Always Been My Greatest 36
"What?!"
Xyra shot up from her seat in shock. Nabi quickly wrapped an arm around her waist, pulling her onto her lap. I rolled my eyes at the two of them.
"Nakabalik na si Tristan?" tanong din ni Nabi.
Tumango ako. "Paulit-ulit? Kakasabi ko lang, e."
"Bakit ka sa'min galit? Mukha bang kami si Tristan?"
I scowled. "Hindi pero kailangan nakakandong? Respeto naman sa'kin. Baka nakakalimutan mong Kuya mo pa rin ako?"
Pero hindi man lang sila natinag at talagang hinigpitan pa ni Nabi ang yakap sa aking kapatid. Nananadya na talaga e.
"Pikit ka, Kuya. Like this oh!" nang-aasar pa na sinabi ni Xyra habang ipinapakita ang pagpikit niya.
"Hindi kayo nakakatulong sa problema ko. Dinadagdagan niyo pa."
"E, wala ka naman kasing dapat problemahin sa pagdating ni Tristan. E, ano nga kung dumating na siya? Inano ka ba?" tanong ni Xyra.
Oo nga naman, inano niya ba ako? Wala nga siyang ginawa pero lahat ng sinabi niya, may laman at kahulugan. Iyong pagpuna niya sa pendant ng kwintas ko? Iyong singsing na ibinigay niya? Siyempre naaalala niya 'yon, siya bumili no'n, e.
"He fucking saw the ring he gave. Ginawa ko kasing pendant sa suot kong kwintas," problemado kong sagod.
I remembered how I struggled to catch my breath after leaving his office. Para akong tumakbo ng ilang kilometro sa sobrang hingal ko kahit wala naman siyang ibang ginawa sa akin.
Dumiretso ako no'n sa restroom at doon pinangaralan ang sarili habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. I didn't know what to feel anymore—everything was a mess.
"E, ano naman?"
Napatayo na ako. "Anong e ano naman? Of course it means something! He gave me that ring, and now, after years apart, he sees I'm still wearing it? So, anong magiging kahulugan no'n sa kaniya?"
"Na hindi ka pa nakaka-move on," sagot ni Nabi.
"Exactly!" sigaw ko. "He probably thinks that I'm still into him. That I haven't moved on."
"Hindi pa naman talaga."
"How? How can you be so sure that I haven't moved on? Who told you that?"
My sister shook her head. "Do you even have to ask? It's so obvious, Kuya."
"I have moved on!" I insisted.
"You're just trying to convince yourself you have, but the truth is, you haven't," she said.
Muli akong umupo sa kanilang kama—oo kama nila dahil halos dito na 'yan tumira si Nabi. Mas malaki naman ang bahay nila pero kung sumiksik dito akala mo ikinasal sila ng limang beses.
Hindi ko na lang pinansin ang pagiging mayabang nilang dalawa dahil gusto ko talaga ng karamay sa problema ko ngayon.
"I've moved on," I said, almost a whisper.
"See? Kailangan mo pang ibulong kung pwede mo namang direktang sabihin sa amin? Wala namang masama kung aamin ka."
Anong aaminin ko kung ang alam ko rin sa sarili ko, e, naka-move on na ako? Pero ngayon sa sinasabi ng dalawang 'to, napapaisip tuloy ako.
"Sige ganito na lang. Anong naramdaman mo no'ng nakita mo siya kanina?"
Umiwas ako ng tingin. "Kinabahan at siyempre nagulat."
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
Ficción Generaltristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
