Greatest 38

57.5K 1.3K 2K
                                        

Always Been My Greatest 38




"Good morning!" I greeted Tristan as soon as he answered my call.

I heard his heavy breathing. "Hm, morning," he replied in that husky voice of his.

"Are you ready? I'm here outside your condo."

"I'll brush my teeth na lang. Do you want me to fetch you there? Dito ka muna maghintay."

Ngumuso ako. Narito lang ako sa labas ng condo, nakaka-tempt mang pumayag sa paanyaya niya, sayang na rin sa oras kung aakyat pa ako ro'n.

"No, I'll wait for you here. Sabihin mo kung pababa ka na."

" 'Kay!"

I laughed. "Ang cold mo lagi sa umaga. Dapat nga masaya ka kasi ako agad una mong makakasama sa pagsisimula ng araw mo."

"Mas mataas pa sa unit ng condo ko ang confidence mo," sagot niya.

Ay! Nagagawa niya na akong ganituhin? Sige lang, Tristan. Huwag mo lang ako sasagutin dahil sisiguraduhin kong ako naman ang mag-iinarte nang ganiyan sa sa'yo.

"Mas mataas naman sa confidence ko ang pagmamahal ko sa'yo."

There was silence on the other end. I even checked if the call got cut off, because I couldn't hear him breathing anymore, but he hadn't hung up.

"Corny," he commented, then ended the call.

Hindi ako nainis, natawa pa nga ako dahil very Tristan na talaga ang bagay na 'yon. Gano'n naman na siya simula no'ng umuwi pero bandang huli, ipinaparamdam niya rin naman na may pag-asa ako kaya hindi rin talaga ako nawawalan ng pag-asa na mapagbibigyan niya ako ulit.

I gazed up at the well-known condominium here in Manila, glancing around in case I spotted Jacob—they lived in the same building, after all.

Honestly, I was itching to ask why he was staying here when I knew his parents still lived at their house. Madalas na "basta" lang ang sagot niya kaya hindi na ako nagtatanong pa.

A few minutes later, I saw him walking from the condo, looking around like a giant kid, probably searching for me.

"Ang cute ng baby ko na 'yan."

Lumabas ako ng sasakyan at lumapit sa pwesto ng gwardiya saka siya sinigawan.

"Asawa ko!"

Si Kuya Guard na umiinom ng kape ay naibuga ito sabay tingin sa akin. Ngumiti ako rito at tumango.

"Husband duty lang, Sir. Sinusundo ko lang ang asawa ko, idi-date ko kasi may tampuhan kami, e."

Hindi alam ni Kuya Guard ang magiging reaksyon niya. He glanced at Tristan, who was now walking toward me with a frown.

I moved closer to the guard and whispered. "Galit na galit ang itsura oh! Mukhang mahihirapan akong suyuin ito," bulong ko pa rito.

Tristan's brows furrowed even more when he saw me whispering to the old guard. Eventually, the guard chuckled. "Dalhin mo sa mamahaling restaurant, mawawala na ang galit niyan sabay sabi ng I love you..."

Tumango ako, ang tingin ay nasa lalaking ngayon ay palapit na rin sa akin. Hindi ko pinutol ang tingin dito noong tumango ako sa gwardiya. "That's what exactly what I'm going to do. I'll date this gorgeous man."

He nodded approvingly. "Ayos 'yan, sir!"

Nagtaas ng kilay si Tristan noong tuluyang makarating sa pwesto namin. The guard greeted him, and he gave a curt nod before turning back to me.

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon