Kulit bulilit
* jade's pov *
Naging masaya naman ang bawat araw ko sa trabaho ko, may mga totoong kaibigan na ko kahit pa nung una todo kung tarayan nila ako, akala naman nila papatinag ako? Kung sa school ngang binubully na ko walang nakakapagpatiklop sa kin dito pang pare parehas lang kami ng mga katayuan???
anyway yun na nga naging kaibigan ko na sila, masaya naman ako kahit pagod na pagod sa 8 hours work ok lang pag nagkakatime sumasama ako sa kanila magmall or gumala sa park, dito ko nga lang to naexperience eh, kung anu anong gimik ang ginagawa namin, minsang pumupunta kami ng bar para magvideo oke at mag inom minsan naman nagboboy hunting haha. Pero mind you, di naman kami bitch ano, were just having fun.....
Watching those pretty guys nanjan yung makikipagkilala kami nanjan yung makikipag inuman kami, but when it comes to touch our skin ibang usapan na yun. Kung yung mga kasama ko ok lang sa kanila pwes sa kin. Kung kinakailangan gilitan ko sila sa leeg gagawin ko Ganyan ako.
"Alam mo jade ang k.j mo talaga noh, shempre flinert mo sila kaya minsan di nila maiiwasang madala sa ganda mo. Pero yun lang yun." Oh come on.
"Well that's my rule, no touch no kiss. Maliwanag?" Kaya tumango na lang yung dalawang nakaksama ko sa mga gimik. Palibhasa, gawain nila tsk.
"Ok, sinabi mo eh." Sabay pasok ng kitchen ni myla. Ang pinakamasex appeal sa ming 3.
"Oh hi there, parang galing washing machine ang mukha natin ah, wala bang plantsa sa inyo?" Isa pa tong ron na to kung mang asar eh,
"Eh pano ba naman kuya, kahapon may nagtangka na naman sa kanyang humalik." Sabi ni lyza.
"Di na qo magtataka pa, at panigurado nginudngod nya na naman sa mesa yung mukha ng lalaki." Tumawa si lyza.
"Tumpak kuya. Pakisabihan nga yang bitter mong friend, sumobra ata eh." Isa pa lyza binggo ka na sa kin. Tiningnan ko sya ng masama. "Ehehehehe, sabi ko nga mananahimik na eh," she zip her lips and hang her hands up.
"Eh kasi naman gumigimik pa kayo ng kayo kayo lang eh, ikaw nga jade, tumigil ka na kakasama sa dalawang yan di mo kayang makipagsabayan sa kanila." True naman. Bakit nga ba ko napapasama dito sa mga to eh.
"Hoy hoy lalaki, kung makapagturo ka naman sa ming dalawa ni lyza parang di ka tulad namin ah, nakikipag wild out ka nga rin sa mga flings mo eh." Amuze na amuze lang ako habang nag uusap sila nagkakabukingan na kasi sila eh.
"Atleast aqo lalaki, eh kayo? Sasama nyo pa si jade," tama nga naman, mabait rin naman to si ron eh, may pagkachickboi lang talaga, ay mali. Certified chickboi pala. Narinig nyo rin naman siguro ang mga usapan nila diba, ganyan kami dito pag walang masyadong costumer. Kaya nga nag eenjoy ako eh. Kahit pangatlong buwan pa lang tong binubuo ko eh.
"Hi ate, how's your day," ang suki nang fast food chain na to, well actually sila pala ang may ari nitong pinagtatrabahuhan ko pero aqo lang ang nakakaalam kasi ayaw nya daw malaman ng iba, atleast sa ganto daw malalaman niya kung totoong tao yung mga nakakasalamuha nya. Nagulat nga din ako eh, pero totoo pala kaya pala madalas syang nandito ang galing noh haha.
"Im good how about you?" He smile and hold my hand.
"Hoy bata kabata bata mo pa dinaig mo pa ko ah, bawal yan", sabi ni ron. Nakita kong nagbago yung expression ng mukha ni jazon. Haha kung alam lang siguro ni ron kung sinong kausap nya malamang tumahimik na lang sya.
"Ikaw nagbawal? Paskil mo muna sa rules and regulation ng bansa para maging official." Hehe pahiya. Ngumiti lang ako.
"Oo bawal dahil girlfriend ko sya." Aba talagang panindigang girlfriend ako eh alam naman ni jazon ang nangyari sa min ng ex kong si neil eh, sinabi ko sa kanya lahat, ngumisi lang si jazon.
BINABASA MO ANG
finding true love (Editing)
RomanceNaghahanap ka ba ng true love tulad qo? Then read this story of jade and neil na pinagtagpo at pinaglayo para malaman kung true love na nga ba ang tumama sa kanilang dalawa.