CHAPTER 40: PAGOD
TRIGGER WARNING: SELF HARM
Napaupo ako sa tabi ni Clyde bago sumagot, "Hindi pa po kami, daddy. Pero—"
"You allowed him to be that close with you in School?!" dahilan niya.
Kaagad akong napayuko. "Sorry po," iyon lang ang sinserong naisagot ko dahil namuo na ang luha sa mga mata ko.
"Dad, 'wag mo nang pagalitan si Aphrodite, hindi na siya minor!" pagtatanggol sa akin ni Clyde pero mas lalo lang atang nagalit si daddy. "Sadyang ma-issue lang 'yong iba!"
"I know you're in legal age, Aphrodite. But letting him do that in School when you are a student and he's a professor? And keep it a secret that you go out with him without telling us?!"
"Hindi na nga po, dad! Kung sinabi ko ba sa inyo papayag kayo?" Hindi ko napigilang humikbi. "'Di ba, hindi naman? Kasi baka mapahamak ako. Na baka makidnap—"
"Atleast you tell us, Aphrodite! You let us know! You are our responsibility!" mas lumakas ang boses niya.
"Hon," pigil na ni mommy sa kanya. "Enough. Let's eat first, lumalamig na ang pagkain."
Pinunasan ko ang luha at agad na tinapos ang pagkain. This is the first time I fought back with them.
Dati, kapag may nagawa akong hindi nila gusto ay magso-sorry agad ako at susunod. Pero ngayon, nagagawa ko nang ipaliwanag ang sarili sa kanila pero ang sakit sa dibdib. Nakaka-guilty!
Pero mali bang sarili ko na ang isipin ngayon at hindi na ang sasabihin nila? Sawa na akong nakakulong na lang dito sa bahay at dinidiktahan.
"You're grounded, Aphrodite. Dalhin mo rito ang lahat ng gadget mo."
Napapikit na lang ako at tumango sa desisyon ni daddy. Bahala na! Mahina talaga ako. Hindi ko kayang baliin ang desisyon nila. Natatakot ako. Masyadong malaki ang utang na loob ko sa kanila.
"Opo. Sorry, daddy, mommy. Hindi na po mauulit," sagot ko bago bigong bumalik sa kwarto. Ibinigay ko sa kanila ang mga hinihingi nila at nagkulong.
After years, I am still the same young girl who always locks herself in her room, huh? Sakal na sakal na ako rito. Bakit ba kasi may banta sa buhay ko? Ano bang kailangan nila sa akin at gusto nila akong patayin? Gustong-gusto ko nang mamuhay ng normal. Pagod na akong palagi na lang nagtatago.
I wanna be free! I want to go out with my friends after school or during weekends. To go to some places alone to explore and travel.
Pinadalhan ako ni daddy ng bodyguard sa School. Ramdam kong buhay pa rin ang issue sa akin pero kumonti iyon kumpara kahapon at hindi pa naman ako pinatawag sa Disciplinary Office. Hindi ko man lang ma-explain sa kanila ang sarili ko.
Bahay, School, bahay. Doon na lang na naman umiikot ang mundo ko dahil sa pangyayaring iyon. Halos hindi na ako maarawan dahil palagi akong nasa loob. Kapag umaalis si Clyde, niyayaya niya ako pero tumanggi ako dahil ayaw kong mas magalit si daddy sa akin. Si Felix, miss ko na siya pero hindi ko alam kung paano siya makakausap. Hindi naman na siya bumalik dito para puntahan ako.
I spend my boring life on creating art and sleeping. Wala naman na akong ibang pagkakaabalahan, e. Wala rin naman akong ibang mapuntahan.
"Ma'am, kain ka na po!" masiglang ani Ate Gina pero nawala ang ngiti niya nang makita ang palapulsuan ko. "Okay ka lang po ba, ma'am? Anong nangyari d'yan sa kamay mo?"
"Okay lang po ako," pagsisinungaling ko at narinig ko na lang ang pagtili niya nang manlabo ang paningin ko at tuluyan iyong sakupin ng dilim.
Please, just let me die peacefully. I want to meet mamma and pappa again. I miss them so much! I miss my own family so much!
"Hindi mangyayari 'to kung hindi ka naging mahigpit sa kanya, David! She's been a good daughter since then, alam mo 'yan! Pero sobra na 'tong ginagawa mong pansi-disiplina! You're hurting her!"
"I'm just protecting her, hon! Your son is after her! Gusto niyang kunin sa atin si Aphrodite!" boses ni daddy.
"Si Felix? Bakit naman niya kukunin si Aphrodite?" Umiiyak na ang boses ni mommy.
"He told me he's inlove with her. That bastard is really sick! Hindi ko alam kung mahal ba talaga niya si Aphrodite o ginagamit niya lang siya para makaganti sa atin! You know how he's capable of doing, hon. So please, let me protect Aphrodite. She's like my own daughter. Ayaw ko siyang mapahamak at mapunta sa lalakeng 'yon!"
Sana hindi na lang ako nagising ng araw na iyon at narinig ang pagtatalo nila mommy at daddy. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sila sa sinabi nila tungkol kay Felix. Alam kong galit sila kay Felix at alam ko ring galit si Felix sa kanila.
Pinahid ko ang luhang walang tigil sa pag-agos at pinagpatuloy ang pag-i-impake ng damit sa bag. Dalawang damit, pants, mga underwear, hygiene kit, make-up kit at mga perang naipon ko. Nang matapos ay nag-ayos na ako. Tinignan ko ang namumutlang mukha sa salamin. Imbes na magsuot ng contact lens ay kinuha ko ang gunting at hinawakan ang buhok ko. Pagod na akong magtago.
Pinutol ko iyon ng sobrang ikli. Hindi pantay at hindi na umabot sa balikat ko. Binasura ko ang mahabang buhok ko at naghugas ng kamay bago lumabas. Wala na akong pakialam kung makita ako ng mga may interest na kunin ang buhay ko. I just wanted to be free before I die. I want to travel, have fun and live a life.
Huminga ako ng malalim at hinalikan ang sulat na iiwan ko para kina mommy at daddy, Clyde, Ate Gina at Kuya Tino. Sila lang naman ang mga nakakausap ko sa bahay na 'to simula no'ng maging parte ako ng pamilya nila. At si Felix. Gusto kong magpaalam sa kanya pero hindi ko alam kung nasaan siya. Kinalimutan na siguro niya ako.
Tahimik akong lumabas sa likod ng bahay. Nang makitang walang nagbabantay sa gate na naroon ay tahimik ko iyong binuksan. Pigil hininga ako nang tuluyang makalabas at isinarado muli ang gate. Maingat akong naglakad at halos mapatalon na sa gulat nang may lalakeng humigit sa akin.
Tinakpan niya pa ang bibig ko bago pa ako makasigaw.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomansaAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
