Greatest 17

42.7K 1.2K 1.1K
                                        

Always Been My Greatest 17

                                    

"Hindi pa rin kayo nag-uusap ng kapatid mo. Ano ba talagang nangyari sa inyo?" alalang tanong ni Mommy.

Tiningnan ko si Xyra sa sala, nanonood ito. Patapos na ang isang buwan ng bakasyon pero ganito lang ang ginagawa niya. Sa susunod na linggo ang punta namin sa Cavite. We'll stay at our grandparents' house, sa side ng Daddy.

She didn't tell our Mom what really happened. Because of that, I feel like she's not really mad about what she saw that day. Her rage is not coming from what she saw or what she have learned. It was about the betrayal she felt and how I lied.

Araw-araw akong nag-iiwan ng sticky notes na may nakalagay na "sorry" sa pinto ng kwarto niya. Hindi ko naman 'yon naaabutan kinabukasan kaya sigurado akong nababasa niya, hindi ko nga lang sigurado kung sa basurahan ba ang diretso no'n.

To be honest, until now, I really can't move on to our parents' decision to separate. It feels like I really didn't move on, I just got used to not seeing them together anymore.

Hindi ko tuluyang natanggap pero dahil matagal-tagal na rin naman, nakasanayan ko na lang.

Ganoon kasakit sa aming mga anak ang paghihiwalay ng mga magulang. Kaya naiintindihan ko kung buwan ang itatagal ng ganitong trato ni Xyra. She felt miserable because the least person she's expecting to do the exact reason of her pain....did it.

Gaya ng mga magulang ko, sinungaling din ako. Naging selfish din ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng galit sa sarili.

How ironic that I got mad at my Mom for being in a rainbow community, when I, myself, got fucked by the same gender. Nagalit ako sa mga katulad nila dahil sila ang sumira sa pamilya ko pero heto ako, panay ang titig sa huling mensahe ni Tristan.

Lalaki ako.

Matagal kong itinatak sa isip kong kailanman, para lang ako sa mga kababaihan. I promised not to get involved to someone from tha said community.

But then, he came.

Saavedra came.

At this time, I still couldn't figure out what I've been feeling for that asshole. All I know is that he's not just someone I will easily forget. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung makakalimutan ko ba. Kahit siguro anong pilit ko, kusa ko pa rin siyang maaalala.

He's my first time in almost everything. For someone like me who's straight as ruler that got fucked, I don't think I can really forget about that guy.

Pwedeng masanay akong nakikita o nakakasalubong siya pero hindi para kalimutan lahat ng mga salitang binitiwan niya.

"Nakausap niyo na si Tristan?"

Buong atensyon akong nakinig sa isasagot ni Brandon sa tanong ni Marco. Tatlong laro na rin namin na wala siya. Sabi ng kanilang kasambahay, nasa ibang bansa raw para sa bakasyon.

I remembered waiting for a specific notification from time to time. Patiently waiting for an update. Kahit malabong makatanggap, hindi ko maiwasang maghintay pero lumipas na ang mag-iisang buwan na hindi na nasundan ang mensahe niya mula noong gabi na tinapos ko ang lahat sa'min.

Brandon nodded, I almost smile when I saw his reaction. Sumagot siya. Baka narito na siya.

Tangina! Bakit parang excited na excited naman ako?

"Ano raw?"

"Sa finals daw siya maglalaro kaya ipanalo natin ang laban," natatawang sinabi nito na naiiling pa.

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon