CHAPTER 38: SECRET

0 0 0
                                    

Si Tita Jessica agad ang bumungad sa pinto ng magpunta kami sa bahay nila. Sinama lang ako dito ni mommy dahil pag uusapan daw namin ang deal.

"Good evening." My mom greeted.

"You're both early. Come inside, Amiga." She smiled to her.

Amiga is a spanish word for a 'friend.' Dati pa man ay ganoon na ang tawag niya kay mommy.

May lahing spanish kasi sila.

Nag chikahan agad si mommy at Tita Jessica Hindi pa man kami makakapasok sa loob. Hindi sila mag kamag anak pero noon pa man ay highschool friend na silang dalawa kaya ganon na sila ka close sa isa't isa.

Nagulat ako ng makita si Kuya Axcel sa dining katabi ni Denver. He's Yasher's older brother.

Bumalik na pala siya.

Sa France kasi ito nag aral at nag trabaho.

"Good evening, kuya."

Ngumiti ito at niyakap ako.

"Dalagang dalaga kana, Faye ah. Nung huli kitang nakita magkasing edad lang kayo nitong kapatid kong maliit."

Natawa kami ng mapasimangot si Denver dahil sa sinabi niya.

When I was four years old, iniwan ako ni mommy sa kanila kaya kilala ko nadin noon pa si Kuya Axcel. That was the first time that I met Yasher too, who was still a fat boy.

Yes you read it right, Yasher was a fat boy.

Mataba siya noon kaya ang kuya niya ang unang crush ko. Mahilig kasi siyang kumain ng mga candy at chocolates. Kaya nagulat talaga ako dahil ang laki ng pagbabago niya nung nag highschool kami.

Hindi ko inakala na lalaki siyang sobrang gwapo.

"I have pasalubong for you, Faye. Kinuha lang ni Yasher kaya sa kaniya mo nalang kunin."

"Thankyou kuya. Where is he?"

"In his room. He even look pissed, sabi ni mom galing lang naman siyang school. Do you know what happened to him?"

Maybe it's because of the game earlier.

"He's just tired, kuya. I'll talk to him."

Nagpaalam ako kay Kuya Axcel at agad pinuntahan si Yasher sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nags-scroll sa cellphone.

"What now, Paye?"

"Your kuya said you're pissed."

"Tss."

He really is.

Tinignan ko ang mga shopping bags sa tabi ng kama niya at agad nilapitan. Napangiti ako dahil magagandang damit at pabango ang mga pasalubong sakin ng kuya niya.

"Ito ba yung para sakin na bigay ni kuya Axcel?"

"Who do you think? Mukha ba akong nagsusuot niyan?"

Ang sungit.

Lunch attack!

Napakunot ang noo ko ng makitang nagm-ml pala siya. Umupo ako sa tabi niya at nilabas din ang cellphone ko.

"Sali ako, Yash."

Naglalaro ako nito pero minsan lang. Mas gusto ko kasi ang mga outdoor activities.

Gaya ng pag iinom, pagbibilyar at pakikipag pustahan sa car racing.

Naglaro kami ni Yasher at siya ang naging core, support angela naman ang ginamit ko. Saglit lang ang naging laban dahil toxic ang tatlong random na nakasama namin.

Feeder ang mga gago.

Nakita ko ang malalim na paghinga at pag irap ni Yasher ng mabasag ang huling tore namin.

Mas lalo siyang na-stress.

"It's okay. If you want make out nalang tayo." Ngisi ko.

"Stop it. I don't want to."

"Why not? And why do you look so pissed?"

"Who wouldn't? Si Aguerre na ang napili para lumaban sa school varsity."

What?

Nagtanggal na agad si coach Torres kanina?

"I don't know why. Ang bano naman niya maglaro."

"Don't say that. He's a good player, Yash."

Napahinto ako dahil tumingin siya sakin ng masama.

"Now you're defending him."

"Ofcourse not."

"Get out."

"Yash... I'm not okay? Stop arguing."

"Tss."

Mabilis kong hinalikan ang labi niya. Lumambot naman ang tingin niya sakin pero nanataling nakakunot ang noo.

Ang hirap talaga nitong lambingin.

"Why don't we go out tonight?" I asked.

"Where?"

"Uh...bar? We can invite your Kuya Axcel."

Sumimangot siya at umiwas ng tingin.

"Don't tell me you still like him?"

Napangisi ako at hinawakan ang mukha niya.

"He's still handsome as ever but I like you more."

My eyes widened when he deeply kissed me. Agad ko namang ginantihan ang mga halik niya.

"Hmmm.. Paye."

Naglalakbay na ang mga kamay ko sa short niya ng mahigpit niyang hawakan ang kamay ko.

"Stop. Not right now."

"Why not?"

"Nandyan si kuya. He might see us here."

Tss.

Umirap ako at umayos ng upo sa tabi niya.

"Did you already talk with my mom?"

"What talk?"

"She will talk to you about something, right?"

Napatigil ako at napatingin sa kaniya.

It's the deal.

"Ngayon ko palang siya kakausapin." I whispered.

"Do you know what it is about, Paye?"

"No." I lied and looked away.

It's a secret between me and her mom. I know I can't tell him that.

He will hate me.

Para tuloy akong nawalan ng gana kaya agad na akong tumalikod.

"Where are you going?"

"To your mom, Yash. I'll see what she wants to talk about."

"Okay. After that don't go home yet. Come back here."

Napalingon ako at tinignan siya.

"Why?"

"We won't go out but we can eat and watch movie together. Sleep with me tonight."

Napalunok ako at napatulala sa kaniya.

"Sleep with you? You mean...You're gonna fuck me later?"

Nanlaki ang mga mata niya at agad namula ang mukha.

"No, gaga! Sleep with me in my bed, nothing but sleep! God. You're always horny."

Ah okay.

Sayang.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now