Greatest 20

50K 1K 1.1K
                                        

Always Been My Greatest 20


"Sige na, umuwi ka na."

Ngumuso ito. "Parang ayaw ko nang humiwalay sa'yo. Pahingi nga ng asin."

Asin? Anong kinalaman ng asin sa kaartehan niya riyan?

"Anong gagawin mo sa asin?"

Tumakas ang nakalolokong ngisi sa kaniyang labi dahilan para malaman kong katarantaduhan na naman ang lalabas sa bibig niya. "Baka kasi ginayuma mo ako."

Tinadyakan ko ang binti nito. "Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo. Talagang masarap lang akong mahalin kaya baliw na baliw ka sa akin. Umuwi ka na nga sa inyo."

"Uwi ka na rin sa'kin," malambing niyang sinabi.

Masakit pa ang katawan at lalo naman ang pang-upo ko kaya hindi maaaring gumana sa akin ang mga ganito ng isang 'to. Hindi ako para bumigay at muling magpasundot dito.

Aba! Napapagod din naman ako. Baka talagang lumuwag ako kung kaunting banat niya lang ay bibikangkang na ako.

"Bukas kita tayo."

"Hindi ka pa nga nakakauwi sa inyo, pakikipagkita agad sa akin ang nasa isip mo," sermon ko rito.

Humalakhak siya at ipinulupot ang kaniyang bisig sa aking bewang. "Bakit ba? E, mabilis kitang ma-miss, e."

Clingy.

I let him hug me but I didn't wrap my arms around him. Mas gusto kong siya ang nakakapit sa akin. Sa ganoon, mas nararamdaman kong siya talaga ang patay na patay sa aming dalawa.

Siya iyong mas nagkakagusto.

"Hindi mo talaga ako pipigilan umuwi?"

Umiling ako. "Hindi."

"Ang sama talaga ng ugali mo. Buti natitiis kita 'no?"

Tumawa ako. "Salamat sa pagtitiis."

Sa huli ay natawa na lang siya at ginulo ang buhok ko saka mabilis na nagnakaw ng halik sa akin.

Magnanakaw. Dapat hinuhuli na ito, e. Ang dami niya nang nakuha sa akin.

"Tatawag ako pagkauwi. Aayain kita ng date bukas, papayag ka ba?"

Kahit saan basta kasama ka.

"Hindi," sagot ko. He looks disappointed but I remained calm. I have my explanation. "Next week pa ang championship game, 'di ba? Uuwi muna ako ng Cavite bukas."

"Anong gagawin mo ro'n?"

Oo nga pala, bukod sa katarantaduhan namin sa isa't isa at sa kama, wala na siyang alam sa kwento ng buhay ko. Kahit ako rin naman ay wala gaanong alam sa kaniya o maging sa pamilya niya.

"My siblings are in Cavite, sa bahay ng Daddy ko. Well, as you can see, I am in a broken family. Though my parents are co-parenting and they're still friends."

"Oh."

Maybe I still sound hurt even I tried to remain calm and casual. Ganoon ba talaga ka-obvious na hindi talaga ako okay sa sira naming pamilya?

"I'm sorry, I didn't know."

Tumawa ako. "Of course you wouldn't know, hindi ko naman kasi naikwento."

"Are you okay?" He asked carefully.

Okay ba ako?

Ang simple lang ng tanong pero ang hirap sagutin. Madali lang naman sumagot ng oo o hindi pero hindi ko pa rin mahanap ang tamang kasagutan sa simpleng tanong na iyon.

Always Been My GreatestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon