Greatest 32

36.4K 920 1K
                                        

I made a random dedication. Namili lang ako sa mga madalas kong nakikitang nag-co-comment. Thank you, babies!

———

Always Been My Greatest 32



"Anong meron?"

I saw my classmates frantically flipping through their notebooks and books. Kararating ko lang at halos lahat sila ay nagpa-panic.

"Si Mr. Cabral, ngayon daw siya magbibigay ng final exam!"

My eyes literally widened. "Ano?! Sa Friday pa ang schedule natin sa kaniya, ah?"

Tumango si Mae, ang class mayor namin. "Oo nga pero magbabakasyon na raw kasi siya ng Huwebes. Nag-announce siya kanina sa GC, mga alas kwatro ng madaling-araw."

Wow.

Tanginang announcement 'yan.

Morning ambush ang atake.

What did he think—that we'd still be awake at that hour? And even if we had read it that early, did he expect us to review everything in just a few hours?

Alas otso pa naman ang unang subject namin kaya wala na kaming time para mag-review pa sa subject niya kahit sabihin niya pang mamaya pa iyong ala-una.

Agad akong napalingon sa pwesto ng mga kaibigan. Tulala roon si Cedrix, mukhang tanga. Si Cadence naman ay may binabasa sa kaniyang cellphone habang si Jacob ay palipat-lipat ng page sa libro.

Tangina pare-parehas malas.

Buti pa sila madadamayan ang isa't isa. E, ako? Sinong karamay ko?

Tumingin ako sa paligid.

Baka itong basurahan na lang siguro.

I sat down and started reading. There was nothing I could do even if I kicked all the chairs and threw a tantrum. Katakot-takot na suspension lang ang matatanggap ko.

"What are you thinking, babe?"

Bumalik ang tingin ko kay Tristan. As usual, siya ang kasabay kong kumain ng lunch.

"Seryoso ka na ba sa pa-meet the family mo?"

He held my hands, nodding. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging sigurado?"

"E, hindi pa naman tayo, e. At saka ano... lalaki ako..."

"And?"

Taka akong tumingin sa kaniya. "Anong and? Siyempre baka hindi nila ako matanggap—tayo."

"I love you, I'm sure they'll love you too. You're such a nice man, Pau. Kahit sino gugustuhin ka."

"Gugustuhin ba ng lahat ang mainitin ang ulo?"

Ngumiti siya. "Oo naman. Ako nga oh, patay na patay sa'yo."

"E, paano nga kung hindi nila ako matanggap?"

Umayos ito ng upo at mas hinigpitan ang kapit sa aking kamay. "Okay. To be honest, they already know you. I let them see you. Though, picture lang. And they all like you. They said they wanted to meet the person I am in love with so now that we have a chance, I don't want to lose that opportunity."

"E, paano kung—"

He gently placed his finger on my lips, silencing me softly. "Babe, I'll be there. I'm with you. We're together. Whatever happens, I'll be by your side. Aalis tayong magkasama, uuwi tayong magkasama. That's a promise."

Hindi ko alam kung magaling ba si Tristan sa salita kaya kuhang-kuha niya ako o mabilis niyang nakukuha at napapagaan ang loob ko dahil alam kong totoo at sinsero lahat ng salitang naririnig ko?

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon