Greatest 23

34.2K 753 662
                                        

Always Been My Greatest 23




Marami nang usap-usapan na lumala ngayong semester ang pagiging babaero ni Saavedra. Kahit sinong babae na lang sa bawat department ay mayroon siyang nakakalandian.

He's pansexual, right? He can like anyone. I'm just wondering why he isn't flirting a guy? Iyong si Darvin, hindi niya talaga nakalandian? E, no'ng gabing nakita ko sila sa Wild Night? Were they just hanging out and talking as friends? Did I just assumed?

Well, in Darvin's case, yes. But I don't think the rumors aren't true. Halata naman sa mukha ng tarantadong iyon ang pagiging babaero. Hindi ko lang dama noon dahil ako na pala ang ginugusto.

But now is different. Totally different.

"Huwag mo na kasi tingnan, tingin ka rin nang tingin, e."

Pinaikot ko ang mata ko bago umiwas ng tingin sa lamesa nina Tristan. Bakit kasi sa rami ng Department na pwede naming makasabay sa lunch break ay ito pang mga regla na 'to.

Parang regla sa pula ang mga uniporme nila. Nakakawalang gana kapag ganiyan ang mga mukhang makikita mo, e. Ang init na ng panahon, pinalalala pa ng sugo ni Lucifer.

Alam kong magkikita't magkikita kaming dalawa. Nasa iisang eskwelahan lang kami at magkatabi pa ang Department naming pareho pero sobrang oa naman ng mga nangyayari? Really, even our vacant hours are aligned with them?

Sobrang coincidence na 'yan. Parang sinasadya na talaga, e.

"Raven pala ang pangalan niyang bago nilang kaibigan. Lakas din daw sa babae."

I looked at their table. Tristan is laughing with his friends. The guy with a cool haircut is laughing too. Sila iyong dumadaldal doon habang iyong si Ishan ay ngumingiti lang na naiiling. He looks so done with his friends.

Mula sa itsura no'ng Raven halata namang babaero. Though I haven't seen him with a girl. Baka patago lang kung lumandi, hindi gaya ng katabi niyang kung ipangalandakan sa lahat ang pagiging gago ay sobra.

"Malakas sa babae?" kuryosong tanong ni Cadence.

Nilingon ko ang kaibigan ng may kaunting pagtataka. Curious? Haven't seen him this curious to someone he barely know. "Halata naman sa itsura, Cade, e," singit ko.

"Parang hindi naman," sabi niya habang ang tingin ay nasa kabilang lamesa na rin.

"Maraming babaero ngayon ang hindi halatang gago. We're in a modern age, lahat mabilis nang maitago."

Yup. Cedrix's right. We're in digital word. Lahat nga "teki" na kung maituturing. Kahit nga bata ay maalam na sa kung ano-anong pangangalikot sa cellphone, e.

Hindi rin nakakagulat kung babaero rin itong Raven dahil babaero rin ang nasamahang kaibigan. Sa rami ng sinusulot niyang hayop na si Tristan na babae sa akin, ewan ko na lang kung maubusan siya. Baka sa rami ay ibinibigay niya na lang diyan sa kay Raven.

I changed our topic after a few minutes. Ayoko nang pag-aksayahan pa ng oras ang kabilang Department. They're not worthy of my time.

"Wow ang bilis sagutin ng tawag. Sino 'yan, huh?"

Malawak ang naging ngisi ko sabay lagay ng hintuturo sa labi. "Ang future girlfriend ko, huwag kayong maingay."

At dahil mga tanga sila, hindi nila naintindihan ang sinabi ko dahil naghiyawan sila at nagsimula na akong tuksuhin. Their loud voices caught other students' attention, lalo na iyong table na malalapit sa amin.

Sabing huwag maingay, e. Pinag-aaral na nga mga wala pa ring utak. Hindi makaintindi.

Lumayo ako nang kaunti at lumipat doon sa bakanteng table saka roon sinagot ang tawag.

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon