CHAPTER 27: FALL
"Let's go!" Humiyaw si Clyde at tumakbo habang nakataas ang dalawang kamay niya sa ere nang makarating kami sa beach ng Resort. Nilampasan na namin ang infinity pool dahil nagsawa na yata sila.
Habang nakasunod kay Clyde ay nare-relax ako dahil sa puro ang puting buhangin ang natatapakan ko at ang preskong hangin na tunatama sa mukha ko dahilan para liparin ang mahabang buhok ko. Maging ang puting mini dress na suot ko ay hinahangin din. Spaghetti strap iyon, backless at tanging hanggang sa bewang ko lang ang fitted kaya nakakagalaw ako ng maayos.
Napatingin ako kay Felix na siyang tumabi sa akin. Bigla kong naalala iyong nangyari kagabi.
Habang kabado ako na baka pumayag siya sa gusto ni Travis ay sumagot si Felix, "She asleep. Mind if you tell me what do you want to say to her," iyon ang huli kong narinig bago sumarado ang pinto at naiwan ako roon sa kwarto na nag-iisip kung ano ang pinag-uusapan nila sa labas.
Kaninang umaga ay nag-online ako at natanggap ang mensahe ni Travis kagabi. Nagpaalam siyang mauuna nang umuwi dahil may importante siyang gawin.Tingin ko iyon ang dahilan kung bakit niya ako gustong makausap kagabi. Pero itong si Felix, 'di pa sinasabi sa akin kung anong pinag-usapan nila.
"Aphrodite!" tawag ni Clyde sa akin pero muling naagaw ni Felix ang atensyon ko nang hilain niya ako palapit sa kanya. "She'll ride with me," sagot niya sa kapatid.
"Okay, sige! Ikaw na bahala kay Aphrodite, kuya!" mataas pa rin ang energy ni Clyde at kumuha pa ng buhangin para ibato sa hangin nang magpaalam sa amin.
Hindi ko mapigilang matawa sa kanya bago ko pinanood ang malinaw at kulay asul na tubig. Lumapit ako roon at nakangiting nagtampisaw nang marinig ang tunog ng pag-click ng camera.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang si Felix pala iyon dahil nakatutok sa akin ang phone niya. "Beautiful," manghang bulong niya kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi niya.
"Want to swim before we ride a jet ski?" alok niya at nilapitan ako.
Kaagad akong umiling nang makita ang mga kaibigan ni Clyde na nagpapaunahan habang sakay ng jet ski. May isa pang pares na tumumba ang sasakyan nila kaya na-excite akong gawin din iyon.
Lumaki ang ngiti siya at tumango. "Hop in, then!"
Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan akong sumakay. Sa likod ako pumwesto dahil hindi ko naman alam magpaandar ng jet ski. Kaagad niyang kinuha ang magkabilang kamay ko at iniyakap iyon sa lantad na pang-itaas na katawan niya.
"Hold on to me, Aphrodite," marahang utos niya at mas lalo akong hinila palapit sa kanya. Naramdaman ko tuloy ang pagkaipit ng dibdib ko sa likod niya.
"Felix!" puna ko dahil humalakhak siya. Mahigpit akong napayakap sa kanya nang bigla niyang paandarin ang jet ski.
Napatili pa ako nang mas lalo niyang binilisan. "Bagalan mo, Felix! Baka malaglag ako!" sigaw ko sa kanya pero gumalaw ang tiyan niya dahil tumawa siya.
"Just fall when you feel like falling, Aphrodite! Don't worry, I'll fall with you!" sigaw niya at biglang lumiko habang mabilis pa rin ang pagpapatakbo. Tumagilid ang sasakyan namin. Napatili ako at mahigpit na yumakap sa kanya kaya nasama akong bumagsak sa tubig kasama niya.
Rumagasa ang kaba sa dibdib ko dahil hindi ako gaanong marunong lumangoy. At isa pa, nasa dagat kami at nasa gitna na! 'Di ko alam kung gaano ito kalalim! Napapikit ako nang maramdaman ang paglapat ng labi ni Felix sa akin habang nasa ilalim pa rin kami ng tubig. Ngumiti siya sa akin nang humiwalay siya bago niya ako niyakap at dinala sa ibabaw ng dagat.
Hinabol ko ang hininga ko at nakitang malayo na ang pwesto ng tropa ni Clyde sa amin. Sa ibang direksyon kasi kami napunta. "Tara na ro'n, Felix," anyaya ko at kaagad na kumapit sa jet ski para mas hilain ang katawan paalis sa tubig pero hinila niya ako palayo roon.
"Let's stay here for a while," utos niya at niyakap ang bewang ko. Ipinalibot ko ang hita sa bewang niya para iangat ang sarili. Nakakaubos kasi ng hininga kapag hanggang leeg ko ang tubig.
"There, feeling better?" tanong niya niya at sinuklay ang buhok ko patalikod.
Tumango ako at hinaplos ang mukha niya. Maliwanag kahit hindi maaraw kaya kitang-kita ko ang detalye ng mukha niya ngayong malapit kami sa isa't-isa. Nakikita ko rin ang sarili ko sa repleksyon ng tsokolate niyang mga mata. Ang gwapo niya! Hindi ako nagasawang titigan siya. Ibinaba ko ang kamay para haplusin ang namumulang labi niya gamit ang hinlalaking daliri ko.
He has an oozing sex appeal. Maging noong unang gabing nakilala ko siya ay namangha na ako sa angkin kagwapuhan at kakisigan niya. And I'm attracted with him more than Travis, who is my ideal boy since then.
Oh, god! I think I'm loving this hot and sinful man in front of me.
Napangiti ako nang mapangisi siya. "What are you thinking, baby?" Inangat niya pa ako lalo habang nakasuporta ang dalawang kamay niya sa magkabilang pang-upo ko.
"Naisip ko lang si Travis," sagot ko at muling yumakap sa leeg niya.
"Let's just go!" reklamo niya kaagad dahilan para humalakhak ako.
"Pakinggan mo nga muna ako, Felix!" puna ko.
Napaungol naman siya kaya yumuko ako para halikan ang pisngi niya. Doon nanlambot ang ekspresyon niya. "What about that fucker?" masungit pa rin na tanong niya.
"Gusto ko na siyang patigilin sa panliligaw sa akin," paliwanag ko at pinanood ang pag-awang ng labi niya. "Ayaw ko nang paasahin siya sa wala kasi na-realize ko na... hindi ko na talaga siya gusto. Wala na rin 'yong pagka-crush ko sa kanya."
"Then tell him now!" mabilis na sagot niya at kaagad na lumangoy palapit sa jet ski.
Napanguso ako dahil parang hindi naman siya masaya. "Wala kang gustong sabihin?" tanong ko nang makaakyat ako sa sasakyan.
Pumwesto siya sa likuran ko at kaagad akong kinulong sa braso niya. "Tsk! What do you want me to say, baby? Ain't my reaction enough to say I'm happy right now?" pabalik niyang tanong at bigla siyang humiyaw nang muling paandarin ang jet ski. "I'm so happy! I finally won! No more fucking rival!"
Humalakhak lang ako at inipon ang buhok para hindi siya matamaan kapag nilipad iyon dahil sa hangin. Masaya ako at desedido na sa plano.
Pero nang makauwi kami sa bahay naroon si Travis kasama nina mommy at daddy!
"Finally they are here!" nakangiting bungad ni mommy at lumapit sa amin para yumakap.
Hilaw akong napangiti at niyakap ito pabalik. Sunod ay napatitig ako kay Travis na siyang nakangiti rin sa akin.
Anong ginagawa niya rito? Hindi siya nagsabi sa akin na pupunta siya ngayon dito.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
Любовные романыAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
