CHAPTER 20: GAME
"It's my birthday!" masayang hiyaw ni Clyde at tumalon-talon pa siya. "Tapos nandito pa si kuya!"
Napangiti ako nang akbayan siya ni Felix at sinabayan ang trip ng kapatid niya. "Happy birthday, bro!"
"Aphrodite!" tawag niya sa akin pero umiling ako at inilagay na sa couch ang bag na dadalhin ko mamaya.
Ngayon kasi ang alis naming tatlo para magbakasyon. Sina mommy at daddy ay susunod na lang daw dahil may aasikasuhin pa.
Nang dumating ang mga tropa ni Clyde ay mas lalong umingay ang bahay. Lumabas na ako dahil hindi ko naman sila ka-close.
"Aphrodite, you'll ride with me later, hmm?" si Felix na nakasalubong ko at niyakap pa ang bewang ko. Kinuha niya pa ang bag na dala ko.
Inilibot ko ang paningin sa labas at nang makitang walang tao ay ngumiti ako at tumango. "'Wag mo kong ililigaw, ah? Baka kung saan mo ako dalhin," biro ko pa dahil ngumisi na naman siya ng nakakaloko.
"How did you read my mind?" mapanlarong saad niya at humalik sa pisngi ko. "Damn! I'm thinking of what we should do while in a long ride."
Uminit ang pisngi ko nang pisilin niya pa ang bewang ko. "Matutulog ako tapos ikaw mag-drive ka lang!"
"Let's see, baby!" Niyakap niya ako kaya mahina akong humalakhak. Yumuko pa siya at gigil na pinisil ang isang pisngi ng pang-upo ko kaya hinampas ko siya.
"Ang landi mo na naman!"
Humalakhak pa siya at hinayaan akong humiwalay sa kanya nang marinig ang tawag ni Clyde sa akin.
"Tara na!" excited na anyaya niya nang makalabas sila.
Kaagad akong tumango at sinundan siya. "Kay Kuya Felix na lang ako sasabay, Clyde," paalam ko.
Napatingin naman siya kay Felix na inilagay na ang gamit ko sa kotse niya. "Sige! Baka ma-OP ka sa amin!" sagot niya kaya nagpaalam na ako sa kanya para sumunod kay Felix. "Kuya, ikaw na ang bahala kay Aphrodite!" sigaw pa niya kaya napatingin ako sa kanya at napangiti.
Nang salubungin ko ang tingin ni Felix ay ngumisi siya. Kumuha niya pa ang kamay ko para alalayan ako. "Hop in, baby."
Isinuot niya rin sa akin ang seatbelt nang maka-upo ako. "Thank you, daddy," pagsabay ko sa kapilyuhan niya at natawa pero umiling siya.
"Wrong word, baby! I'm having a boner already," bulong niya bago isinarado ang pinto sa gilid ko.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang makapasok siya sa kotse at isinarado ang pintuan. I don't why I feel a familiar feeling of excitement building up inside me. Nakakahawa nga yata ang kalandian ni Felix!
"Let's go!" Isinindi niya ang stereo at sumipol pa siya nang tumugtog ang isang kanta ng isang banda na sikat. Pinanood ko siyang magmaneho hanggang sa makalabas kami ng Subdivision.
'Di ko mapigilang mamangha. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo. Isama pa ang makisig na braso at maugat na kamay niyang nasa stering well. Ang manly at ang sexy!
"What are you thinking, Aphrodite?" pagtawag niya sa atensyon ko kaya bumalik sa mukha niya ang tingin ko.
Uminit ang pisngi ko at mabilis na umiling. "Wala po!"
"Hmm, really?" Ngumisi siya at inihawak sa lantad na hita ko ang kanang kamay niya. Naka-skirt lang kasi ako ngayon at dahil nakaupo ako ay mas umangat iyon.
Kinuha ko ang kamay niya at imbes na alisin ay itinaas ko pa lalo ang kamay niya. Pinilit kong huwag ngumiti nang makita ang pagngisi niya. Sobrang init na rin ng pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
