Greatest 25

35.8K 1K 1K
                                        

Always Been My Greatest 25




"Pau, gising na..."

Naramdaman ko ang mahihinang tapik sa aking pisngi. Pumikit akong muli, inaantok pa talaga ako. Istorbo naman, e.

"Gising na, gago! Masasaraduhan na tayo rito, uwing-uwi na ako."

Hindi pa rin ako gumalaw at ang sumunod ko na lang na naramdaman ay ang malakas na pagbatok sa akin. Mas mabilis sa alas kwatro kong tiningnan ang gumawa no'n at nakitang si Cadence.

"Tama na tulog, ituloy mo na lang 'yan sa bahay niyo. Tara na, uwian na."

Bumangon ako mula sa pagkakadukwang sa lamesa ng Oasis. Iginala ko ang paningin kong medyo nanlalabo pa rin dahil sa biglaang pagdilat ng mga mata.

Marami pa rin ang taong naroon lalo sa baba ngunit marami na rin akong nakikitang tulog na sa kani-kanilang mga pwesto. I looked at my wristwatch and it's already 3 in the morning.

Tangina? Anong oras na!

Lumingon ako sa mga kaibigan at nakitang tulog na roon si Jacob, si Cedrix naman ay tuwid pa namang nakaupo pero alam mong bangag at may tama na rin ng alak.

"What the hell? Nakatulog ako?"

Sumimangot si Cadence. "Ay hindi, gising ka the whole time. Siyempre tulog, ginising ka pa ngayon, 'di ba?"

"Kailan pa ako natulog?"

Tangina?

Ano bang nangyayari? Nakatulog ako? E, paano ako nakabalik dito sa pwesto? Nasa parking lot ako 'di ba? Nag-offer pa nga siya....

Fuck buddy raw.

Fuck! Fuck!

"Sinong nagbalik sa'kin dito? Si Tristan ba?"

Kahit ang halatang may tamang si Cedrix ay napaayos ng upo sabay tingin sa akin. "Tristan? Saavedra ba? Si bff mo?"

Alangan man, tumango ako. "Hinatid niya ako?"

Pero imbes na sumagot ay sabay na nagtawanan ang dalawang siraulo. Si Cadence ay may pahampas-hampas pa sa akin at parang kaunti na lang ay hindi na makakahinga.

Ano ba! What the fuck naman!

"Tanga! Anong Tristan? Nahihibang ka na ba talaga, pre? Bakit ka naman ihahatid no'n?"

"Oo nga. Saan ka ba pumunta?"

"Sa..... sa smoking area. Andoon siya, e."

Nagkatinginan silang dalawa. "Hindi ka lumabas, pre, mas lalong hindi ka pumunta ng smoking area."

Huh?

"Nanigarilyo nga ako pagkatapos kong magbanyo. Ano ba naman kayo! Lasing ako pero wala akong amnesia!"

"Tanga! Nakita ka nga lang ni Cadence na nakahandusay sa banyo sa sobrang kalasingan. Anong sinasabi mong nakapunta ka pa ng smoking area? Para ka ngang pilay na kinailangan pang alalayan paakyat dito saka ka natulog."

I actually used the restroom, but I stumbled because I was too lightheaded to be intoxicated.  And what? Did I have a dream? Is the entire conversation I had with Tristan actually a dream?  A nightmare?

The fuck buddy thing, kasali rin ba iyon sa panaginip ko? Tangina. It feels so real. Hanggang ngayon nga ay naririnig ko pa ang boses niya. Kahit nga iyong amoy niya ay tila nanunuot pa rin sa aking ilong.

"At wala rin akong Tristan na nakita rito. Kahit isa sa mga kaibigan niya ay wala. You're fucking dreaming, bro. Pero tangina si Tristan talaga ang laman ng panaginip mo? Iba na 'yan, Pau, ah?"

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon