Greatest 21

33.6K 810 875
                                        

Always Been My Greatest 21



"Maglalaro ka?"

Tinapos ko ang pagtatali sa aking sintas sabay tayo nang maayos. "Finals, e. Wala namang dahilan para hindi pumunta."

Pinanliitan ako ng mga mata ni Xyra. "Seriously, Kuya? Why did you cut him off? I mean, you have feelings for him. I told you that I'll support you 'di ba?"

Noong gabi na tinapos ko nang tuluyan ang kung ano mang mayroon sa amin ni Tristan, hinayaan kong umiyak, mapagod, at magwala ang sarili ko.

Dala na rin siguro ng ilang taong bigat sa dibdib, sa mga pangyayari, sa mga gumugulo sa isip ko, at ang desisyon ng puso kong ako mismo ang may ayaw sundin.

That night, Xyra was waiting for me. She saw me crying and devastated. Of course she asked and I told her what happened between me and Tristan. Hindi niya ako maintindihan. She comforted me but still didn't get why I need to end things with Tristan.

Mukha lang madali ang lahat pero mahirap. Kung pwede lang na palaging paganahin ang puso, ginawa ko na. But no. It's hard. It's hard when your enemy is your own self. Mahirap mag-isip dahil kinokontra ka ng sarili mo.

And it will be unfair to him if I'll leave him and ask for a time when I'm unsure of my feelings and then come back when I feel like having him again. No, it's unfair. I'd rather end things between us than to give him something he doesn't deserve.

He deserves the best, and clearly, I am not that best.

And I hope he can meet someone who's capable of giving him the same energy and love he's giving.

"Tangina ka! Akala namin hindi ka sisipot." Brandon smacked my head lightly and I just smirk.

Maraming tao ngayon sa covered court, punong-puno ang lahat ng espasyo roon at kahit ang labas ay puno na rin. Karamihan ng andito ay kalalakihan ngunit hindi maiiwasang makakita ng mga kababaihang siguro'y sumusuporta sa mga boyfriend o crush nila.

Pero hindi iyon ang ipinunta ko. Aside from wanting to play for the finals, I want to see him again. Kahit ngayon lang. Kahit ngayong gabi na lang.

But he's not here.

Ayos lang. Ano pa bang ini-expect ko, 'di ba? Sinaktan at pinalayo ko tapos ie-expect kong makikita ko siya rito? Para ka talagang tanga, Paulo.

"Tawagin niyo nga ang gagong 'yon, humahalik-halik na kahit hindi pa nagsisimula ang laro," natatawang sinabi ni Mark habang may nginunguso sa kaliwang bahagi ng court.

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya at nakita roon ang taong kanina ko pang gustong makita. He's wearing our jersey uniform and smirking while talking to a tall, slim, and pretty girl. His arms are linked to the girl's waist. They're clearly flirting.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang may nagbarang kung ano sa lalamunan ko at gusto ko na lang kumaripas ng takbo pauwi. Ayoko ng nakikita ko. Ayaw ko sa eksenang ganito.

Sumenyas si Mark na bumalik na ito. "Warm-up na tayo, gago!"

Tumango ito sa kaibigan at muling humalik sa babae at may kung anong ibinulong dito. Sa kabila ng malakas na hiyawan at palakpakan, pinanatili ko ang tingin sa lalaking ngayon ay palapit na sa akin.

Nagsalubong ang tingin namin....

Ngunit agad din niyang iniwas iyon at nakipagtawanan kina Mark na ngayon ay inaasar siya.

"Bagong chiks, ah? Tagal kitang hindi nakitang may babae, akala ko pa naman nagbago ka na."

Umiling ito. "Nagpahinga lang," sagot nito.

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon