chapter45

71 5 1
                                    

* neil's pov *

Ilang araw na kong di mapakali, si ketch kasi di man lang ako itxt alam ko naman di totoo yun pero kasi iba yung pagkakasabi nya sa kin ng WERE DONE, kitang kita ko yung galit sa mga mata nya,

Alam ko naman kasalanan ko kung bakit sya nagalit, pero this time kasi talagang galit ang aura nya. Ni hindi ko sya matitigan para kasing anytime magbubuga sya ng apoy.

3 days na pero ni hi' hello' sa txt wala. Ganun ba nya kamahal yung bestfriend nya na yon kaya di nya ko tinxt? Eh ano ba kasing magagawa ko kung sobrang nagseselos ako, gusto ko ako lang yayakap sa kanya, hahalik sa forehead nya lalo na sa lips nya,

Maramot na kung maramot pero ayokong may malapit sa kanyang ibang lalaki kundi ako.

Ayoko ring makikitang may nagpapasaya sa kanya kundi ako lang . MAHIRAP BANG INTINDIHIN YON???

nakakatamad kumilos kahit na ang dami ko pang dapat gawin gusto ko mang puntahan sya at yakapin sya ng mahigpit baka kasi galit pa rin sya. Baka bigla na lang ako nung sipain palabas ng shop nya. :(((

"Ano yan day dreaming? Ang aga ah," napatayo ako sa nagsalita, putek anong ginagawa nya sa office ko?

"Ikaw????? anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa steve na dahilan ng pag aaway namin ni ketch.

"Malamang dude pumasok ako sa pintuan ng office mo, im not a gate crasher you know." (=_=) putek magbestfriend nga.

"Ano bang kailangan mo? Wala akong oras para sa mga sasabihin mo." At tumalikod ako sa kanya.

"Talaga? So you mean your not interested about jade? Then ok, i'll go." Napaharap ako sa kanya at pinigilan syang umalis.

"What about jade? Anong nangyari sa kanya?" Worried kong tanong.

"Wala naman, i just wanna tell you that, your such a jerk dude." (=_=) anong pinagsasasabi nito. Sarap lang ihagis sa bintana ng office ko ako pang naging jerk ngayon? Psh

"Umayos ka ah, sabi mo about jade tapos im a jerk." Putek kasi nakakainit ng ulo alam nang nag aalala ako tapos tinawag nya lang akong jerk. At sya ang may kasalanan kung bakit kami magkaaway ngayon.

"Totoo naman dude, your a jerk, pano mo natiis na di kibuin o itxt man lang ang cinderella ko? Akala ko pa naman isa ka talagang tunay na lalaki, dahil sa kwento ni carla. But all was wrong, your a coward jerk," sinamaan ko sya ng tingin at nakipagtitigan din sya.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Eh diba nga si ketch ang nagsabing were done. Tapos ako pa ang coward ngayon?

"Kasi kung mahal mo ang cinderella ko the time na sinabi nya sayong were done gumawa ka na ng movements to apology, pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang kaming lumakad palayo. isang kaduwagan yun dude. Akala ko pa naman, yung pinagmamalaki ni cinderella ko is kaya talaga syang protektahan at alagaan."

"Di kaya nagkamali sya ng pagkakakilala sayo?" Pag di ako nakapagpigil uupakan ko na naman to eh,

"At hanggang ngayon wala ka pa ring ginagawang plano para magkaayos kayo shit pare. Ineexpect mo bang sya ang gagawa ng 1st move para makipag ayos sayo? Hahaha, never na mangyayari yon dude. Kaw din."

Tama may point sya bakit ba kasi ako natulala lang ng oras na yun? Noong sinusuyo ko sya pinangako ko sa sarili kong di ako titigil hanggat di nya ko sinasagot ulit, at pinangako ko sa sarili kong di ko na sya pakakawalan pa pero anong ginawa ko? Imbes na magsorry nagmatigas pa, shit talaga.

"Alam mo ba kung bakit ko sya niyakap ng oras na yon? Dahil di maganda yung pakiramdam nya, malungkot sya marami syang iniisip. At lalo mo pang pinalala ng sapakin mo ko, alam mo namang mas mahal ako nung cinderella ko kesa sayo, ayaw nyang nagagasgasan ang gwapo kong mukha." Tinitigan ko na naman sya ng masama, gwapo? San banda?

finding true love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon