Always Been My Greatest 18
"Bakit? Anong tinitingin-tingin mo? Bibili pa tayo ng pulutan, gago!"
Tumalikod na ako pagkasabi saka nagsimulang maglakad. Sa puti ng balat ko at sa tama ng alak, imposibleng hindi mamula ang mukha. Ngunit ngayon, alam ko ang ibang dahilan ng pagkapula ko.
Did I just confessed?
The last time I checked, I'm just confused. Hindi ko nga maamin sa sarili ko pero heto, nauna ko pang aminin sa taong nakasunod at ngiting-ngiti sa likuran ko.
"Naririnig ko ang tawa mo, Saavedra, ah? Tigilan mo ako."
"Aamin kang gusto mo ako tapos uutusan mo akong tigilan ka?" Napahinto ang lakad ko at ganoon din siya, ngayon ay magkaharap na naman kami. "Iyong hindi mo nga ako gusto, pinipilit ko ang sarili ko, e. Tingin mo titigilan na lang kita nang gano'n-gano'n lang lalo't nalaman kong pareho ang nararamdaman natin?"
Ang yabang amputa! Iyong laki ng ulo niya ngayon pwedeng palitan 'yong Universal Globe.
"Hindi tayo pareho. Patay na patay ka kaya sa'kin. Ako, crush lang."
A soft smile flashed on his lips. "Crush lang? Crush, huh?" He then bit his lips to prevent it to form another smile. "Crush ako ni Paulo Mendoza."
Matagal ko siyang tinitigan bago ito inirapan at muling naunang naglakad. Doon lang kumawala ang ngiting kanina ko pang gustong ilabas. Nailing na lang ako. Kilig na kilig naman 'yan siya na crush ko siya.
Puta, ang corny!
"Want that?"
Hawak ko ang isang balot, sinisipat kung balot ba iyon sa puti o hindi. Bigla akong nag-crave, ang dami rin kasing kumakain kaya mukhang masarap at naiinggit ako.
Wala nga lang akong dalang wallet. "Ayoko," sabay balik ng balot.
"I could buy it for you. Kahit anong cravings mo, sabihin mo lang," sabi nito saka kumuha ng tatlo nito at dalawang penoy.
Pinigilan ko ito dahil marami pero hindi naman siya nagpatinag at nag-abot na sa tindero ng buong limang daan.
"Wala po kaming panukli."
Luh! Ang dami nang customer wala pa ring barya? "Padagdagan na lang po ng walong balot then you can keep the change."
Literal na napalingat ako ng tingin. Sobrang galante naman. "Kunin mo, sayang 'yon."
"Ayos lang, mayroon pa ako rito," sabay taas ng wallet. "Binilhan ko na rin sina Brandon."
Iba talaga ang mayayaman, hindi takot bumili sa tinderong walang barya. Sabagay, ano ba naman sa isang Tristan Kurt Saavedra ang limang daan. Kahit nga siguro humingi ako ng isang libo riyan, walang dalawang isip niya akong bibigyan.
In short, ganoon siya kayabang—kayaman.
"Here pa," sabay abot ng isa pang balot.
"Tangina mo!" mura ko rito. "Naka dalawa na ako, gusto mo ba akong ma-highblood? Ikaw nga isa lang, e."
Lumapit ito. He smirked then whispered something that could make me feel things I shouldn't feeling at this place—at this time. "Mas maraming balot, mas tatagal ka."
"Tatagal saan?"
I already knew what he's talking about but I don't want to conclude. Ayokong pangunahan ang ibig niyang sabihin dahil baka sa huli, ako na naman ang magmukhang sabik sa aming dalawa.
"I want you, Pau," he whispered sensually and looked down, peeking to something I knew he's craving for. "Tonight."
Shit!
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
General Fictiontristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
