Always Been My Greatest 26
"Oh anong balak mo?"
Pasimple kong nilingon ang lamesa nina Tristan, nakasalubong ko ito ng tingin at inirapan lang ako. Paniguradong nagwawala na iyan dahil kasama ko na naman si Nabi.
I'm not totally with her though. Nagkataon lang na sabay-sabay ang lunch break naming tatlo, sabay lang kaming nag-order pero ang mga kaibigan ko ang kasama ko. Obvious naman siguro 'yon dahil halos magkaharap lang ang table naming tatlo nina Tristan at Nabi.
What a fucking love triangle.
"Edi magiging impostor."
Nabi laughed. "Kunwari patay na patay ka pa rin sa'kin?"
"Oo, I'll stick with our plan."
Pagkatapos no'ng naging usapan namin ni Nabi, I did what she told me to do. Accept and reflect. I assess my feelings. Binalikan ko lahat ng mga nararamdaman at naramdaman ko kapag nasa paligid si Tristan.
And I realized that I didn't move on. And I didn't even tried to move on. Pinaniwala ko lang ang sarili ko at piniling ibalik ang pagiging magkaaway naming dalawa dahil akala ko iyon ang dapat at tamang gawin at mangyari.
All along, Xyra was right. I'm just fooling my self, thinking that I've moved on when in fact, I can't. Hindi ko naman talaga kaya kasi siya pa rin talaga ang gusto ko. Si Tristan pa rin.
At ngayong sigurado na ako, sisiguraduhin kong mararamdaman niya rin iyon. Ipararamdam ko na pero hindi ngayon. I need to stick with our plan, sa ganoong paraan, e, malalaman ko kung gano'n din ba siya sa akin.
Kung gaya ko, ako pa rin ba.
"Hindi magiging mahirap ang plan na 'to, Pau. Tingnan mo nga oh, kausap pa lang kita ngayon halos mapipi na ang hawak na kutsara at tinidor," sabi nito sabay nguso kay Tristan.
Napanguso ako sa nakita at nailing na lang. Mula sa pwesto namin, halata nga ang pagsibangot ng mukha nito. Iyong kutsara at tinidor na hawak niya ay mukhang kaawa-awa na ang itsura sa sobrang higpit ng hawak niya rito.
"Kung yayakapin ba kita, mapipipi rin ako?"
Umiling ako. "Hindi 'yan mananakit ng babae panigurado pero...."
"Pero ano?"
"Nanunusok ang tingin niyan."
She shrugged. "Woah! Scary! Pero how will we do our plan kung hanggang tinginan lang kayo? You're not even texting, my gosh! Hindi kayo uusad niyan."
"He told me that one of these days, his number would pop up at my screen and guess what? No number from Tristan has showed up."
"Then do the first move. Duh! Hinihintay mo na naman na ikaw ang habol-habulin. It's your time to shine, baks! Ikaw naman ang magpasiklab."
"Ayoko."
"Why naman? You're just gonna follow him, for sure ifo-follow back ka niyan at kapag na-followback ka, mag ig story ka ng nakahubad. Ewan ko na lang kung hindi 'yan mag-first move na i-chat ka."
Napaisip ako. Well, her suggestion kind a made sense. Hindi naman siguro kawalan sa akin kung ako ang mauunang mag-follow 'di ba?
"Nahihiya ako," sagot ko.
Inirapan ako nito at itinulak. "Hindi nga siya nahiya no'ng siya ang nagpapapansin sa'yo, e. At saka akala ko ba you'll pursue him once na mapatunayan mo na he's still into you? Ano, you'll get shy rin kapag pinu-pursue mo na siya? You have balls for a reason. Gamitin mo kaya 'yan."
Wow! Ang sakit magsalita, ah?
Totoo naman na gusto ko siyang i-pursue. Alam ko namang hindi ko siya natrato nang tama noon kaya gusto ko rin talagang suyuin siya. Kaya lang, palagi akong nauunahan ng takot lalo't hindi ko naman sigurado kung gusto niya pa rin ba ako.
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
Fiksi Umumtristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
