Kabanata Walo
Kinabukasan tinanghali ako ng gising. Paano ba naman hindi eh anong oras na ako nakatulog kagabi. Kasi naman sinunod ko pa si Thadeus na hindi muna ako uuwi (bakit ko nga ba ginawa yun?) tapos hinatak pa niya ako papunta sa mall. Wala naman kaming ginawa dun. Tsk.
Alas otso ng gabi na ako nakauwi ng bahay. Gumawa pa ako ng assignments then nag-advance lesson sa Math dahil mahina ako sa subject na 'yon, nakipagharutan sa mga pusa ko, then voila! Mag-a-ala una ng madaling araw na ata ako nakatulog. Idagdag pa sa pasanin yung Thadeus na 'yun. Masyadong ginulo utak ko kagabi sa di malamang dahilan. Kaasar.
Kakaunti nalang ang nasa corridor. Lalo tuloy akong kinabahan. Ibig sabihin lang naman kasi nito ay nag-uumpisa na ang first period. Ayos pa sana kung si Sir Pichay ang nalagay sa first subject ko. Kaso hindi, eh. Si Sir De Ungria, ang striktong guro na galit na galit sa late comer.
Suddenly, lumitaw si Zayden, siya yung kaibigan ni Thadeus na walang emosyon. Galing sila sa CR ng boys (malamang!). Sa likod niya ay si Travis na nakangiti habang nakatingin sa screen ng DSLR niya, katabi nito si Brett at Alfie na nag-uusap habang naglalakad. Sa likod naman nila ay sina Shiloh at Thadeus. Hindi nag-uusap ang dalawa pero magkasabay na naglalakad. At parehong nakakunot ang noo nila. Napansin ko rin na magkapareho ag dating ng dalawang iyon. Pareho silang may bad boy look. Mas matingkad lang ang kay Shiloh dahil mas pierce ang mga mata nito.
Syempre dahil nandyan ang kalbaryo ng buhay ko, lumiko ako. Dali dali akong tumakbo patungo sa hagdan. Aakyat nalang ako, iikot at bababa doon sa kabilang hagdan makapunta lang sa classroom nang hindi masasalubong si Thadeus.
Pag-akyat ko, dinaluyan ako ng kaba nang maalala kung ano ang gagawin sa'kin ng prof ko pagpasok ko. Sisigawan? Papagalitan sa harap ng mga kaklase ko? Papahiyain? Bahala na nga. Hindi naman pwedeng umabsent ako kasi hindi pwede. Simple as that.
Natapos na akong umikot. Nakababa na ulit ako. Pero bago ako lumiko para puntahan ang classroom ko, dahan dahan muna akong sumilip. Anong malay ko kung hindi pa nakaalis yung anim? Ayokong makita si Thadeus! Bakit? Hindi ko rin alam. Basta ayokong makita sya.
"Wala na yata sila," sabi ko sa sarili.
"Sino?"
"Yung Kulupong Boyz."
Umayos ako ng pagkakatayo at napalingon. Nanlaki talaga ang mga mata ko at napasigaw sa gulat dahil ang taong ayokong makita ay nakikita ko ngayon.
"Ang sakit sa tenga ng boses mo!" singhal niya nang nakatakip ang magkabilang tenga gamit ang mga kamay.
Sinulyapan ko saglit yung lima sa background ni Thadeus. Bigla naman daw ako nahiya. Narinig kaya nila yung sinabi kong Kulupong Boyz? Alam kaya nila kung ano ang ibig sabihin nun? Eh, ano ba meaning ng Kulupong? Di ko rin kasi alam. Narinig ko lang siya somewhere, somewhen.
"Bakit ka nandito? May klase rin kayo ah," sabi ko pero walang pumansin.
"Gwapo ba ko sa paningin mo?" Out of nowhere niyang tanong.
Narinig ko ang mahinang tawa ng ilan sa mga kaibigan niya.
"Anong klaseng tanong yan?"
"Naiiba ka kasi eh. Ikaw lang ang bukod tanging di nakaka-appreciate ng kagwapuhan ko. Now tell me, gwapo ba ko sa paningin mo?"
Natawa ako ng malakas. Seryoso, pinaglalaban niya ang bagay na 'yan? Kaya ba magkasama kami kahapon para ma-appreciate ko ang looks niya? Boys are really weird! Thadeus is really weird! May isang babae lang na hindi maka-appreciate ng kagwapuhan niya, or may isang babae lang na hindi interesado sa kanya, naco-concious na siya. Why is that?
"Don't worry," sabi ko habang tumatawa. I patted his shoulder twice. "Even if hindi ko ma-appreciate 'yang sinasabi mong kagwapuhan mo, sobra ko namang na-a-appreciate 'yang kayabangan mo."
There, sinaluhan akong tumawa ng barkada niya. Well, except for Zayden. Pero nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. He looked amused! Yay! Nakitaan ko rin ng emosyon for the first time.
Thadeus got pissed. Ang sama sama ng tingin niya sa'kin. Duh. Anong pake ko? I'm being honest here lang naman. Well, hindi naman sa hindi ko na-a-appreciate ang mukha niya. Wala pa namang damage ang mga mata ko para hindi makita ang kagwapuhan niya. But then, akin akin nalang ang nakikita ko.
"Tinatawanan mo ko ha."
Kinilabutan ako nang muli siyang magsalita. Nakaramdam ako na may gagawin siyang hindi ko ikatutuwa.
Kinuha ni Thadeus ang wrist ko at sinimulang kaladkarin. Nanlaban ako pero hindi ko talaga sya kaya!
Nilingon ko ang lima na pinapanood lang akong kaladkarin ni Thadeus.
"Hoy, ano kayo? Pagsasamantalahan na ko ng kaibigan nyo di niyo pa rin ako tutulungan?" mabilis na sabi ko habang nagpapatangay sa pangangaladkad ng magiting na si Thadeus.
Ngumiwi si Shiloh bilang pagpapakita na nandiri siya sa sinabi ko pagkatapos tumalikod. Ganun din ang mga natira. Aba, aba!
"Napaka-gaspang naman ng balat mo!" reklamo ni Thadeus habang hinihila ako.
Magsasalita pa sana ako kaso tumigil kami sa isang classroom. Nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me...
"Good morning, Sir," bati ni Thadeus kay Sir De Ungria pagkabukas ng pinto.
@HyoRinLuvStar: PAHAMAK!!!
