Always Been My Greatest 28
Warning: R-18
"Ano, Pau? Sali ka na."
Umiling ako kay Jacob. "Mamamatay muna ako bago mo ako mapasayaw, pre."
Mayroon kasing students' fest at lahat ng department at club ay kailangang maghanda ng special number. Sa department namin, nangongolekta na si Mark ng mga sasama sa kaniya sa special number ng Department namin.
Sumali na roon si Cedrix at Jacob, si Cadence naman wala 'yang talent kaya para ka lang tanga kung aayain mo siyang sumali. Isa pa, nagsimula na ang University League kaya busy na talaga siya.
"Tutugtog ngani. Hindi na tayo sasayaw, bubuo na lang tayo ng banda at ikaw ang drummer."
"Akala ko sayaw?"
Inakbayan ako ni Mark, blockmate namin. "Hindi raw kasi kayo sasali kung sayaw, banda raw ang gusto niyo, e, alam naman natin na kayong magkakaibigan ang bubuhat sa Department natin."
"Sa rami ba namang babae ni Paulo sa iba't ibang department, ewan ko na lang kung hindi kami bumenta niyan."
Pinakyuhan ko lang si Jacob. "Linis mo, ah? Daig mo pa sogo niyan, so clean so good," sarkastiko kong sinabi.
"Uy, alam na alam! May discount card ka na ba ro'n, pre?" singit ni Cedrix.
Kapag ba sinuntok ko silang dalawa magkakapasa kaya sila? O kaya puputok din kaya ang labi nila? Gusto ko sanang i-try, na-cu-curious ako, e.
"Hindi na nga ako nambababae, mga tanga ba kayo?" Lumingon ako kay Mark. "Kulang pa kami ng isa."
"Ako na sa bass, pre. Ano? Sama ka na? Kailangan na kasi ng listahan ng mga participants."
It's been a while since I joined a band. Senior high pa ata ako no'ng mag-drums ako dahil nasira iyong akin. We'll rent na lang during our practice. Baka masayang kung bibili ako ng bago lalo't hindi naman palagian kami kung tutugtog.
Nahati sa dalawa ang special number ng Department namin. Kami sa tutugtog at ang iba naman ay sasayaw, dalawang performance ang ihahanda namin.
"Sa booth, pre? Daming chiks doon, mapupuno 'yang leeg mo ng chikinini."
Isang tao lang ang gusto kong pumuno ng marka sa leeg ko. Speaking of, I haven't seen him for days. Three straight days that I haven't seen him.
Iyong huli kong kita sa kaniya ay 'yong sabay naming tinapos ang lounge. May kaunti pa roong tatapusin at kasama ulit namin sila mamaya kaya paniguradong makikita ko na naman siya.
"Ayoko. Puta, pinahihirapan na nga ako ng mahal ko sasali pa ako sa tarantadong booth na 'yan? Baka kahit tingnan ako hindi na no'n gawin, e."
To be honest, I haven't seen him jealous. Or maybe he got jealous but I just didn't noticed? Or baka naman hindi niya lang kasi talaga ipinahalata?
Ngayon mo ipakita ang pagiging seloso mo, Tristan. Sisiguraduhin kong pagkatapos mong magselos ay pupunuin na kita ng pagmamahal.
"Ano pala balita sa birthday mo, pre?" tanong ko.
"Ayos na. Sa sabado tayo sa Oasis, sagot ko. Balak kong imbitahan sina Rave, ayos lang ba sa inyo?"
Nagkatinginan kami ni Cedrix, parehong gulat sa gustong mangyari ni Jacob. Sa totoo lang, masasabi kong nakatulong ang naging away namin dito sa lounge para tuluyang matibag ang kung ano mang humaharang sa pagitan namin at ng mga Engineering students na iyon.
Pero iyong asaran ay hindi na talaga mawawala, bagay na normal lang naman at mukhang kinasanayan na kaya hindi na rin bago sa amin kung sakali man.
Tumango agad si Cedrix. "Oo naman, pre, birthday mo 'yon, e."
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
Fiksi Umumtristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
