Chapter 39

314 4 0
                                        

CHAPTER 39: ISSUE

Mas lalong lumala ang issue sa akin at kay Travis dahil sa pagpapaiwan niya sa akin sa klase. May mga kumuha pa ng pictures na kami lang ang naroon at seryosong nag-uusap.

Pati sa Instagram ay nakarating na rin ang pagkuha nila ng maidadagdag sa ebidensya para mas makumpirmang meron ngang namamagitan sa amin ni Travis. Well, meron naman talaga pero hindi kasing lala ng iniisip nila.

"Aphrodite!" Nasa Library ako nang may pamilyar na boses na tumawag sa akin.

"Clyde..." Bigla akong nabuhayan at parang nakahanap ng kakampi.

Nanubig ang mga mata ko nang mas lumapit siya at niyakap ako. "It's okay. Don't mind them. Nag-lunch ka na ba?"

"Hindi pa," sagot ko dahil parang hindi ko pa kayang kumain ngayon. Ang pumunta pa nga lang sa Cafeteria, hindi ko na magawa.

"Labas tayo. Gusto ka ring makausap ni Kuya Travis."

Napatitig ako sa kanya. "Pinapunta ka ni Travis dito?"

"Hindi! Pupuntahan din dapat kita at nakiusap din siya," sagot niya at hinawakan ang kamay ko. "Tara na?"

Tumango ako at humawak lang sa kamay ni Clyde. Hindi ko na tinignan ang mga nakakasalubong namin. Diretso lang ang tingin ko.

Si Travis. Kinakabahan akong sabihin sa kanya ang totoo. Gusto kasi ni Felix na sabihin ko na sa kanya pero kina Clyde ay hindi pa.

Humigpit ang hawak ko kay Clyde. I'm sorry.

Pagdating namin sa isang Resto ay pinapunta kami ni Clyde sa isang kwarto. Naroon na si Travis at tumayo siya nang makita kami. "Thanks, Clyde," aniya bago niya ako nilapitan at hinawakan sa braso pero mabilis ko iyong binawi.

"Kumain muna kayo, Kuya Travis, mamaya na kayo mag-usap," pigil din sa kanya ni Clyde.

Tumango si Travis at hindi ako nilubayan ng tingin. "Yes. I'm sorry."

Tahimik lang kaming kumain. Tanging pagtunog ng lang ng pagbangga ng kutsara at tinidor sa babasaging plato ang naririnig ko. Halos hindi ko pa iyon naubos dahil wala talaga akong gana.

"Una na ako sa School, mag-usap na kayo," paalam ni Clyde at tumayo. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko para pagaanin ang loob ko.

Huminga ako ng malalim at napayuko. Hinintay ko ang pagsarado ng pinto bago ko tinignan si Travis na kaharap ko. "Travis, tumigil ka na sa panliligaw sa akin."

"Aphrodite..." Umiling siya. "Is this becauae of the issue? Aayusin ko agad 'yon, hmm? Don't worry. Kung kailangan kong umalis, aalis ako."

"Hindi 'yon, Travis. May boyfriend na ako," matapang na sagot ko.

"Boyfriend?" Nanlaki ang mga mata niya. "Aphrodite, okay pa tayo no'ng Friday. You even allowed me to kiss you! What do you mean? Two days lang tayo hindi nagkita. Paanong may boyfriend ka na?" litong tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Kami ni Felix," pag-amin ko.

"Felix?!" tila mas nagulantang siya. "Your brother?"

"Hindi ko siya kapatid!" pagtatama ko siya. "Hindi kami magkadugo, Travis."

"But you are both Saavedras and you're living in the same roof! Pinakilala ka pa niya sa amin bilang kapatid niya at... last Friday night, he still treats you as his sister, right?"

Mariin akong napalunok at inamin na ang matagal ko nang itinago sa kanya. "Mahal ko siya, Travis. I'm sorry." Tumayo ako at akmang aalis na nang magsalita siya.

"So, he's been jealous and not a protective brother after all?" aniya, hindi ko na mahimigan ang pagiging marahan sa boses niya.

Naestatwa ako nang mapakinggan ang idinagdag niya, "But he's the one who told me to court you, Aphrodite."

Hindi ako nakasagot roon.

"I thought you we're sincere. I almost fell! It's nice playing with you, Aphrodite," lumamig ang boses niya, wala na ang dating marahan at malambing.

Natulala ako nang lagpasan niya ako at nauna na siyang lumabas. Play? Akala niya ba pinaglaruan ko lang siya? Totoong nagustuhan ko siya pero si Felix, siya ang mahal ko!

Iyon na yata ang pinakamahabang oras ng uwian namin kahit alas singco kami idinismiss. Gano'n talaga siguro kapag uwing-uwi na.

"Clyde, pwedeng pasabay sa 'yo ngayon?"

"Oo naman! Lagi ka nang sasabay sa akin!" Ngumiti siya at inakbayan ako. "'Wag kang mag-alala. Magsasawa rin 'yang mga 'yan!" pagtukoy niya sa mga nakatingin sa amin at bumubulong.

Nasa byahe kami ni Clyde nang tumawag si Felix. Imbes na sagutin iyon ay nagtipa na lang ako ng mensahe para sa kanya. "Tapos na. Nasabi ko na kay Travis. Pero 'wag mo na akong sunduin, Felix. Sumabay na ako kay Clyde." Pagka-send ko no'n ay pinatay ko na ang phone.

Ayaw ko munang makipag-usap sa kanya. Nai-stress ako! Baka sa kanya ko lang mabuntong 'yong pagkairita ko sa mga schoolmates ko.

"Thank you, Clyde."

"Aphrodite, magpahinga ka na. 'Wag ka munang mag-o-online. Hayaan mo lang na kumalat 'yong issue, mawawala rin 'yan," paalala ni Clyde pero hindi ko iyon sinunod.

Nag-online ako para malaman kung saan na nakarating 'yong mga tao sa pag-stalk sa social media account ko. Nag-turn off na ako ng comments dahil dinadamay pa nila 'yong mga post ko! Pagkatapos no'n ay nag-deactive na ako dahil hindi ko kinaya ang mga reaction nila sa comment section.

Slut. Whore. Nasa loob ang kulo. Sipsip. At kung ano-anong bastos na salita ang mga ginamit nila. Ang iba ay nag-assume agad na ginawa ko 'yon para maka-uno.

Like, what the hell? Ang dami ko nang flat uno na grades simula first year first semester bago ko pa nakilala si Travis!

Dismayado akong umiling at iniyak na lang ang inis. Ang dali-dali nilang manghusga akala naman nila kilalang-kilala nila ako!

Nagising ako nang dahil sa katok sa kwarto ko. Inaantok akong bumangon para buksan 'yon. Si Ate Gina pala. "Ma'am, dinner na po! Nasa baba na silang tatlo, hinihintay ka nila," nakangiting bungad niya sa akin.

"Sige po, ate, susunod po ako," sagot ko at nag-ayos ng sarili. Nagbihis din ako dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng damit na galing sa school.

"Hello po, mommy, daddy," bati ko sa dalawa at akmang yayakap nang magsalita si daddy.

"I heard your issues at School. Is it true that you're having an affair with Travis at School, Aphrodite? Didn't I told you to make him your boyfriend once he's not your professor anymore?!" tila kulog na sigaw niya.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon