Kabanata Anim

1.7K 49 0
                                    

Kabanata Anim

"Bitiwan mo na ko, utang na loob," mahina ngunit mariing sabi ko kay Thadeus.

Hindi ako mapakali sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. At lalo akong hindi mapakali sa mga tingin ng mga taong nadadaanan namin.

"Ayoko," ang tanging sinagot niya at binilisan pa lalo ang paglalakad.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumahimik at magpatinaod sa kanya ng nakayuko.

Pagkarating namin sa clinic ay agad rin naman kaming napansin ng isang nurse. Nakita ko pang ngumiti ito nung maglandas ang tingin niya sa kamay ni Thadues na hanggang ngayon ay nasa pulsuhan ko pa rin.

"Meron ba kayong ointment para sa insect bite? Pinagpiyestahan kasi siya ng malalaking langgam." Sandali akong nilingon ni Thadeus upang ituro ako sa nurse.

"Meron naman," tugon nito at nginitian ako bago tumalikod.

Sinundan namin siya ni Thadeus.

Hindi na nagtanong pa ang nurse. Pagkakuha niya ng ointment ibinigay niya ito kay Thadeus at dinala kami sa maliit na silid na kurtina lamang ang nagsisilbing pinto.

"Maiwan ko na muna kayo. May pasyente ako sa kabila, mino-monitor ko ang body temperature. Tawagin niyo nalang ako kung may kailangan kayo." Tinuro niya ang katabing kurtina.

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Nginitian niya ako pabalik. Tumingin muna siya kay Thadeus bago pinuntahan ang kabilang kwarto.

Pag-angat ko ng tingin kay Thadeus nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Agad siyang nagbawi at hinila ako papasok sa loob.

Umupo ako sa kama. Siya naman nakatayo sa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay as if saying, "Hindi ka pa aalis?" Kasi paano ko malalagyan ang mga pantal kung nariyan siya?

Humakbang siya palapit. Kinuha niya ang braso ko at tinaas sa ere para makita ng maigi ang siko ko.

"Ako ba may dahilan nito?" Tinutukoy niya ang pagaling ko ng sugat sa siko.

"Oo," mabilis na sagot ko. Hinila ko ang braso ko hanggang sa mabitawan niya ako.

Hindi lang ako sa siko may sugat dahil sa pangbubully niya. Sa tuhod rin, kung nakikita niya lang. Dahil sa mga patibong niya na hindi ko napapansin eh nadadapa ako.

Nabasa ko sa mga mata niya ang konsensya. Nakokonsensya siya sa ginawa niya. Well, dapat lang. At least, hindi pa siya ganap na halimaw. Tao pa rin siya kahit papaano.

"Sige na," aniya sa mahinang tono. "Pahiran mo na mga pantal mo. Sa labas lang ako." Ilang sandali niya akong tiningnan bago tumalikod at nakapamulsang lumabas.

Habang pinapahiran ko ng ointment ang mga pantal ay napapaisip ako. Anong klase ng espiritu ang sumapi kay Thadeus at nakonsensya siya bigla sa ginagawa niya? Ang alam ko wala siyang pake sa ibang tao syempre lalo na sa'kin, pero bakit ngayon pinapakita niya na may pake na siya sa'kin?

Siguro nakokonsensya lang talaga siya. Naaawa.

Nang matapos ako sinuot ko uli ang jacket ni Thadeus. Nakangiti ako habang sinusuot ko iyon kasi ang bango bango! Amoy Thadeus! Presko at hmmm... amoy gwapo!

Kinuha ko sa bag ang damit ko, yung nilagyan ng mga langgam nila Danica. Inalis ko ang mga natirang langgam na nakakapit sa tela. Siniguro kong maigi na wala akong nakaligtaan bago muling hinubad ang jacket para suotin iyon.

Matapos kong mag-ayos ay tumayo na ako at lumabas. Naabutan ko si Thadues na nakatayo habang nagce-cellphone.

Nilingon niya ako nang maramdaman ang presensya ko.

"Still itching?" Ang tinutukoy niya ang mga kinagatan ng mga langgam.

Umiling ako.

Mayamaya sumulpot ang nurse. Tinanong nito kung kamusta ako tapos pinasulat ako sa log book. Pagkatapos nun umalis na rin kami kaagad ni Thadeus.

"Salamat."

"Hatid na kita."

Sabay pa kaming nagsalita. Nagkatinginan kami habang mabagal na naglalakad pagkatapos sabay na natawa.

"Susunduin ako ng driver ko, eh. Salamat nalang."

"Okay," aniya. "Hatid nalang kita kung saan naka-park ang kotse mo."

Tumango nalang ako. Hindi ko talaga lubos maisip ang nangyayari ngayon. Si Thadeus, nandito sa tabi ko, na kahapon lang eh hinagisan ako ng wrapper ng chocolate sa ulo dahilan para pagtawanan ako ng mga tao sa cafeteria. Parang kahapon lang halimaw ang tingin ko sa kanya, pero ngayon para siyang mabait na stranger na gustong makipagkaibigan sa'kin.

"Ingat."

Lalo akong nawindang sa sinabi niya bago niya isara ang pinto ng kotse. Tulala akong sinundan siya ng tingin na naglalakad papalayo through the tinted window. Si Thadeus ba talaga 'yon? May expired food ba siyang nakain at bigla nalang siyang bumait sa'kin?

"Ma'am, ayos lang ho kayo?" Manong John snapped.

Napatingin ako sa kanya. "Opo. Sige po alis na tayo."

Pag-andar ng kotse bigla ako may naalala. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at dali daling binuksan ang Twitter icon. Nga-tweet ako.

@HyoRinLuvStar: Sa isang ihip ng hangin, pwedeng magbago ang lahat.

Itw


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon