* neil's pov *
I followed jade without her knowing, nang makahinto sya, para akong nagyelo sa kinalalagyan ko, ganun ba kalaki ang kasalanan ko para iwanan nya agad, pati studio nya pinasara nya at ngayon iba na ang pangalan, ano bang nagawa ko at ganun nya na lang ako iniwasan?? unfair naman niya.
Alam nya ba kung gano ko hinangad na makasama sya ulit tapos eto sya iwas nang iwas. Nakakabadtrip din kung di lang sa puso kong to, di na ko magtatyaga pang gumawa ng kung anu ano para lang magkabalikan kami. Shete naman kasi tong puso ko ang hirap pangaralan kung tutuusin ang dami daming babae jan sa paligid sa tagal ng panahong di kami magkasama pwede naman akong mainlove sa iba, pero wala eh, ayaw bumaling sa iba eh. Kung pwede lang matagal ko nang ginawa. wag lang kay mariel at naiirita ako sa babaeng yun na kala mo linta kung makadikit.
Hinintay kong magclose sila pero wala ata silang balak magsara 9:30 na pero open na open pa rin sila kaw ba namang magkaboss na workaholic eh. Nang isa isa nang maglabasan ang mga staff nya lumabas ako ng kotse balak ko sana syang pasukin kaya lang nakita ko si benjo at sabay silang lumabas ng studio, parang may tumaga sa puso ko, seeing her with other guy NAPAKASAKIT TALAGA. Lalo na nang makita ko with my best friend pa, SAKLAP at dahil sa frustrations ko, umalis na ko at dumiretsong bar, magpapakalango na lang ako wala rin namang silbi kung magmumukmok lang ako sa bahay, at ano? Iisipin sya, papahirapan ang sarili ko para alalahanin ang masasayang nakaraan namin? Hwag na lang.
**********
Nang makaisang oras ako sa bar, may isang familliar na mukha ang pumasok, sino pa ba eh di ang bestfriend ko. Siguro nag away sila ni jade kaya tumuloy dito. Lalapitan ko sana kaya lang anong sasabihin ko? Isang taon na rin ang nakalipas ng huli ko syang nakausap, unfair nya rin eh, he told me that he will caught jade from me if its hurt by me, pero hindi ko sya sinaktan, sya nga ang nanakit sa kin eh, bakit ngayon sila na?
Tiningnan ko lang sya habang tumutungga ng sunod sunod na baso ng scotch parang ang laki ng problema, ni wala syang paki alam sa mga bitch girls na finiflirt sya. Panigurado problemado to. Nilapitan ko sya, at pakiwari ko may tama na sya agad. Scotch ba naman eh.
"Hey," tumingin sya sa kin at umiwas agad ng tingin. "Problema?" Inignore nya lang ako, ganyan naman yan eh kahit magbestfriend kami he never tell his problem to me, may lumapit na babae sa min at bigla hinalikan ang kaiinom lang na si benjo. They kiss as torid na akala mo wala nang bukas, pano kaya kung malaman ni jade to? Paki ko ba eh sila naman ang mag aaway, well pabor sakin bakit hindi.
Nang iwanan na sya nung babae, napabulong sya.
"They are all bitch, whore and slut." Tapos bigla na lang syang natumba sa kinauupuan nya inalalayan ko sya haNGgang makarating kami sa isang long couch nang mailapag ko sya bigla namang nagring yung cellphone nya, di nakaregister yung name pero sinagot ko na din. Nang masagot ko.
"Ano ba benj, kanina pa ko tumatawag sayo ah, ano nang nangyayari sayo is there any problem tell me pls." Isang nanggagalaiting babae ang nasa kabilang linya. Hindi ko sana sasagutin kaya lang baka nagwawala na yon sa kinalalagyan nya.
"Sorry he drunk tOo much, so he can't take your calls"
"What, where is he?" Nagpapanic nyang tanong, ano ba may jade na may ibang babae pa, baka pwedeng ibalato nya na lang sa kin si jade? So sinabi ko kung nasan kami. Naghintay ako ng almost 30 minutes pero wala pa rin sya kaya pumunta muna ko nang c.r para magbawas..
Nang bumalik ako nakita ko ang isang babae, sa likod ni benjo nagpatulong sya sa isang bartender para buhatin si benjo, nang makilala ko ito natigilan ako, it can't be, si jade ba yung kausap ko? Si jade ba yung nagpapanic habang tinatanong kung nasan si benjo? ANAK NG TIPAKLONG NAMAN OH, bakit? Kung kanina tinaga taga pa lang ang puso ko ngayon minurder na ng husto pusang gala, im still hoping that we can be together pero pano kung mahal nya na si benjo na bestfriend ko? Bakit ba sa lahat ng minamahal ko ng totoo, si benjo ang gusto? Siguro tama si daddy dahil si benjo may maipagmamalaking sa kanya talaga eh ako? Anong meron ako?
BINABASA MO ANG
finding true love (Editing)
RomanceNaghahanap ka ba ng true love tulad qo? Then read this story of jade and neil na pinagtagpo at pinaglayo para malaman kung true love na nga ba ang tumama sa kanilang dalawa.