Chapter 32

197 3 0
                                    

CHAPTER 32: CALL

"Sorry, ma'am, medyo natagalan. Kumain ka nang marami, ma'am, hindi ka nakapag-agahan."

"Opo, salamat, ate," sinsersong saad ko at umupo sa harap ng study table para doon kumain. Itinabi ko pa sa akin ang phone ko para maka-usap ko pa si Felix.

"Dumating na 'yong lunch ko. Kumain ka na rin, Felix."

"Later, I'll now order my food."

"Matagal ba 'yan? Gusto mo sabay na tayo? Usap muna tayo?" alok ko dahil gusto kong sabay kami.

"Nah, kumain ka na. Kakain din ako kapag dumating na, Aphrodite."

Napanguso ako at tumango na lang. "Can I see you? Open your camera, Aphrodite."

In-accept ko na lang ang request niyang video call. Inilapag ko sa phone stand sa gilid ko para makita niya ako habang kumakain. Nakita ko naman siyang magulo ang buhok, nakasuot ng itim na sando, at nakasandal sa headboard ng kama.

"Eat now," utos niya sa akin.

"Puyat ka, 'no?" tanong ko sa kanya nang mapansin ang itim sa ilalim ng mga mata niyang namumungay. Ang ilong at labi niya pa ay namumula na parang kakagaling sa pag-iyak.

"I haven't sleep. Hinihintay kitang mag-reply."

Napanguso ako habang ngumunguya ng pagkain. "Sorry, nakatulog kasi ulit no'ng narinig ko 'yong voicemail mo. Ang ganda pala ng boses mo."

Kumurba ang ngiti sa labi niya. "You liked it?"

"Oo, kantahan mo ulit ako mamaya?"

"Sure!" sagot niya at nakita ko ang malawak na pagngiti niya. Nahawa ako roon kaya mas gumaan na ang pakiramdam ko. "I'm glad you looks fine now."

Nagpatuloy ang pag-uusap namin. Kinuwentohan ko rin siya habang kumakain siya at pinaalam na bukas na lang ako papasok.

"Matulog ka na, Felix," usal ko nang maka-sampung minuto na nang matapos siyang kumain.

"Later, Aphrodite. Let's talk more."

Napanguso tuloy ako dahil sa pagtanggi niya. "Sige na, mamaya na ulit. Tawag ka paggising mo. Magbabasa rin ako ng mga lesson namin na na-miss ko ngayon."

"Okay. Talk to you later, then?"

Tumango ako at simpleng ngumiti sa kanya. "Thank you sa time, Felix."

"Thank you, Aphrodite."

Doon natapos ang tawag namin. Ni walang goodbye. Pero masaya ako dahil nagkausap na kami.

Ginugol ko ang oras sa pag-aaaral. Sinabayan ko pa iyon ng meryenda na inihanda ni Ate Gina. Nang matapos ay tinignan ko kung online na si Felix. Online siya pero wala pang bagong reply kaya hinayaan ko lang. Baka natutulog pa siya.

Pinili ko na lang nanoood ng movie para maglibang. Iyong rom-com para hindi na ako malungkot. Pero nainggit lang ako sa sweet moments ng dalawang bida dahil naalala ko si Felix.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may kumatok sa kwarto ko. Akala ko si Ate Gina ulit pero si Clyde iyon at mukhang kakagaling niya sa School dahil suot niya pa ang uniform. Unti-unting nawala ang ngiti ko at napayuko dahil sa tingin niya sa akin.

"Uh, ano 'yon, Clyde?" nahihiyang tanong ko.

Imbes na sumagot ay binuksan niya ang bag niya at iniabot sa akin ang tatlong notebook. "Notes sa mga subject kanina. 'Di naman na kita kailangang turuan 'di ba? Matalino ka naman na," masungit na aniya pero napangiti pa rin ako kahit papaano dahil nag-effort siya!

"Thank you, Clyde!"

Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa kwarto niya. Hinaplos ko ang notebook niya at sinimulang aralin ang mga iyon. Nang biglang may mag-notif. Akala ko si Felix, si Travis pala.

"Hi, Aphrodite! Kakatapos ng klase. Kamusta? Gusto mo bang lumabas ngayon? My treat."

Nagtipa na ako ng reply para hindi na siya mag-alala. "Okay na ako, Travis. Thank you sa pag-invite. See you bukas sa school." Dinagdagan ko pa iyon ng smiley emoticon bago nag-offline.

Nagkulong lang ako sa kwarto ko nang gabing iyon. Hindi ko alam kung anong oras umuwi sina mommy at daddy at nahihiya pa rin akong sabayang kumain si Clyde. Mabuti na lang ay tumawag din si Felix sa akin. Sabay kaming kumain at ikinuwento ko pa ang pagbigay ni Clyde sa akin ng notes na na-miss ko dahil sa hindi pagpasok.

Kinabukasan ay maaga rin akong umalis. Hindi na ako nagpasundo kay Travis at sumabay kay Clyde. Mag-isa ko lang magoahatid sa driver namin.

"Nandito na ako sa school," sagot ko sa katawagan na si Felix. Inayos ko ang phone para makita niya ako. Kumaway pa ako sa kanya.

Nakita ko ang pagngiti niya. "Good to know, Aphrodite. You can now end the call."

"Usap muna tayo! Maaga pa naman tapos wala akong kausap. Wala kasi akong ka-close rito. Si Clyde lang."

"Si Travis?" banggit niya.

"Minsan lang kaming mag-usap dito. Madalas kapag uwian lang. Instructor kasi siya."

"Okay, let's talk then." Napangiti ako roon at nagbukas na ng bagong topic. Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong tumitingin sa akin. Nagpaalam lang ako kay Felix nang pumasok na ang professor namin para sa unang subject.

"Aphrodite, bakit 'di ka pumasok kahapon? Natawag ka ni Mrs. Manalili sa recitation, pinahiya ka na naman niya," pagtukoy ng seatmate ko sa professor kong nagpalabas sa akin ng classroom dati dahil wala ako sa sarili.

Bumuntonghininga na lang ako at hindi na siya sinagot dahil nakinig na ako sa discussion. Babawi na lang ako sa subject na iyon. Gagalingan ko sa final exam dahil mataas ang percentage no'n.

"Aphrodite! I missed you!" salubong sa akin ni Travis.

Napatingin pa ako sa paligid nang bigla niya akong yakapin. Konti lang naman ang tao dito sa library at parang wala namang nakakita.

"Ako rin," sabay ngiti ko sa kanya. "Sorry pala kahapon, 'di agad ako nakapag-reply. May problema lang sa bahay."

"It's okay, Aphrodite. What matter is you're back now and you seems fine. Okay ka na ba talaga?"

"Oo!" sinserong sagot ko at napatingin sa kanya nang hawak niya ang kamay kong nasa table.

"Travis..." tawag ko at sinubukang bawiin iyon dahil baka may makakita sa amin.

Ngumiti siya bago iyon binitawan. "I'm here for you, always, Aphrodite."

"Thank you," pinilit kong ngumiti at pinaglaruan ang daliri ko. "Okay na talaga ako."

Tumango lang siya at pinalandas ang daliri sa buhok niya. "By the way, Aphrodite. Today is my birthday. And I want to celebrate it with you."

Napatakip ako ng bibig ko dahil sa pagkabigla. "Oh my god! Sorry, hindi ko alam, Travis. Uh, labas tayo? Treat kita!"

Mas lumawak ang ngiti niya. "Hindi na, Aphrodite. Ako nga dapat ang magti-treat sa 'yo kahapon. Pero gusto sanang samahan mo ako sa party. I want you to be my date, Aphrodite. Kasama 'yong mga kaibigan ko—"

"Pupunta si Felix?" pansin kong medyo nagulat siya sa bigla kong pagtatanong.

"Oo, kasama siya."

"Sige!" mabilis na sagot ko dahilan para umabot na ng mga mata ang ngiti ni Travis.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon