CHAPTER 37: IN LOVE
"That's why you don't want to let you hair be blonde again?" nag-aalalang tanong niya sa akin matapos kong i-kwento ang mga nangyari noon at kung paano ako napunta sa mga Saavedra. Hinaplos niya pa ang buhok ko. "Pero sabi ko rati brown, bakit black pa rin 'to?"
"Sabi ni mommy black pa rin daw," paliwanag ko.
"I see. And your blue eyes..." manghang aniya habang nakatitig sa mga mata ko. "They suits you well, Aphrodite. Please please don't cover them with you're with me."
"Pag nasa labas ako, nagsusuot ako ng lenses," paliwanag ko sa kanya. "For disguise purposes lang din."
Tumango siya at muli akong niyakap. Ngayon ay nagkulong na siya sa leeg ko kaya napatingala ako ng kaunti. "Now I get it! I will protect you, Aphrodite. Buti na lang pala, nag-ipon ako noon pa."
Mas lalo akong napangiti dahil imbes na matakot ay mas gusto niya akong protektahan. "Thank you, Felix," sinserong sambit ko at ginantihan ang yakap niya.
"I love you," dagdag niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Gusto kong sagutin iyon pero mahal ko na rin ba siya? Paano ba masasabi kapag mahal mo na ang isang tao.
"Felix, first time ko sa ganito..." panimula ko at pinantayan ang tingin niya. "Paano mo nasabing mahal mo ako?"
"That's when I decided to stay with you no matter what," sagot niya at nagpaliwanag nang kumunot ang noo ko. "Kahit ayaw mo sa akin, gusto pa rin kitang makasama kasi sa 'yo ako masaya."
Sunod ay hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa dibdib niya. Napaawang ang labi ko nang maramdaman ang pagtibok ng puso niyang gaya ng sa akin. "Ito 'yong patunay, Aphrodite."
"Mahal na rin kita?" hindi siguradong tanong ko. "Gusto rin kitang makasama, Felix. Sinabi ko kay mommy, 'wag kang paalis noon pero umalis ka pa rin. Sobrang lungkot ko, 'non. Tapos magkaiba din 'yong pakiramdam ko tuwing hinahalikan mo ako kumpara kay Travis. Mas gusto ko 'yong sa 'yo. Mas pinapabilis mo 'yong tibok ng puso ko at—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang panga ko at siniil ng halik ang labi ko. Kaagad kong tinugon ang marahan niyang halik at napa-ungol nang alisin niya ang comforter sa katawan ko at pinadaan ang palad niya sa tiyan pataas sa kaliwang dibdib ko. Akala ko hihimasin niya pero nilagay niya lang iyon doon bago siya tumigil sa paghalik sa akin.
"Your heart is beating fast like mine, Aphrodite," halata ang saya sa tono niya at umalis siya sa ibabaw ko bago ako muling niyakap. "I love you so much!"
Humagikgik ako at ginantihan ang yakap niya. "I love you too, Felix!"
Sabay kaming naligo nang umagang iyon. Pinainit niya ang katawan ko pero walang nangyari sa amin. Masyadong masakit ang katawan ko para ulitin iyong kagabi. Sa susunod na lang.
"Ang dami mong kiss mark na iniwan sa akin," reklamo ko sa kanya habang pinupunasan niya ang katawan ko ng tuwalya.
Pilyo siyang tumawa at mabilis na hinalikan ako sa pisngi. "Gusto ko pa ngang dagdagan, Aphrodite."
Napanguso ako at kinuha na ang underwear kong hawak niya para isuot iyon sa sarili. Mamaya manghalik na naman siya at kung saan na naman kami mapunta!
Binuhat niya ako na parang bagong kasal nang makapagbihis ako. T-shirt ko iyong suot niya at maikling shorts.
"Ako nang bababa. Dito ka lang, hmm?" paalam niya at hinalikan na naman ako. Sobrang hilig niya talaga sa kiss!
"Saan naman ako pupunta?" kunot-noo at natatawa kong tanong sa kanya.
"Sa kwarto mo!" dahilan niya bago siya tuluyang lumabas.
Umiling na lang ako at nanood ng TV habang hinihintay siya. Hindi ko in-expect na makakabalik ako sa kwarto na 'to dahil away-bati kami ni Felix matapos niyang maglayas. Umiling ako. Mas lalong hindi ko in-expected na boyfriend ko na si Felix ngayon!
Malawak akong napangiti dahil sa naisip. Despite everything, I feel so happy right now! I think I'm really in love with Felix Saavedra!
Napatingin ako at mas lalong pangiti nang makita si Felix na may dalang tray ng pagkain. Ako na ang nag-set ng bed table para roon kami kumain. "Thank you, daddy," pang-aasar ko sa kanya.
Kita ko ang pagkabigla sa itsura niya bago niya ako pinanliitan ng mga mata at ngumisi. "Aphrodite, stop teasing me! Baka pagsisihan mo," banta niya sa akin kaya natawa ako at sinubuan siya ng pagkain. "Call me like that only when you're horny and want to fuck," dagdag pa niya.
"Make love," pagtatama ko. "I made love with you, Felix!"
"Okay, sounds better!" Tumango-tango pa siya. "Call me 'daddy' when you want us to make love again."
Tumango ako at napatingin sa pinapanood na romance movie. "'Di ba kapag mag-boyfriend-girlfriend may call sign? Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"You choose, baby. I'm fine with everything."
"Baby?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yeah, you're my baby. My innocent and cute little one," sagot niya habang malaki ang ngiti at pinisil pa ang pisngi ko.
"Little one? Hindi na ako bata, Felix!" reklamo ko sa kanya. "I'm twenty as Aphrodite. But my real age at birth is nineteen!"
"See you're just a teen! Bata ka pa rin para sa akin," sagot niya at sinubuan ako. "Let's finish this now."
Mas gusto kong tinatawag ang pangalan ni Felix. 'Wag na lang kayang mag-call sign? Hindi naman yata required?
Iyon na yata ang pinaka-relaxing na weekend na nagawa ko sa buong buhay ko. Felix and I just cuddle in bed, watch movies, eat foods, kiss, make out and sleep. Hindi ko inakalang hindi nakakaboring ang cycle na 'yon basta kasama ko siya.
Iyon nga lang, may mga kiss mark ako sa leeg. Hindi pa nga nawawala, dinadagdagan na naman niya!
Nang mag-Monday ay umuwi si Felix sa Condo niya. Dumating na kasi sina mommy at daddy. Gusto ko sanang sabihin na sa kanila iyon tungkol sa amin pero saka na lang daw sabi ni Felix. Baka raw mas lalo silang magalit at ilayo ako sa kanya.
Kung gano'n ang mangyayari, hindi ko alam ang pipiliin ko. Oo, mahal ko si Felix pero mahal ko rin ang pamilya niya. Sana lang, hindi umabot sa puntong kailangan kong pumili sa kanila kung kanino sasama.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
