Kabanata Tatlo

2K 58 6
                                    

Kabanata Tatlo

@HyoRinLuvStar: Even if life is unfair, it can still be balanced.

Isa ako sa mga biktima ng bullying pero kahit ganun hindi ako katulad ng iba na nagpapatiwakal, nade-depressed at nagkakasakit mentally. Bakit? Dahil pag-uwi ko, welcome to my sweet family!

Oo, minsan naiiyak ako. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ako binubully sa school kahit wala naman akong ginagawang masama. Naisip ko rin minsan na sumuko, but then my family is always at my side. Hindi ko sinasabi sa kanila ang nangyayari sa'kin sa school dahil ayokong mag-alala sila.

"Hyottie, sweetie."

Kumatok ng tatlong beses sa pinto si Mommy Rose bago pumasok sa kwarto ko. May dala siyang tray na may cookies and a glass of milk na may kasamang ngiti. Matapos niyang ilapag ang dala sa side table umupo siya sa kama ko.

Nakaupo ako at hinahaplos si Lena, one of my cats. Pangpatulog niya kasi ito.

"Kamusta first day?"

Napalunok ako sa sinabi niya. "Hmm. Okay naman po." So far.

She flashed a smile, then reached out. Tinanggal niya ang salamin ko. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yon, anak, na wag mo sanayin ang sarili mo na laging may salamin?" Binuksan niya ang drawer sa side table para kunin ang case pagkatapos nilagay niya iyon doon. "Ewan ko talaga sa'yong bata ka. Hindi naman malabo ang mata mo pero gustung-gusto mong naka-eyeglasses. Lalabo mata mo nyan, eh."

Tama siya. Hindi malabo ang mga mata ko at walang grado ang salamin ko. Reading glass lang. Nasanay na akong may suot na ganito dahil kahit papaano ay natutulungan ako nitong itago ang mukha ko. And well, salamat na rin sa full-bangs ko.

"You sleep na, Hyottie. Maaga pa pasok mo bukas," sabi niya.

Tumango ako habang nakangiti.

Paglabas niya sa kwarto ko, tumayo ako at nilagay si Lena sa higaan niya. Si Leno kasi, ang kapatid niya, mas trip matulog doon sa couch.

Ito ang tinatawag kong balance. Kahit di maganda ang buhay ko sa school, at the end of the day, pag-uwi ko, maganda ang inaabutan ko sa bahay. My family, and my loving cats.

***

Hinatid ako ng daddy ko papasok sa school. Nakita na naman nila ang gwapo kong tatay. Kaya naman...

"Ba't kaya ganun? Ang gwapo gwapo ng daddy niya pero siya ang pangit pangit."

"Pati mommy niya sobrang ganda rin. Nakita ko na yun once. Grabe, ang layo sa itsura niya."

"Baka naman may nagawang napakalaking kasalanan yung parents niya at siya ang naging parusa."

Nagtawanan silang mga nasa corridor.

Niyakap ko ng mahigpit ang mga dalang libro, isiniwalang bahala ang mga sinasabi nila at nagpatuloy sa paglalakad.




Hindi pa ako nakakalapit sa locker ko, natanaw ko na si Thadeus. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng ilang segundo.

Naka-headset siya at may kung anong ginagawa sa cell phone niya. Siguro nagtetext? Di ko sigurado. At nang buksan niya ang locker niya, ang daming nahulog na love letters at meron pang mga chocolates na nadikit sa pinto ng locker niya. Nagmistulang palamuti ng pinto ang mga sweets at flowers. Whut the. Lalaki na pala ang binibigyan ng mga ganyan?

Isa pa sa napansin ko ay magkatabi ang locker namin, naman! Of all lockers, bakit siya pa ang makakatabi ng akin? Nasira kasi ang locker ko-or shall I say, sinira kasi ang locker ko kaya nagpalit ako.

Napagdesisyunan kong bitbitin nalang ang mga libro ko. Iiwan ko sana ang ilan para menus hassle. Kaso wag nalang.

Sa klase, hindi ako magkapag-focus ng maayos. Kasi naman ang sama ng tingin ni Kyle. Parang pinapatay niya ako sa klase ng tingin niya. So far, wala naman siyang ginawang kanais nais. Siguro pinipigilan niya lang ang sarili niya sa takot na madagdagan ang violation niya.

***

After class, nagpunta ako sa library para gumawa ng mga assignments. Pag nasa bahay kasi ako tinatamad na kong gumawa.

Paglabas ko, nagtaka ako dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko nalang pinansin. Hanggang sa makasakay ako ng elevator pababa sa ground floor napansin ko ang mga taong nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa'kin.

Pagkarating ko sa quadrangle, dumami ang sumusunod sa'kin ng tingin. Kadalasan napapatakip sa bibig tapos matatawa.

Hindi ko na kinaya. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sila isa-isa para alamin kung ano ang pinagtatawanan nila sa'kin. And then I realized na napapatingin sila sa likuran ko bago tumawa. So, there's something behind my back.

Lumingon ako. Wala namang ibang tao. Napagdesisyunan kong silipin ang likod ko. There, may bond paper na nakadikit.

Kinuha ko ito at binasa.

Don't talk to me.

My hininga is so mabaho.

Inangat ko ang kamay ko papunta sa harap ng aking bibig pagkatapos nagbuga ng hininga. Hindi naman mabaho ang hininga ko ah. At sino naman ang loko lokong gumawa nito nang hindi ko napapansin?

Dumako ang tingin ko sa direksyon kung nasaan ang anim na lalaking pinakahuhumalingan ng mga babae syempre maliban sa'kin. Ang taong nasa gitna ay tuwang tuwa. No doubt. Siya, Thadeus, ang may pakana nito.

Nilukot ko ang papel at nagmartsa papunta sa kanya. "Ikaw ba may gawa nito, ha?" hasik ko sa kanya.

Tumikhim siya at tiningnan ako. Grinning from ear to ear he said, "Not totally. Kasi may inutusan akong gumawa."

Nagawa pa niyang maging kaswal magsalita gayong naiinis ako!

"Ganun ba?" Tinago ko ang inis sa likod ng ngisi.

"Uh-huh. So, masaya ka na ba? Ikaw na ang apple of the eye ko," mayabang na sabi niya.

Nagpantig ang tenga ko.

"This is what you want right? My attention." He grinned.

Lalong nagpantig ang tenga ko.

"Ohhh. So utang na loob ko pa pala," sarkastik na tugon ko. "Ito nga pala, bilang pasasalamat."

Tumaas ang isang kilay niya.

Bingsak ko sa lupa ang mga dalang libro pagkatapos ay dali dali kong binuksan ang zipper ng bag ko. Kinuha ko ang bottled water, mabilisang tinanggal ang takip at walang anu-ano'y binuhos sa kanya ang laman.

Wala na akong pakialam kung sino ang binuhusan ko ng tubig sa harap ng maraming tao. Sawang sawa na akong apihin na nananahimik lang. Napagtanto ko na kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo ay hindi ka nila tatantanan.

Suminghap ang mga nanonood sa'min. Ang mga kaibigan niya ay nakita kong na-amuse instead na magalit dahil sa ginawa ko except doon sa lalaking bukod tanging walang emosyon.

Laglag ang panga ni Thadeus habang nakatulala. Hindi niya marahil inaasahan na gagawin ko sa kanya 'yan. O may makakagawa nyan sa kanya.

"Kung anu-ano na kasing sinasabi mo. Baka nadedeliryo ka na. Ayan, binuhusan kita para mahimasmasan ka kahit papaano."

Sinara ko ang takip bago siya tinalikuran. Umalis ako. Nang makalayo, saka ko lang na-realize kung ano ang ginawa ko.

"Naman, Hyona Rina Ambriz! Ano bang ginawa mo! Lalo ka lang pagtitripan ng mokong na yun, eh." Tinutktok ko ang noo ko.

tive_siY� �gw

Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon