Chapter 36

972 6 2
                                        

CHAPTER 36: SINFUL OBSESSION

Nagising ako kinabukasan dahil sa sunod-sunod na tunog ng phone ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nakita ang pamilyar na kwarto.

Napadaing at napakagat ako ng pang-ibabang labi nang maramdaman ang pagkirot ng lahat ng parte ng katawan ko. Muli kong naalala ang nangyari sa amin ni Felix kagabi. Hinaplos ko ang bakanteng kama at mapait na napangiti.

Nasaan siya? Umalis rin ba siya agad no'ng matapos may nangyari sa amin?

Binalot ko ng comforter ang sarili at ika-ika akong naglakad para pulutin ang bag kung nasaan ang phone ko. Tumatawag si Travis.

Si Travis...

Biglang kumirot ang dibdib ko.

Akmang sasagutin ko na ang tawag nang biglang bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin kay Felix. Nagsalubong ang tingin niya nang makita ako. "Bakit hindi mo sagutin?"

Napayuko ako at mas kumirot ang puso dahil sa boses niya. Ngumisi siya, nilapitan at pinantayan ako. "Sagutin mo. Manliligaw mo 'yan 'di ba? O boyfriend mo na?"

Nanginginig ang kamay ko nang sagutin ko iyon at itinapat iyon sa tenga ko. "Travis..."

"Aphrodite, finally! I got worried. Kamusta ka?"

"Okay lang ako. Sorry, kakagising ko lang."

"Hangover?" tanong niya.

"Medyo masakit ang ulo ko," sagot ko at napatingin kay Felix nang yumuko siya at inilagay ang kamay sa bewang ko bago hinalikan ang tenga ko kasalungat sa kung nasaan ang phone ko.

"Kumain ka na? Pwede akong pumunta sa inyo para dalhan ka ng drinks pampawala ng hangover."

Halos hindi ko maintindihan ang sinabi ni Travis dahil sa ginagawa sa akin ni Felix lalo na nang bumaba ang halik niya sa leeg ko at sinupsop iyon. Nang hindi makuntento ay kinagat niya pa ang balat ko.

Halos dumugo ang labi ko sa kakagat para pigilang dumaing. Itinulak ko siya at niyakap ang sarili.

"Aphrodite?" muling pagtawag ni Travis sa akin.

"Hindi na, Travis. Magpapagawa na lang ako kay yaya. Salamat na lang."

"Alright! Are you free this afternoon? Yayayain sana kitang lumabas."

"Sa susunod na lang siguro, Travis," sagot ko at nagpaalam na at nagdahilang busy ako ngayong weekend.

Tumayo ako at umupo sa gilid ng kama habang nakabalot pa rin ang sarili ng comforter. "Hindi ka ba talaga marunong rumespeto? May kausap ako tapos gagawin mo 'yon?"

Saglit siyang natawa kaya ikinuyom ko ang kamao ko. "I don't know you are this insensitive, Aphrodite! O baka nakalimutan mo na agad 'yong mga sinabi at ginawa natin kagabi?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang comforter. "Gusto mong ipaalala ko sa 'yo?"

Yumuko ako at hindi na napigilang napaluha. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. "Nagsisisi ka na ngayon?" mas naging marahan ang boses niya.

"Tapos na, Aphrodite! Isa ka na sa mga babaeng natikman ko!"

Nag-angat ako ng tingin at nang makitang nakaharap siya sa akin ay itinaas ko ang palad para padapuhin sa pisngi niya.

Ngumisi siya at muling napatingin sa akin. "Para saan 'yon? Hindi mo ba nagustuhan 'yong ginawa ko kagabi?"

Muli ay sinampal ko ang pisngi niya kahit namamanhid na ang palad ko. "Para 'yan sa pag-iwan sa akin matapos mo akong angkinin kagabi, Felix."

Muli ay hinampas ko siya. Sa dibdib na niya ngayon dahil namumula na ang pisngi niya. "Para 'yan sa pambabastos mo habang kausap ko si Travis!"

"Para 'to sa pananakit mo sa akin ngayon!" Muli ay sinuntok ko ang dibdib niya habang umiiyak. "Hindi ko pinagsisihan 'yong kagabi kasi gusto kita! Gusto kong maranasan 'yong mga 'yon kasama ka! Pero pagkatapos mo sa akin kagabi, bakit bigla ka na lang magiging cold? Bigla mo na lang akong iniwan! Tapos ngayon, ganito?! Ang sakit-sakit, Felix! Itutulad mo ba ako sa mga babaeng ikakama mo? Na itatapon mo na lang pagkatapos mong maging parausahan?" puno ng inis at pait na tanong ko sa kanya.

Napatigil ako nang bigla niya akong higitin at isandal sa dibdib niya. Mas lalong lumakas ang hagulgol ko nang maramdaman ang halik niya sa gilid ng ulo ko.

"I'm sorry." Napapikit ako at napahikbi nang haplusin niya buhok sa likuran ko. "I'm sorry, hindi ko kasi alam kung saan ba ako lulugar, Aphrodite. Ano ba ako sa 'yo? Ano ba tayo? May ideya ka man lang ba kung anong naramdaman ko no'ng kausap mo si Travis sa harap ko, Aphrodite?"

"Sabi mo sagutin ko!" dahilan ko.

"Yes, I did! But I was wishing you would drop the call and put your whole damn attention on me, Aphrodite. O akala ko pa, sa wakas papatigilin mo na siyang manligaw sa 'yo!"

"Paano ko sasabihin?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Paano sina mommy at daddy?"

"You already gave yourself to me, Aphrodite! Ako ang magsasabi kina mom at dad. To, Travis, tell him straight. Matanda na 'yon para makaintindi!"

Tumango ako at hinayaan ang sariling humikbi habang tinutuyo ang luha sa pisngi. "Boyfriend na ba kita?"

"Ano?" Kumunot ang noo niya sa akin pero may nagpapakitang ngiti sa labi niya. "Tangina! Ang cute mo!" Bigla ay hinigit niya ulit ako at niyakap. Mas mahigpit na ngayon at gigil pa siya.

"Felix, seryoso ako!" reklamo ko nang tumawa siya.

"I told you, you're mine, last night. Automatic na 'yon, Aphrodite!" sagot niya ay hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Hindi mo ba talaga maalala 'yon?"

"Naaalala," simpleng sagot ko at humiwalay sa kanya. Nakita ko ang mapanlarong titig niya sa akin. Huminga ng malalim at itinanong ang inaalala ko, "Paano natin sasabihin kina mommy at daddy? Kay Clyde?"

"Mommy? 'Wag mo na siyang tawaging 'mommy', saka na ulit kapag ako na ang nagpalit ng apilyedo mo."

"Felix?!" gulat na tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Bakit? Akin ka na ngayon, Aphrodite. Wala akong balak na makipag-break sa 'yo. Ikaw? Baka may balak ka pang gawing boyfriend si Travis?" mapaklang tanong niya.

Napanguso ako at mabilis na umiling. "Hindi ko siya gusto gaya ng nararamdaman ko sa 'yo, Felix."

"Good!" mas relax na sagot niya at hinila ako.

Ngayon ay pahiga na. Niyakap niya pa ako at ginamit ang isang braso niya para maging unan ko. "Tayo na, Aphrodite. Gusto mo bang sumama sa akin? Lipat ka sa condo ko. O sa penthouse ko tayo titira, gusto mo?"

"Penthouse? May sarili kang penthouse? 'Di ba mahal 'yon?" kuryosong tanong ko.

"Anong mahal sa bilyonaryong boyfriend mo?" mayabang na tanong niya.

Nalaglag ang panga ko. "You're a billionaire?"

"Yes, baby. You're a former billionaire's sinful obsession and now officially his girlfriend. Hihiwalayan mo pa ba ako?"

"Ano?!" Tinawanan ko siya. "Seryoso kasi, Felix?"

"Really, Aphrodite. Gusto mo, mag-impake ka na? Dadalhin kita ro'n hanggang sa maniwala ka!" mas mayabang na sagot niya dahilan para mapangiti ako.

"Oo na, naniniwala na," sagot ko at gumanti sa yakap niya. "Natatakot lang ako, Felix. Sa sasabibin ng pamilya mo at baka madamay ka..."

"Hmm? Madamay saan?" Nabawasan ang kaba ko nang suklayin niya ang buhok ko.

"Sa gulo ng buhay ko," sagot ko at sa pagkakataong iyon ay hinayaan ko nang mas makilala niya pa ang totoong pagkatao ko.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon