CHAPTER 38: INTIMATE PICTURES
"Nakaligo ka na? Sabi ko sabay tayo!"
"Ha? Paano tayo magsasabay wala ka naman dito?" reklamo ko kay Felix habang naharap sa phone para makausap siya.
"Let's video call," nagtatampong sagot niya.
"Para kang sira, Felix. Mababasa lang 'yong phone kapag gano'n!"
Nag-ayos na ako ng sarili habang dumadal siya. Papunta na siya rito sa bahay para sunduin ako. Si Travis, tinanggihan ko. Aaminin ko na sa kanya mamaya na ang tungkol sa amin ni Felix at papatigilin ko na siyang manligaw sa akin... na dapat ay dati ko pa ginawa.
Nakasalubong ko si Clyde nang saktong paglabas ko sa kwarto. Napatigil ako sa pakikipag-usap kay Felix at mabuti na lang ay naka-earpods ako.
Inalis ko ang isa at binati siya, "Hi, Clyde."
"Sasabay ka ba sa akin?" tanong niya, hindi masungit pero hindi rin masigla.
"Hindi na. Nagpasundo ako," sagot ko, hindi na sinabi kung kanino.
Bumuka ang bibig niya. Dahil do'n ay ramdam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya tinuloy. "Sige," pagtapos niya sa usapan at nauna nang bumaba.
"Miss ko na 'yong okay lang kami ni Clyde," pagki-kwento ko sa kanya habang nasa kotse kami. Bago ang kotse niyang iyon at maganda rin, halatang mamahalin. Mayaman nga talaga siya!
"Hayaan mo siyang mag-first move! Ang kapal naman niya kung ikaw pa ang susuyo sa kanya."
"Felix!" pagpapakalma ko sa kanya. Ang harsh! Parang hindi niya kapatid si Clyde!
"Okay, fine! Basta 'wag mo siyang masyadong i-baby. Ako lang dapat!" reklamo niya pa.
Napailing na lang ako at natawa. "Nagpapa-baby ka pa, tanda-tanda mo na!"
"Aphrodite!" Ngumuso siya sa akin habang nagre-reklamo. Mas lalong lumakas ang tawa ko. Ayan, nagpapa-baby pa nga!
"Kiss na kita, 'wag ka na po magtampo," pagsabay ko sa trip niya dahilan para lumaki ang ngiti niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya para halikan.
"I love you!" malambing na sambit niya.
Malawak din akong napangiti at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "I love you too, Felix!"
Hinalikan niya ako nang makarating kami sa Parking Lot. Akala ko simpleng halik lang iyon pero naging mapusok ang halik niya at ginamit pa ang eksperto niyang dila.
Kahit malakas ang epekto no'n sa akin ay nilabanan ko. Ayaw kong ma-late at ayaw kong may makahuli sa amin dito.
"Sige na, Felix. Mamaya na lang," pigil ko sa lanya at inayos ang suot. Nagsalamin din ako para i-check ang mukha at leeg na nilagyan ko ng concealer. Ayos pa naman kaya niyakap ko na siya at hinalikan sa pisngi.
"Okay! I'll look forward to that later," aniya habang malawak ang ngiti. "Study well, Aphrodite. Don't skip meals!"
Tumango ako bago bumaba ng kotse niya at masayang naglakad papunta sa classroom namin. Hay! Felix and his hobbies!
Kumunot ang noo ko nang may makitang envelop sa mismong table ko. Wala pa iyong seatmate ko kaya hindi ko alam kung kanino galing iyon.
Kuryoso ko iyong binuksan at napaawang ang labi ko nang makitang mga picture ko iyon kasama si Travis. Iyong hinawakan niya ang kamay ko sa Library, 'yong yumakap siya sa amin saglit, 'yong paglabas ko sa kotse niya sa Parking Lot at iyong nasa Mall kami noong birthday niya.
Kumalabog ang dibdib ko dahil sa takot. Sinong may gawa nito? Bakit may ganito?
"Tignan mo dali!" rinig kong sabi ng isang kaklase ko nang ibalik ko iwan at lumabas. Saktong nakasalubong ko si Travis dahil siya ang una naming subject.
Ngumiti siya sa akin at kaagad kong narinig ang bulong ng ilang nakakita sa amin.
"Hala! Totoo nga yata ang tsimis, te!"
Umatras ako at bumalik sa classroom namin. Itinapon ko na lang iyong envelop bago bumalik sa pwesto at nakinig sa panibagong lesson. Halos wala akong maintindihan dahil nararamdaman ko ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Ang hirap mag-focus!
"Ms. Saavedra?"
"Po?" Napatayo ako nang tawagin niya ako bigla. "Are you listening? You seems distracted. Is there something bothering you?"
"Wala po, sorry, sir!" sagot ko at muling napaupo dahil sa hiya. Mas naramdaman ko ang mapanghusgang titig sa akin ng mga kaklase.
Nang magpagawa siya ng seatwork ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sinubukan ko na lang i-solve at ipinasa nang marami nang tumayo.
Inisa-isa niyang tinignan at kinuha ang papel ng mga kaklase ko. Nang mai-abot ang papel ko ay tumigil siya at inihiwalay iyon dahilan para kumunot ang noo ko.
"Stay in the class, Ms. Saavedra."
Imbes na umangal ay umalis na ako roon. Nagsimula na naman silang magbulungan. Nakakairita!
Naiwan ako sa classroom namin. Mag-isa ko at si Travis. Bumuntong hininga ako at matapang na tinignan siya. "Bakit mo ako pina-iwan?"
"I want to personally talk to you, Aphrodite. May problema ba? Hindi ka naman ganito no'ng nakaraang mga araw."
"May kumakalat na pictures natin, sir," diniinan ko ang pagtawag sa kanya. "Iyon ang problema ko."
Kumunot ang noo niya at mas lumapit sa akin. "What kind of pictures?" mahinahon pa rin niyabg tanong.
Mas lalo akong nainis. Impossible! Kalat na sa School pero siya walang ideya? Nagpaparinig pa iyong iba kong kaklase kaninang dinismiss ang klase namin. "Pictures natin na magkasama at intimate sa isa't-isa. Hindi mo ba alam ang tungkol do'n, sir?"
"Aphrodite."
"Sir Travis..." pormal na tawag ko sa pangalan niya para mas maintindihan niyang nasa loob pa rin kami ng University.
Pwede siyang mawalan ng trabaho at pwede akong mapaalis dito kung kakalat na may relasyon kami. Lalo na't may mga ebidensya.
"Let's talk outside," marahan pa rin niyang sagot bago ako iniwan mag-isa.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomansaAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...