Chapter 33

389 5 0
                                        

CHAPTER 33: MY GIRL

Hindi na ako nagpaalam kay mommy na magagabihan sa pag-uwi. Kay Ate Gina na lang. Baka kasi hindi sila pumayag ni daddy. Sana lang talaga ay maunahan kong umuwi sina mommy at daddy.

"Travis, okay lang ba 'tong suot ko?"

Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata niya nang nilingon niya ako. Nahihiya akong napangiti at tinignan ang sarili sa malawak na salamin habang suot ang pulang dress. Off shoulder iyon kaya lantad ang balat ko, hapit sa katawan kaya medyo nahihirapan akong huminga at sobrang ikli. First time kong magsuot ng ganito ka-sexy na damit. Pero masaya akong maranasan ang ganito.

"Yes! You look stunning, Aphrodite."

Mas lalo akong napangiti dahil sa komento niya. Nagpaayos ako ng buhok at make-up bago kami pumunta ni Travis sa bahay nila kung saan gaganapin ang party. Ang sabi niya, mga kaibigan lang niya ang naroon kaya medyo nakampante ako. Nakilala ko naman na ang ibang kaibigan niya, okay naman sila pero maingay. Pero gusto ko talagang makita si Felix kaya excited ako habang nasa byahe kami.

Malaki at sumisigaw ng karangyaan ang bahay nila Travis. May sarili pa silang Bar kung saan niya ako dinala at malawak iyon!

"Here's the birthday boy!" salubong sa kanya ng mga kaibigan niya at sinabuyan siya ng kakabukas na alak. Napaatras ako para hindi mabasa.

"Oh, hi, gorgeous! Date mo, Travis?"

"Yes." Hinawakan ni Travis ang bewang ko pero nakalayo siya ng kaunti dahil basa ang suot niya. "She's Aphrodite."

"Nice one!" puri nila sa kanya at nakipag-apir bago ako binati.

"Nice to meet you again, Aphrodite!" bati ng mga palagay ko ay dinala ni Felix dati sa bahay. Tanda ko ang mukha nila pero ang pangalan hindi na.

"Bro, pakilala mo naman kami!" anang isang lalake na blonde ang buhok. Hindi ko alam kung natural iyon o kulay lang.

"He's Gray, Beaumont and August, tropa namin ni Felix," isa-isang pagpapakilala sa akin ni Travis. Medyo madali na iyong tandaan dahil nakita ko na ang pangalan nila sa post ni Felix noon sa Insta at magkakaiba sila ng itsura, body type at style ng pananamit.

"Nasaan si Felix?" tanong ni Travis sa kanila at hinubad ang coat niya.

"Nauna nang uminom! Broken hearted yata, e!" sagot ni Gray at nagsitawanan sila.

"Let the party begin, then! Enjoy the night, guys!"

Humiyaw ang mga kaibigan niya at nagsimula nang mamatay ang ilaw at tanging mga nakakahilong pailaw na lang ang nagsilbing liwanag.

"Magbibihis lang ako, Aphrodite," bulong ni Travis sa tenga ko.

Mabilis akong tumango at luminga para hanapin si Felix. Lumayo ako sa maingay na grupo at abala sa pagsayaw habang umiinom.

Pumasok ako sa isa pang kwarto at nakitang isa si Felix sa mga nasa island counter. May bartender pang nag-aabot ng drinks sa kanila.

Mariin akong napalunok nang may lumapit sa kanyang babae at ipinakita niya ang leeg niya kay Felix. May ininom na alak si Felix bago niya marahas na hinapit ang babae at hinalikan ang leeg nito.

Alam ko naman na ganito siya. Tanggap ko iyon. Pero bakit ngayong nakikita ko na... hindi ko kayang tignan.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at akmang tatalikod na nang may mabunggo ako.

"Sorry po!" natatarantang sabi ko at kaagad na umiwas nang hawakan niya ang bewang ko.

Humalakhak siya at muling lumapit sa akin. "No, let me wipe that," aniya habang nakatingin sa dibdib ko.

Napaatras ako nang akmang ilalapit niya ang kamay niya sa parteng iyon.

"Bro, do you want to have a death wish?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Saavedra? You know this girl?" nakangising tanong ng lalake kay Felix.

"Yeah, that's my girl," mariing sagot ni Felix at itinulak ang lalake palayo sa akin.

"What are you doing here, Aphrodite?" Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

"Kasama ko si Travis. Ininvite niya ako," malumanay na sagot ko sa kanya pero patuloy ang paghila niya sa akin palabas ng kwartong iyon.

Nang makalabas kami ay hindi niya pa rin ako binitawan. Uminit ang pisngi ko nang bumaba ang tingin niya sa suot ko.

"What are you wearing? Fuck!" malutong na bulong niya bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko. "Umuwi ka na, Aphrodite. 'Di ka na dapat pumunta rito," aniya bago ako nilampasan.

Sinundan ko siya ng tingin kasabay ng pagkirot ng puso ko. "Gusto lang naman kitang makita."

Napatigil siya pero hindi niya ako nilingon. "Nakita mo na ako. Umalis ka na," malamig na sagot niya bago tuluyang pumasok sa loob.

Mabilis kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko bago kinalma ang sarili. Nang makarinig ng yabag na palarating ay huminga ako ng malalim. Si Travis nga iyon.

"Aphrodite, bakit nasa labas ka?"

"Hinintay kita," tanging sagot ko at sumabay sa kanyang pumasok sa loob.

Iba na naman ang kasamang babae ni Felix nang makita ko silang nakaupo sa sofa. Iniwas ko rin kaagad ang tingin sa kanila at tumingin kay Travis nang tawagin niya ako.

"Umiinom ka ba, Aphrodite?"

"Oo." Kaagad kong tinanggap ang shot glass na iniabot niya sa akin. "Cheers," sagot ko bago ibinuhos ang lahat ng laman no'n sa bibig ko at lumunok.

Napapikit ako sa pait pero kaagad ding nakabawi. Ganito pala mag-party. At least kahit papaano, naranasan ko. Hindi ko tinanggihan ang basong ibinibigay nila ulit sa akin. Minsan si Travis at minsan iyong mga kaibigan niya ang nagbibigay.

Itinaas ko ang kamay sa ere gaya ng ginagawa nila at iginalaw ang bewang para sumayaw nang maging komportable ako sa kanila. Naramdaman kong may humawak sa bewang ko pero imbes na alisin iyon ay napapikit pa ako.

"Damn it!"

Mapamulat ako nang marinig ang sigaw ni Felix. Napatingin din sa kanya si Travis na nasa likuran ko pero honayaan lang din nila agad siya at niyayang maglaro na lang para makapag-chill.

"Dare!" sagot agad ni Felix nang tumapat sa kanya ang walang laman na bote ng alak.

Nasa tabi lang ako ni Travis pero hindi ako kasali. Masyado kasi silang wild. Hindi ako komportable.

"Atat na atat, ah?" natatawang komento ni Gray sa kanya. "Sige na nga! Pumili ka na ng babae at ikama mo na!"

Ngumisi si Felix at tinaasan ito ng kilay. "Sigurado ka na?"

"Oo! Umalis ka na rito! Nagsasawa na ako sa mukha mo!"

"Travis, pahiram ng kasama mo," aniya dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Gago! Iba ka talaga Felix Saavedra!" Hiyaw nila.

Mabilis ang tibok ng puso ko nang tignan ako ni Felix. Inakbayan naman ako ni Travis.

"No. She's with me, Felix."

"Iuuwi ko na!" pagpupumilit nito. "Tangina, kapag 'to na-grounded dahil hindi nagpaalam, malalagot ka sa akin!" sigaw niya kay Travis.

"Sasama na ako sa kanya, Travis. Anong oras na rin," pakiusap ko sa katabi pero mas humigpit ang hawak niya akin.

"Ihahatid kita."

"Tangina mo talaga!" pikon na pikon na sigaw ni Felix bago siya umalis. Nagsitawanan ang grupo nila at ang iba ay ipinaliwanag na kapatid ako ni Felix kaya gano'n.

"Kapatid pala siya ni Felix? Kaya pala muntik na akong patayin kanina!" rinig ko pang sabi ng isa. "Akala ko pa girlfriend niya!"

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon