12th

96 6 4
                                    

Chapter 12

Kasalukuyan na naman kaming nasa training. Habang breaktime naman ay iniedit ko ang iilang mga video lesson na ginawa ko dahil ako na ang nakaasssign na reporter. Mas lalo pa ata akong nahirapan dahil sa basketball.

"Cap, ano ginagawa mo? Kanina ka pa busy diyan sa phone mo ah. Jowa ba?" Umiling ako dahil wala ako sa mood makipagbiruan sa kanila. "Ay sorry na, Cap. Wala sa mood." Narinig ko pa sabi ni Off.

"Cap, baka makatulong. Ano ba iyan?" tanong ni Regan.

"Nag-eedit ako. Hindi naman sobrang arte sadyang dami ko kasi kina-cut."

Tumango-tango siya. Gustuhin ko man magpatulong pero ako naman ang nakakaalam kung saan ako magka-cut.

"Kain kami, Cap. Ano gusto mo?" tanong ni X na nakahubad na ng damit.

"Just buy me iced coffee. Antok na ako."

Ni hindi na ako ang abala pa na tumingin sa kanila. Kailangan ko na kasi itong isend mamaya. Nakasakbit na lang sa balikat ko ang damit ko dahil sobrang init din talaga. Basang-basa na rin kaya hinayaan ko muna na nasa balikat ko.

"Ikaw, Reg? Sama ka?" tanong ni Zayn.

"Iced coffee na lang din akin. Pasabay. Samahan ko na si Cap dito."

Matapos ang ilang minuto ay nag-inat-inat ako at nakatingin lang si Regan sa akin.

"What?" takang tanong ko bago nag-ayos ng upo.

"Matagal na kayong magkaibigan ni Hail?" Natawa ako dahil doon. He's curious. "Sorry, Cap. Curious lang."

"Oo. Since first year. She's my first friend. Why? Nagkakausap kayo?"

"Hindi masyado sa chat. Tagal niya magreply eh."

Hindi talaga palareply ang babaeng iyon. Malamang busy siya sa panonood kaya wala sa sarili siyang magreply kapag ganoon.

"Sa tingin mo, Cap. May pag-asa kaya ako?"

Well Hail is very a complicated women I know. Sa totoo lang. Ewan lahat naman talaga sila kasali na ang kapatid kong OA.

"Siya kausapin mo. I mean if gusto mo siya make your move, Reg. Hindi iyong nauubos ang oras mo sa katatanong sa akin dahil wala rin akong balak sagutin ang lahat dahil hindi naman ako si Hail."

Matapos namin magbreak ay balik na naman sa training. Nauna sila umuwi sa akin dahil nagpaiwan ako pagkatapos ng training dahil busy pa ako sa pag-eedit. Dahil wala naman masyado tao hindi na ako lumipat pa.

Nang matapos ko ang inedit ko ay kinuha ko ang bola saka mag-isang naglaro. Halos ilang minuto rin ata akong ganoon hanggang sa makita ko si sir. Lumapit siya sa akin kaya mahinang pagdribble na lang ang ginawa ko.

"Ba't nandito ka pa?" tanong niya bago ko itinigil ang ginagawa ko.

"Pahinga muna, sir."

Natawa ako sa reaksyon niya.

"Pahinga mo?"

Ipinasa ko ang bola sa kaniya na kaagad naman niyang nasalo. Noong una ay tinignan niya pa ito bago niya nakuha ang gusto ko. Inalis niya ang jacket niya at inilabas noon ang suot niyang sleeveless shirt na itim. Lumabas na naman ang kaputian niya sa sagot niya.

Nagtribble siya habang ako naman ang dumidepensa para maagaw iyon sa kaniya. Diretso ang tingin niya sa akin kaya naman ginawa kong alas iyon para maagaw ang bola sa kaniya pero masyado siyang mabilis. Naikutan niya ako bago niya tumalon ng bahagya para maishoot ang bola.

2 points!

"Wow!" Manghang sambit ko. "Sir?"

Nang ipinasa niya sa akin ang bola ay ako naman ang nagpasikat. Pero hindi ko alam kung bakit parang ang dali lang niyang nabawi iyon at nakapascore na naman.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon