Chapter 29

409 6 0
                                        

CHAPTER 29: GULO

Halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip. Nang mag-umaga ay lumabas ako agad para tignan kung gising na si Felix. Kumatok ako sa kwarto niya at saktong hindi iyon naka-lock kaya binuksan ko na.

"Felix," tawag ko sa kanya nang makita siyang nakatayo malapit sa kama niya habang nagsusuot ng neck tie.

Sinubukan kong lumapit sa kanya pero naestatwa ako nang magsalita siya, "What the fuck are you doing here?"

Kinalibutan ako dahil sa lamig ng boses niya. Idagdag pa ang murang binanggit niya.

Pinanood ko siyang lumapit sa akin habang matigas ang ekspresyon sa mukha niya. Para siyang galit at naiinis sa akin.

"Sorry," usal ko gamit ang maliit na boses.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang hawakan niya ang leeg ko at inangat ang mukha ko. Sinalubong ko ang malamig na titig niya habang nanunubig ang mga mata ko dahil nasasaktan ako sa trato niya sa akin ngayon.

"What do you want now, Aphrodite?" malalim na tanong niya.

"I'm sorry, Felix," ulit ko pero bigla niya akong hinigit sa braso. Mahina akong napadaing dahil sa higpit ng hawak niya roon.

Naging mabilis ang paghinga ko nang dalhin niya ako sa kama niya at kaagad na kinaibabawan. "Do you want my hands? Or mouth?" mariing sambit niya at hinila pababa ang lahat ng suot ko pang-ibaba. Pero bago niya pa iyon tuluyang alisin ay itinulak ko siya.

Tumulo ang luha sa pisngi ko at inayos ang sarili. "Anong ginagawa mo?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Bakit ka ganito?" Humikbi ako.

Napasabunot naman siya ng sarili niyang buhok. Halatang inis na inis siya. "What now?! Why the fuck are you crying? Isn't this what you want from me?!" sigaw niya pabalik.

"Umiiyak ako kasi nasasaktan ako, Felix! Bakit galit na galit ka sa akin? Saka iniiwasan mo pa ako!"

"What do you expect?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "You told me to dump Travis! But what happened last night, Aphrodite? You fucking introduced him to my parents!"

"Kasi na-pressure ako! Gusto nila si Travis para sa akin!" paliwanag ko at umiling nang lumuhod siya sa harap ko.

Sinundan ko siya ng tingin at hinawakan ang kamay niyang nasa hita ko habang nakatingala siya sa akin. "Then what about me, Aphrodite?" mahinang tanong niya kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata niya. "When will you have a fucking courage to fight for me?"

"Ha?!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Clyde nang marinig ang boses niya. Nakatayo siya malapit sa bukas na pinto ng kwarto ni Felix habang puno ng pagtataka ang mukha.

"Anong pinag-uusapan niyo?" naguguluhang tanong niya at lumapit sa amin. Hindi gumalaw si Felix at hinigpitan pa ang hawak sa akin dahilan para mapatingin do'n si Clyde. "Ano 'yan, bakit magkahawak kayo ng kamay?"

Nabitin ang luha ko at bumilis ang tibok ng puso. "Kasi Clyde..." sagot ko at sinubukang magpaliwanag pero hinarap siya ni Felix at tumayo.

"We're talking. Lumabas ka rito." Hinawakan niya pa ang braso ni Clyde pero napaawang ang labi ko nang marahas niya iyong binawi at nakipaglaban ng tingin kay Felix.

"Talking about what?" matigas na tanong ni Clyde sa kapatid.

"About us!" mabilis na sagot ni Felix. "I'm in love Aphrodite! Is that what you want to hear? Now, leave us!" pagtataboy niya sa kay Clyde.

Napatayo ako dahil sa pagtatapat ni Felix. Napatingin saglit si Clyde sa akin at napangisi siya bumaling sa kapatid na nasa harap niya. "Siya 'yong babaeng kinukwento mo noong naglasing tayo, kuya? 'Yong babaeng hindi mo makuha-kuha? Siya rin ba 'yong tinutukoy mo sa laro natin kagabi?" bakas ang gulat sa bawat pagbigkas niya.

"Clyde, ganito kasi 'yon..." sinubukan kong magpaliwanag ng mas maayos pero umiling siya sa akin na parang dismayado at nandidiri siya.

"Ano?! Nilandi mo si kuya dati kaya nasa kwarto mo niya? 'Di ko alam na gan'yan kang babae, Aphrodite! Magkaibigan pa talaga ang nilalandi mo!"

Kumirot ang dibdib ko at hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya nang bigla siyang itulak ni Felix. Ang bilis ng pangyayari! Namalayan ko na lang na nasa malamig na sahig ako nang 'di niya sinasadyang maitulak ako dahil sinugod rin siya si Clyde.

"Tangina, bro, 'wag mong tawaging malandi si Aphrodite! Hindi siya gano'n!" sigaw ni Felix.

"Ako pa ang may mali ngayon, kuya?" Humalakhak si Clyde habang nakasalampak sa sahig at mariing hawak ni Felix ang kwelyo ng damit niya. "Nababaliw ka na! Ano bang ginawa sa 'yo ni Aphrodite? Siguro pinasaya ka niya sa kama?"

"F-felix," pigil ko nang muli niyang dumako ang kamao niya sa mukha ni Clyde.

Akmang lalapitan ko na sila para awatin nang biglang lumaban si Clyde kaya napaatras ako dahil sa takot at naiyak dahil ito ang ikinakatakot. Ang magkagulo ang pamilya nila dahil sa akin.

"Bakit galit ka, kuya? Hindi ba't gano'n ka naman? Mahilig ka sa babae at walang pinipili! Lahat kinakama mo tapos ibabasura! Kaya ka nga pinalayas nina mommy at daddy, 'di ba? Kaya nagalit sa 'yo sina lolo at lola!" galit na galit na sigaw ni Clyde at pinagsusuntok ang mukha, tagiliran at tiyan ni Felix nang hindi siya bumawi.

Nang matumba si Felix ay tinadyakan siya ni Clyde. Napatakip ako ng bibig at tahimik na umiyak dahil sa takot at pag-aalala. Pero natatakot akong pigilan sila!

"Pero bakit pati si Aphrodite, idinamay mo?! Gago ka! Ikaw ang pinakagagong nakilala ko! Sana hindi ka na lang bumalik dito!" iyon ang paulit-ulit na mura ni Clyde sa kanya habang puno ng galit at umiiyak.

Napatingin ako kay Ate Gina nang makita siya sa labas ng bukas na kwarto. Nanlaki ang mga mata pero kaagad na tumakbo paalis.

"Clyde, tama na 'yan," pakiusap ko at sinubukan kong pigilan siya dahil may dugo na sa gilid ng bibig ni Felix. Hindi na kasi siya lumaban pabalik at hinayaan na lang niya si Clyde na ibuntong ang galit sa kanya.

"Clyde! Felix! What is the meaning of this?!" Pare-parehas kaming napalingon sa pinto nang marinig ang galit na sigaw ni daddy.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon