Always Been My Greatest 27
"Uh, ayos na ba kung dito na lang tayo?" sabay turo sa saradong tindahan na may upuan.
Natatandaan kong dito ako nagpa-load noon, 'yong tanginang nasa kalagitnaan ako ng kasarapan nang mawala ang internet connection namin at ayon....tinigasan sa kaaway.
"Okay lang naman," sagot niya kaya lumakad na ako roon pero hindi siya umalis sa kinaroroonan niya. "Kaso malamok diyan, sa kwarto na lang tayo."
"Sa kwarto?!" Hindi nakatakas ang gulat sa naging pagsigaw ko.
Tristan bit his lower lip and a playful grin formed on his lips. "Yup, sa kwarto ko, Paulo. Why? Are you scared to go inside my room?"
Umismid ako. "Why would I?!"
"Yeah, right. Why would you get scared just by simply going inside my room, right? Wala naman tayong ibang gagawin. Gagamutin mo lang ang sugat ko 'di ba?"
Tumango ako. "Oo!"
Tangina naman, Pau. Bakit kailangang pasigaw? Napaghahalataan tayong may naaalala, e. Ano, minumulto ng kalibugan?
He gestured me to come inside without saying anything.
Cum inside.
Huh? Cum? Saan? Sa loob?
Tangina, Paulo?! Tigang?
Paulo tigang!
Ayokong ipahiya ang sarili kaya sinampal ko nang mahina ang kaliwang pisngi saka bumuntong-hininga. Noong kalmado na, sumunod na ako rito.
Kagaya noon, tahimik ang mansyon ng mga Saavedra. Tila walang nakatira roon sa sobrang tahimik. Ngayon ko lang din napagmasdan ang kabuuan nito dahil noong unang beses kong makapunta rito ay nakapikit ako, sarap na sarap sa halik ng may-ari ng bahay.
Fuck, Pau! You're not here to reminisce. You're here to help Tristan to clean his wound na ikaw mismo ang gumawa. Nakokonsensiya at nagaalala ka lang pero hindi ka para maglibog diyan.
"My parents are not here. Nasa London sila for our business, feel at home."
Knowing that his parents were not present gave me comfort. Malay ko ba kung anong klase ng pamilya ang mayroon siya. Baka kwestiyunin nila ang pagpunta ko sa kanilang anak sa ganitong oras.
Edi anong sasabihin ko? Gagamutin ang sugat ng anak nilang nasapak ko kasi nakokonsensiya ako at nag-aalala kasi ayokong nakikitang nasasaktan ang anak nila?
Wow! True friend ang atake.
But I don't want us to be friends. Ang gwapong tulad ko ay hindi lang pwedeng kaibiganin ng isa pang gwapong tulad ni Tristan.
"You can wear my slippers, malamig ang sahig," sabay lapag ng branded na black slippers sa harap ko.
"E, anong gagamitin mo?"
"I can walk with my barefoot, you don't have to worry."
Ngumuso ako. "Kaya ko rin namang maglakad nang nakapaa lang," mahina kong sinabi.
"Pagtatalunan pa ba natin ito, Paulo? Wear it, sa'yo ko 'yan ipinahiram."
Ayoko rin naman makipagtalo dahil para sa akin din naman itong tsinelas na ipinahiram niya. Iisipin ko na lang na nag-aalala siyang malamigan ang paa ko kaya pinahiram niya ako.
Ang isiping nag-aalala pa rin sa akin si Tristan ay nagbibigay sa akin ng rason para mangiti nang mag-isa.
"You should stop biting your lips. Smile if you are pleased and giddy. Baka magdugo pa 'yan at ikaw ang gamutin ko."
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
General Fictiontristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
