Chapter 28

263 3 0
                                    

CHAPTER 27: BLOCKED

"How's your vacation, hija? Did you enjoy it?"

"Oo naman, mommy! First time ni Aphrodite mag-jet ski tapos banana boat!" si Clyde ang bibong sumagot para sa akin.

Nilapitan ko si daddy nang bumaling si mommy sa bunso niyang anak. "Really?! Happy birthday again, Clyde! You're now twenty!"

"Good evening po, dad," bati ko dahil seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

Nakakakaba! Bakit ganito ang reaksyon niya?

"Travis, hi!" Nginitian ko ang lalake nang tumayo siya pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko sa harap ni daddy!

"Dad, si Travis po. Manliligaw ko."

Mula sa pagiging straight line ng pagitan ng labi niya ay ngumiti siya bago tumayo. "Finally, princess! We have met Travis a while ago. He's a good man."

"Po?" sambit ko dahil sa pagkabigla. "Opo!" mabilis na pagbawi ko dahil kumunot ang noo niya.

Sabay silang humalakhak ni Travis kaya mas lalong uminit ang pisngi ko. Napatingin naman ako kay mommy nang yakapin niya ang braso ko. "Don't be shy, hija! We're glad to finally meet your suitor! And all I could say is... you got a nice choice!" may halong kilig na komento ni mommy.

"Approved!" dagdag pa ni dad at nag-thumbs up.

Ako lang yata ang hindi natawa dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na sanang patigilin si Travis sa panliligaw sa akin. Pero gustong-gusto naman siya ng pamilya ko!

"Nice! Approved agad! Congrats, Kuya Travis!" Nakipag-apir pa si Clyde kay Travis.

Napatingin ako kay Felix nang lumapit siya sa amin. "Congrats, dude!" Kumirot ang dibdib ko dahil ngumiti pa siya at tinapik ang balikat ni Travis. "Please, treat her right. Kun'di, bubugbugin kita."

"Namin!" sambit pa ni Clyde at inakbayan ako. "Pero for sure, 'di ka naman sasaktan ni Kuya Travis."

Mabilis na tumango ang katabi ko. "You can trust me on that."

Imbes na kiligin ay sinundan ko ng tingin si Felix nang magpaalam siyang umakyat.

Huminga ako ng malalim at kumalas sa pagkakaakbay ni Clyde. "Akyat po muna ako. Magpapalit lang ng damit," paalam ko sa kanila at hinarap si Travis.

Tumango naman siya at inalis na ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Let's go to dining room while waiting for them!" anyaya sa kanila ni mommy. "Aphrodite, call your Kuya Felix. We'll have our dinner together."

Bago pa ako sumang-ayon ay naunahan ako ni Clyde. "Ako na tatawag kay kuya, mom!"

Sinabayan niya pa akong umakyat sa pangalawang palapag. Nasaan kaya si Felix? Nasa kwarto niya o nasa kwarto ko?

Biglang bumalik ang kaba ko dahil sa naisip. Paano kung nasa kwarto ko siya?

Kaagad akong dumiretso sa kwarto ko nang lampasan ni Clyde ang kwarto ng kapatid niya. Baka mamaya niya pa tatawagin.

Pero wala si Felix nang makapasok ako sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim at nag-online para sana i-message siya sa social account niya pero offline siya. Kakausapin ko na lang siya mamaya para magpaliwanag.

Lumabas ako ng kwarto nang makapagbihis ng mas komportableng damit. Pero iyong presentable pa rin dahil haharap ako kina daddy at Travis.

Naabutan ko si Felix na kakalabas niya rin ng kwarto niya. Napatingin siya sa akin. Napangiti ako at akmang lalapitan siya nang tumalikod siya at hindi ako pinansin.

Napakurap ako at pinanood siyang bumaba ng hagdan. Galit ba siya sa akin? Susuyuin ko na lang siya mamaya!

Pansin ko ang pananahimik ni Felix habang kumakain kami. Sina mommy at Clyde ang maingay dahil tinutukso nila kami ni Travis.

"I can still remember, she painted my photography back then!" pagki-kwento niya sa mga magulang ko. "That's how I fell in love with her."

Matapos ng dinner ay nagpaalam na si Travis na umuwi. Hinatid namin siya nina mommy at Clyde hanggang sa gate.

"Ingat, Travis! Goodnight!" Kumaway ako sa kanya pero tinulak ako ni Clyde palapit lalo sa kanya.

"Goodnight kiss daw, Aphrodite!"

"No kisses for now!" Hinila naman ako ni mommy. Natawa si Travis at napangiti naman ako. "Saka na kapag you have that upgraded labels na!"

Nang makabalik ako sa kwarto ko ay wala roon si Felix kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Ang kaso, naka-lock iyon kaya kumatok ako.

"Anong ginagawa mo r'yan, Aphrodite?"

Napatingin ako kay Clyde nang marinig ang boses niya. Nabitawan ko ang door handle ng kwarto ni Felix at hinarap siya. "May sasabihin lang sana ako kay Kuya Felix," sinubukan kong huwag mautal kahit nate-tense ako.

"Hmm, lakasan mo naman kasing kumatok. 'Di ka yata naririnig," natatawang sagot niya at siya na ang sumubok pero hindi kami pinagbuksan ni Felix. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya.

"Baka busy. 'Wag mo nang istorbohin," ani Clyde at hinatak na ako papunta sa kwarto ko.

"Goodnight, Clyde!" Yumakap ako sa kanya at akmang papasok na sa sariling kwarto nang magsalita siya.

"Anong gusto mong sabihin kay kuya? Ako na ang magsasabi mamaya. Baka hindi ka makatulog!" biro niya at tinawanan niya pa ako pero umiling ako.

"May itatanong lang sana. 'Di naman gano'n ka-importante kaya bukas na lang," pagpapalusot ko at nagpaalam na sa kanya.

Niyakap ko ang unan na laging gamit ni Felix tuwing katabi ko siya rito nang humiga ako sa kama. Binuksan ko ang phone para i-message na siya. Pero hindi ko makita ang pangalan siya sa list ng messages ko. Kumunot ang noo ko at kaagad na isinearch ang username niya.

Kumirot ang dibdib ko nang mabasa ang resulta. "No results found."

Umiling ako at sinubukang gumawa ng panibagong account para tignan kung nag-delete siya account o binlock niya ako.

Tumulo ang luha sa pisngi ko nang makitang lumitaw ang profile niya sa search bar. So, I was really blocked?

Does he felt this way when I blocked him back then?

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon