CHAPTER 30: HINDI TOTOO
"Wala talagang sasagot?!"
Halos mapatalon ako nang muling sumigaw si daddy.
"What happened, Aphrodite?" nag-aalalang tanong sa akin ni mommy at inayos ang buhok ko.
Humikbi ako at akmang ibubuka na ang bibig para akuhin ang kasalanan nang biglang nagsalita si Felix.
"Kasalanan ko. Nangingialam siya kaya binugbog ko," walang emosyong paliwanag niya at tinignan ako bago siya tumayo. "Aalis na ako. 'Wag niyo na ulit akong hanapin kung hindi ako bumalik agad."
"Felix!" pigil sa kanya ni mommy.
Kumirot ang dibdib ko at muling tumulo ang mga luha. Bakit siya aalis?
"Anak, please, 'wag ka nang umalis ulit. Ayusin natin 'tong pamilya natin," naiiyak na ring pakiusap sa kanya ng ina.
Please, Felix? Sana huwag suyang umalis.
Imbes na ma-awa ay ina ay ngumisi siya. "Talaga? Maaayos pa ba ang tingin niyo sa akin kahit sabihin kong may nangyari sa amin ni Aphrodite? Pinilit ko siyang gawin 'yon!"
Napaawang ang labi ko dahil sa gulat at dahang-dahang ikinuyom ang kamao ko dahil hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon. Ramdam kong napatingin sina mommy sa akin pero hindi ko nilubayan ng tingin si Felix. Pero hindi ko mabasa kung bakit siya nagsisinungaling.
"Totoo ba, hija?" ramdam ko ang pagkabigla at pag-aalala sa boses ni mommy.
"Ilang beses nang may nangyari sa amin! Kahit itanong niyo pa kay Clyde. Minsan naabutan niya akong nasa kwarto ni Aphrodite," si Felix ang sumagot at muling nagsinungaling.
"Clyde, is that true?!" muling sumigaw si daddy.
"Yes, dad," mariing sagot ni Clyde at natagpuan ko na lang ang sariling yumuko dahil sumalampak na sa sahig sa Felix mula sa biglaang pagkakasuntok sa kanya ni daddy.
"You bastard! Hindi ka na tumino!" bulyaw niya rito dahilan para kumirot ang dibdib ko.
Umiling ako. Naramdaman kong niyakap ako ni mommy pero hindi ko pa rin nilubayan ng tingin si Felix at gano'n din siya sa akin.
"Mommy, hindi po," bulong ko nang makitang umubo na ng dugo si Felix.
Tumayo ako at inalis ang pagkakahawak sa akin ni mommy. "Please, tama na po," pakiusap ko kay daddy at lumuhod para takpan si Felix mula sa kamao ng ama.
"Umalis ka, Aphrodite!" gigil na sita niya sa akin.
Umiiyak akong umiling pero hinawakan ni Felix ang braso ko at nanghihinang itinulak iyon.
"'Wag mong saktan si Aphrodite, dad," nanghihinang utos ni Felix sa ama niya.
Iyak lang ako nang iyak sa kwarto ko nang hilain ako ni mommy palabas ng kwarto ni Felix. Gabi na pero hindi pa rin maubos ang luha ko. Pagod na pagod na akong umiyak!
"I'm really sorry, hija. 'Di ko alam na magagawa ni Felix 'yon sa 'yo. Akala ko pa naman, nagbago na siya," marahang sambit ni mommy at pinagpatukoy ang paghaplos sa buhok ko.
Umiling ako at muling nagpaliwanag, "Hindi po, mommy! Nagsisinungaling lang po siya. Iyong naabutan siya ni Clyde dito, binantayan lang ako ni Felix no'n pero ulo naman niya ang sumakit kaya dito ko na siya pinatulog. Ni hindi po kami nagtabi. Maniwala po kayo sa akin!" pakiusap ko sa kanya para may kakampi kami ni Felix.
Bumuntonghininga siya at pinahid ang luha. "Sigurado kang ayos ka lang, hija?" naniniguradong tanong niya at tinigil ang paghaplos sa buhok ko.
"Opo! Mabait po si Felix sa akin, mommy," mabilis na dagdag ko at niyakap siya pabalik nang muli akong maiyak. "Please, 'wag niyo po siyang paalisin dito."
Mugto ang mga mata ko nang magising kinabukasan. Wala akong ganang bumangon kaya muli akong pumikit at niyakap ang unan ko.
Narinig ko ang pagtunog ng phone ko pero hindi ko iyon pinansin. Kahit nakatulog ako ay pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili. Kung sinamahan ko kaya si Clyde na i-welcome si Felix noong una pa lang, wala bang mangyayari sa amin? Pakiramdam ko kasi iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interest sa akin si Felix at kung bakit niya ako minahal. Kasalanan ko kaya nag-away sila ni Clyde at nagkagulo ang pamilya nila!
Hindi ako hinayaang makatulog ulit ng phone ko. Paulit-ulit kasing may tumatawag. Bumuntonghininga ako at bumangon para tignan iyon. Si Felix! Pero kaagad ding natapos ang tawag. Ang sumunod ay kay Travis na.
Hinintay kong matapos iyon bago ako nagtipa ng mensahe para sa kanya. "Hindi ako makakapasok ngayon, Travis. May problem sa bahay."
Sunod ay binuksan ko ang convo namin ni Felix mula sa text messages. Nanubig agad ang mga mata ko nang makita mensahe niya.
"I'm so sorry, Aphrodite."
"Can you please see my chat on Instagram?"
Dali-dali akong nag-online para tignan ang mensahe niya at tumulo na ang luha ko dahil napakarami no'n pero ang umagaw ng pansin ko ay ang voice message niya na sinend kaninang madaling araw. Kasunod no'n ay ang mga salitang, "I'm sorry for everthing, Aphrodite. Don't know if this can calm you down but I hope this is not another reason to make you cry."
Pinindot ko iyon at pinalakasan ang volume. Sa una ay instrumental lang iyon at maya-maya, narinig ko na ang boses ni Felix. Marahan at para akong hinehele gamit ang malalim at kalmadong boses niya.
Nang marinig ang mga unang liriko ay napangiti ako. It's Sleep Tonight by December Aveneu.
"Baby, it's alright, I'll be right by your side."
Humigpit ang pagkakayakap ko sa unan at hinayaan ang pagtulo ng panibagong luha. Bawat lirikong binibigkas niya ay tumatagos sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung magiging masaya dahil nag-effort siyang tulungan ako para patulugin o mas masasaktan dahil hindi niya ginawa iyong mga liriko niya sa kanta.
"It's alright. I'll never leave."
Humagulgol ako nang matapos ang kanta. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa masanay ako sa boses niya at muling makatulog nang mas magaan na ang loob.
The lyrics says he'll never leave me. Even he did the otherwise, pakiramdam ko ay kasama ko pa rin kahit malayo siya sa akin dahil sa effort niyang ganito.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
