Chapter 31

313 3 0
                                        

CHAPTER 31: SINFUL OBSSESSION

Huminga ako ng malalim bago bumangon. Alas onse na. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang blinds.

Naligo rin muna ako at nag-ayos ng mukha bago bumaba. Katahimikan ang bumati sa akin. Wala sina mommy at daddy. Wala rin si Clyde.

"Ma'am, buti gising ka na! Anong gusto mong kainin? Umagahan o iyong pananghalian na?"

"Pananghalian na lang po," sagot ko at uminom ng tubig. Napatitig ako sa mga bakanteng upuan. Mag-isa ko na naman. Ayaw ko rito. Kumikirot na naman ang puso. "Pakihatid na lang po sa kwarto ko, ate."

"Sige po, ma'am! Mabilis lang 'to!"

Tumango ako at muling bumalik sa kwarto. Mapait akong napangiti at muling humiga sa kama na kakaayos ko lang. Nakita ko ang mga mensahe ni Travis nang mag-online ako.

"Hi, Aphrodite. How are you? You can share your problems with me, okay? I'll listen and my shoulder are free to cry on."

Napangiti ako roon pero hindi ako nag-reply. Hinanap ko ang pangalan ni Felix. May bago siyang mensahe sa akin.

"Good morning. Kumain ka na ba? Please don't skip meals."

Imbes na magtipa ng mensahe ay pinindot ko ang voice call button dahil online rin siya. Kaagad niya naman iyong sinagot na para bang nakaabang lang siya sa phone niya.

"Aphrodite..."

Napanguso ako at gusto na namang umiyak nang marinig ang boses niya at marahang pagtawag sa akin.

"I miss you." Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang masabi iyon.

"I miss you too, baby."

"Nasaan ka? Sabi mo, 'di mo 'ko iiwan dito. Wala na naman akong kasama!" reklamo ko sa kanya at pinigilan ang sariling humikbi.

"Sorry. I'm on my unit right now, Aphrodite. I'm just waiting to cool down the sitiation. Babalik din ako, promise," pangako niya pero hindi naging sapat iyon para kumalma ako.

"Nakakainis ka! Bakit ba kasi sinabi mo 'yon?! Nagkagulo tuloy kayo ng pamilya mo!"

Narinig ko ang malalim na hininga niya mula sa kabilang linya. "Hayaan mo sila. Matagal na silang galit sa akin, Aphrodite. Tama si Clyde, pinalayas nila ako dati kasi ganito ako. Tarantado."

"Felix..." mahinang tawag ko sa kanya nang marinig ko ang panginginig ng boses niya.

"I'm twelve when I became curious of sex. It's my homeroom teacher who got me first, Aphrodite. She teached me things and I enjoyed every second of it until it became a hobby. Girls in my age flirts me. They say they want me and I give it to them. Not until when I reached eighteen. I fucked one of my professor and one day, she told me I got her pregnant."

Napaawang ang labi ko dahil sa pagki-kwento niya. Narinig ko naman ang mapakla niyang pagtawa.

"Kumalat sa School hanggang nakarating sa mga magulang ko at sa kamag-anak namin. Sabi nila, kahihiyan lang daw ako sa pamilya namin! Pinalayas pa nila ako at sinabing panagutan ko 'yong prof ko. E, tangina, hindi naman pala ako ang ama! Alam ko naman sa simula pa lang kasi palagi akong nag-iingat sa mga babaeng ikakama ko. Pero, putangina, wala na, huli na!" mariing sambit niya dahilan para tumulo ang luha ko dahil sa awa. "Sira na ang pangalan ko. Pero sinubukan kong magbago dahil gusto kong patunayan na mali sila na itakwil ako. Kaya ayon, nagtrabaho ako habang nag-aaral. Pero hindi natigil 'yong pagiging gago ko. Hindi ko na mapigilan, Aphrodite. Masyado na akong nasanay. Kaya kapag stress ako, hahanapan na ako ng mga kaibigan ko ng babae dahil sila lang ang katapat ko. I used girls to relive stress and dump them after. Not until you told me you're disgusted of me for doing that."

Humikbi ako nang maalala iyong araw na nahuli ko siyang may katalik sa kwarto niya at sinabi kong 'wag na niyang uulitin 'yon dahil nandidiri ako. Wala akong pagsisisi na nasabi ko iyon. Pero sana, naging maingat pala ako sa mga sinasabi ko dahil hindi ko naman siya kilala. Hindi ko alam na ganito ang nangyari sa kanya.

"I'm sorry, Felix. Hindi ko alam..." sinserong paghingi ko ng tawad.

"Hmm? You don't have to, Aphrodite. Totoo naman 'yon. Nasanay na rin ako kaya ayos lang."

Tumango ako at nag-ipon ng lakas ng loob para magtanong. "Stress ka rin ba kaya mo ginawa 'yon no'ng unang beses na nagkita tayo sa kwarto mo?"

"Oh, that?" sumigla ng kaunti ang boses niya. "Hindi ako stress no'n, Aphrodite. Nagandahan ako sa 'yo kaya kita hinalikan. Ewan ko rin anong pumasok sa isip ko. Hindi ko namang ugali na manamantala ng babae. Sila ang kusang lumalapit sa akin. Pero pagdating sa 'yo, ibang-iba, Aphrodite! Gustong-gusto kitang halikan no'n kahit tulog ka at wala akong pakialam kung sino ka. You know what? I even thought you we're my brother's girlfriend kaya ka nando'n. Wala naman kasing nagsabi sa akin na ganyan kaganda 'yong bago kong kapatid!"

Napatitig ako sa kawalan habang nagki-kwento siya at muling pumasok iyong ginawa namin noon. Hindi ko alam na gano'n pala ang nasa isip niya habang ginagawa sa akin ang mga bagay na 'yon!

"Naiintindihan ko kaya iniwasan mo 'ko no'n. Sabi ko, 'di ako mamimilit ng babae. Pero wala, gago ako, e! At gustong-gusto talaga kita, Aphrodite. I always want near you, your smell calms and turns me on, and your lips are so inviting and addicting everytime I taste them. You became my obsession, Aphrodite. My sinful obsession."

Tila may humaplos sa dibdib ko. Masarap na may kirot. Ewan, nababaliw na yata ako dahil sa lungkot!

"Until you cried and told me your hatred. Ayaw kong umiiyak ka kaya sinubukan kong magbago... for good na sana. Pero tangina, si Travis naman naging problema. Pinagseselos niya ako! Alam mo bang gumawa ako ng Insta account no'ng nalaman kong finollow mo siya ro'n? Tapos sinabi mo pang gusto mo siya kahit kakasabi kong mahal kita. Wala na! Doon na ako nawala sa sarili ko, Aphrodite. Kahit masakit, tinitiis ko na lang makasama lang kita. Worth it naman, e! Alam mo bang sobrang saya ko no'ng hindi mo na ako tinataboy palayo sa 'yo? No'ng napapatawa na rin kita. Pero wala, 'di pa rin ako na-kuntento... 'di ko pa rin maiwasang magselos sa inyo ni Travis. Hanggang sa, heto, deserve ko naman siguro lahat ng 'to."

Hindi ako makapagsalita. Masyado pa akong nalunod sa mga sinabi niya. Nasasaktan ako pero may parteng masaya ako na nalaman na gano'n pala ang nararamdaman niya.

"Do you still want to talk to me, Aphrodite?" tanong niya nang hindi ako kaagad na nakasagot.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon