"May extra earphone ako, gusto mo?"
Lumingon ako saglit kay Raven na nakaupo sa tabi ko. Umiling lang ako sa kanya at pumikit ulit. Nasa bus na kami ngayon para umuwi ng Maynila.
"Paye."
Napadilat ako ng marinig ang boses ni Yasher. Nagulat ng makita siyang nasa harapan ko. Mabilis niyang pinatong ang isang plastik ng strawberry sa hita ko at agad tumalikod.
Hindi ako nakapag salita sa sobrang gulat. Nagtinginan din ang mga kaklase namin sa ibinigay niya.
Isang punong plastik ng strawberry.
"Wow."
"Ang dami."
"Tamis nyo talaga."
"Penge kami Faye."
Binigyan ko sila Mark na nanghihingi. Napatingin ako kay Raven na nakangiti lang sakin. Lumingon ako kay Yasher pero nasa unahan pa ang seat niya. Gusto ko sana siyang puntahan pero nakataas na ang kilay sakin ni Ma'am.
Papansin pa naman 'to.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext siya.
Me: Para saan 'tong madaming strawberries?
Sobrang dami.
Naglaglagan na nga ang iba sa sahig. Hindi ko din naman mauubos ito.
"You want some? Kuha ka." Alok ko kay Raven.
"Hindi ako kumakain nyan eh."
Kumuha ako ng isa at agad tinikman. Napangisi ako ng makitang nakalingon at nakatitig sakin si Bianca.
Mainggit ka, bitch.
Kinuha ko ang cellphone ko ng makitang may nag text. My lips parted when I saw his reply.
Yasher: You like strawberries diba.
He knew.
I was just smiling for the whole ride. Inaabangan kong makapag usap kami ni Yasher pero nauna na siyang makauwi dahil kinausap pa ako ni ma'am ng higit isang oras.
And as usual, pinuna nanaman niya ang mga pagkakamali ko during the field trip.
"Ikaw Faye ah. Graduating kana kaya umayos ka."
Maayos naman ako ah?
"Lagi kang may violation at nahuhuling lasing o nakainom tuwing papasok ng school."
Pakialam mo?
"Umayos ka kundi mas-suspend kana talaga."
Nanay ko ba 'to?
Pasalamat siya at good mood ako ngayon dahil sa mga strawberries kaya hindi ko siya sinasagot.
Alam ko na sa mga naging violations ko ay matagal na dapat akong wala sa Apex pero dahil Malaki ang share ni mommy at Tita Jessica (Yasher's mom) sa university ay hindi ako napapaalis.
Akala niya ba hindi ko alam yon?
"Faye, your finally home. How's the field trip?"
Tanong ni mommy ng maabutan ko siya sa dining. Humalik lang ako saglit sa pisngi niya at naglakad papuntang hagdan.
"It's fine mom."
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Genç KurguSamara Faye Schmidt is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...