pagod na pagod na rin ako! Bahala ka na sa buhay mo! Kung sa kaniya ka masaya kalimutan mo na naging parte kami ng buhay mo at kakalimutan din naman na naging parte ka ng buhay namin!"

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon