CHAPTER 22: PLAYBOY
"Uh, wala pa sina mommy. Baka mamayang gabi pa sila darating," paliwanag ko habang mabilis pa rin ang tibok ng puso.
Kinakabahan ako kasi first time ko sa ganito. Kay mommy at Clyde, alam kong okay lang dahil alam naman na nila na gusto ko si Travis. Pero paano si Daddy? At lalo na si Felix! Ano kayang sasabihin niya?
"I'll wait for them, Aphrodite," kalmadong paliwanag niya at napatingin siya sa infinity pool. "Wow! I can't wait to swim with you!" nakangiting bulalas niya at inilagay ang bag na dala sa longue.
Huminga ako ng malalim at pinanood siyang mag-order ng drinks namin. Gwapo naman talaga si Travis. Gustong-gusto ko 'yong ngiti niya, pagiging sweet niya at mahinahon. Crush na crush ko siya dati. Pero ngayon, parang wala na. Dapat ko na bang bastedin siya?
Ayaw ko kasing maging unfair masyado kay Felix. Kung akin lang siya, dapat sa kanya lang din ako kahit wala kaming label. At gano'n din kay Travis. Saksi naman ako kung gaano siya kasipag. Pinagsasabay niya kasi ang trabaho niya sa Company nila, sa pagtututo sa University namin at sa panliligaw sa akin. Lilinawin ko na lang siguro muna kung anong nararamdam ko kay Felix. Baka kasi natatakpan lang ng atraksyon ko sa kanya iyong pagka-crush ko kay Travis kasi nitong mga nakaraang araw, puro si Felix ang nasa isip ko.
"Bakit?" Napanguso ako nang tumitig lang siya sa akin at natawa nang lumawak ang ngiti niya.
"Nothing. I just missed being with you so much," marahang sagot niya at inalok sa akin ang milkshake na inorder niya.
"Thank you! Libre mo naman 'to, 'no?"
"Of course!" Humalakhak siya at 'di naalis ang ngiti. "Are you fine that I'm going to meet your parents tonight?"
"Oo naman. Gusto ka ring makilala ni mommy. Naikwento na kasi kita dati sa kanya," paliwanag ko.
Lumawak naman ang ngiti niya at hindi inalis ang titig sa akin. "It's actually my frist time courting a girl and meeting her parents. That's how special you are to me, Aphrodite."
Doon nalaglag ang panga ko. "Lahat no'ng naging mga girlfriend mo dati, hindi mo sila niligawan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Saglit siyang natawa at pinisil pa ng konti ang pisngi ko. "I'm a playboy during highschool, Aphrodite. Alam 'yon ng kuya mo," pagtukoy niya kay Felix. "Pero mas malala siya. Lahat kasi pinapatulan niya." Umiling pa siya habang nagki-kwento.
"First impression ko din kay Felix, babaero siya!" komento ko at huli na nang mapagtanto kong hindi ako gumamit ng 'kuya'.
"How about your first impression to me, Aphrodite?" Inilapit niya ang sarili sa akin.
"Hmm..." Napangiti ako nang maalala no'ng una kaming nagkita sa mansyon. "That you're better than Kuya Felix. Sweet ka kasi makipag-usap tapos ang amo ng mukha mo. Kaya ang daming girls nanagkakagusto sa 'yo sa University!" kinikilig na dagdag ko, walang halong ka-bitter-an.
"Madami nga pero ikaw lang 'yong gusto ko," sagot niya at ngumiti ng malawak. "I can't wait to resign and have an open relationship with you. Ayaw kong tinatago ka."
Napangiti ako dahil bigla kong naalala ang sinabi ni Felix kanina. "Gusto kitang itago dito."
Magkaibang-magkaiba nga sila. Pero parang mas gusto ko iyong itatago ako!
"Kuya Travis! Aphrodite!"
Kaagad kong inalis ko ang mapanlarong naisip ko at parehas naming nilingon ni Travis ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa amin. Si Clyde! Nandito na pala sila.
Kasunod niya ang mga tropa niyang mas marami ang lalake kaysa sa mga babae kaya mas lalong umingay ang Intimo Bar kung nasaan kami.
"Shot agad! Hintayin niyo kami!" sigaw niya kaya napailing na lang ako. Buti na lang talaga kami-kami lang ang nandito. Kung hindi, nakakahiya dahil ang ingay nila.
"Nasaan si kuya, Aphrodite?" excited na tanong ni Clyde sa akin nang tabihan niya ako. Pang-four seaters kasi ang pwesto namin ni Travis.
"Nasa kwarto. Tawagin ko na lang," sagot ko at akmang tatayo na nang magsalita siya ulit.
"Saan ang kwarto niya? Ako na ang tatawag. Dito na kayo ni Kuya Travis," makahulugang aniya at nginitian ako ng malawak na parang tinutukso kami ni Travis.
Inilingan ko lang siya habang natatawa na dahil sa panunukso niya sa amin. "Sa Room 301."
Kumunot ang noo niya kaya kumunot din ang akin dahil sa pagtataka. "Bakit twin room ang kinuha niya? Akala ko sa suite room si kuya."
"Dalawa kami ro'n," paliwanag ko dahilan para mas lumalim ang pagkakasalubong ng kilay niya.
"Huh? Bakit naman kayo magkasama sa iisang kwarto? Si Travis dapat ang kasama mo, Aphrodite!" reklamo niya at tumingin sa katapat ko.
"No, I don't think it's a good idea that we will sleep in the same room. She's not yet my girlfriend, Clyde. Baka hindi komportable si Aphrodite," sagot ni Travis sa kanya.
Tumango naman ako at bago pa ipaglaban ang desisyon namin ni Felix ay nagsalita na naman ang kapatid ko. "Alam ko na! Dalawa na lang kayo ni Kuya Felix sa twin room, Kuya Travis! Si Aphrodite na lang sa suite room sa Room 302. Tapos kami ng tropa ko nasa ibang kwarto."
"Okay," tanging sagot ko dahil baka nga weird na nasa iisang kwarto kami ni Felix.
Pero, 'di ba? Magkapatid naman ang tingin nila sa amin? Unless nahahalata na kami ni Clyde.
Bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan. Ang tapang ko kaninang isipin na si Felix ang pipiliin ko sa kanila ni Travis. Pero ngayong may tyansang malaman iyon ni Clyde ay parang hindi ko kaya.
Ano ba 'tong pinasok ko?!

BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...