Greatest 37

49.9K 1.3K 1.7K
                                        

Always Been My Greatest 37





"May nag-notif na cellphone," Xyra said, glancing at me. "Sa'yo, Kuya?"

I turned to her and saw she was holding my phone. The screen lit up, a sure sign of a new notification. Mabilis kong pinatay ang gripo at itinigil ang paghuhugas ng pinggan.

Dumiretso ako sa ref at nagpunas ng kamay sa nakasabit na hand towel doon. Mabilis kong hinablot ang cellphone sa kapatid, ngiting-ngiti.

"Over naman sa smile!" puna nito sa akin sabay iling. "May textmate ka na? I thought you weren't over him yet?"

I smiled, my eyes still glued to my phone. "Hindi pa nga."

"E, sino 'yan?"


Tristan Saavedra:

Morning.


Ang cold naman.

Ngumisi ako. Hindi bale, kung siya ang baboy, ako naman ang kumukulong tubig—kaya kong palambutin 'yan.

Pero kaya ko ring patigasin...

"Si Tristan nga."



Paulo Mendoza:

Ang cold naman. Painitin natin ang umaga mo?


Tristan Saavedra:

Bakit? Araw ka ba?


Paulo Mendoza:

Araw-araw kang gustong makita 😁✌️



Tawang-tawa ako noong mag-reply siya ng question mark. Nai-imagine ko na ang itsura niya.

Hay, ang sarap tadtarin ng halik.

Mag-re-reply na sana ako rito noong maramdaman ang bigat ng braso ng kapatid sa aking balikat. "Ano? Kayo na?"

"Hindi pa. Sinisimulan ko pa lang akitin."

"Akitin? Saan? May kaakit-akit ba sa'yo?"

Sumimangot ako at tinabig ang braso nito. "Kung ikaw ang magtuloy ng hugasin? Tutal puro paglalandi riyan kay Nabi ang alam mo, e."

Ngumisi ito. "Miss na miss ko na nga ang misis ko, e. Hay! Bakit pa kasi nauso ang seminar na 'yan, e."

Sanaol baliw.

Hindi ko na matiis ang kalandian ng kapatid ko kaya napatayo na ako. "Misis amputa! Kasal kayo? Pinakasalan ka na?"

Umirap ito at tumayo na rin, pinamewangan ako at pinagtaasan ng kilay. Akala mo ang laki niya kung magmatapang diyan, e.

"At least pinangakuan ng kasal. E, ikaw?"

Ayon lang.

Tangina ang sakit, ah? Triple 'yong balik.

"Sinasaktan mo damdamin ko!"

Tumawa ito na animo'y isang mangkukulam. "Ang panget mo!"

"Anong connect?"

"Kami ni Nabi may connection, kayo ni Tristan wala—pinaputol ko ang kable ng kuryente."

Minsan talaga naiisip ko na bakit ako biniyayaan ng ganitong kapatid na ang sarap tirisin at tanggalin sa mundo. Dalawa sila ni Nabi tutal isang mapang-asar din iyon lalo kung andito.

"Pero kidding aside, Kuya. Ano nang nangyayari sa inyo ni Tristan?"

"Wala pa ngang nangyayari sa'min ulit, e," dismayado kong sagot.

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon