Kabanata Dalawampu't Lima

1.3K 45 1
                                    

Kabanata Dalawampu't Lima

Isang beses nasalubong ko si Thadeus sa hallway.

"Saan ka pupunta?" Magkasabay pa kaming nagtanong.

"Sa washroom," ako na ang naunang sumagot. "Ikaw?"

"Sa room nyo."

"Ha?" Gagawin niya dun?

"Pero nasalubong na kita ngayon."

"Ah, ano ba pakay mo dun?"

"Ikaw."

"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Teka nga kasi! Bakit ba ganun siya sumagot? Hindi kompleto? I mean, kung ano lang talaga ang sagot sa tanong ayun lang ang sasabihin niya. Tamad lang magsalita?

"Bakit, ano kailangan mo?" Ayan na. Inayos ko na ang pagtanong. Jusko!

"Magpapaturo sana ako sa history. May topic kasi na nahihirapan ako. Pwede ba?"

"Oo naman," agarang tanggap ko sa pabor niya with matching todo tango pa.

"Yan ang gusto ko sa'yo eh." Nilabas niya ang kanyang kamay na nakatago kanina sa bulsa ng pants niya para kurutin ang pisngi ko. "See you later, then."

"Sige. Magkita nalang tayo sa library." Tumitig ako sa gwapo niyang mukha.

"No. Magkita nalang tayo sa parking lot."

"What?"

"What?" Inulit niya ang tanong ko pati ang pagkaka-high pitch ko. Nang-asar pa. Tss.

"Bakit doon?"

"Kasi sa bahay tayo mag-aaral. Masyadong maraming tao sa library. Hindi kita masosolo."

Ten seconds freeze.

"Ano? Anong hindi kita masosolo?!" Lumakas na ang boses ko.

Thadeus chuckled. "Hihintayin ko nalang na matapos klase mo. See ya!" Nakapamulsa ang isa niyang kamay nang tumalikod tapos gamit ang isa ay kumaway siya.

"Hoy! Sumagot ka nga! Magpapaturo ka ba talaga o may gagawin kang masama sa'kin?" sigaw ko kay Thadeus na mabagal na naglalakad.

Huminto siya at nilingon ako. Natameme ako sa pagsalubong sa akin ng ngiti niya. And at the same time kumulo ang dugo ko. So natatawa na naman siya? Pinagtatawanan na naman niya ako, ganun?

"Bakit naman kita gagawan ng masama? Nah, would never be in my plans. Bye! Laters, baby!"

At ang mokong kumindat pa!

Hinintay ko muna siyang makaalis ng tuluyan bago ako tumili. Ano daw? Laters, baby? Emeged. Kilig much!

Kilig na kilig ako at hindi ko manlang napansin ang papadating na guro. Ayun, pinagalitan ako. Wala daw ako sa kalye para tumili.

Humingi ako ng paumanhin at tinuloy ang pagpunta sa washroom. Doon tinitigan ko ang itsura ko sa malaking salamin.

Is this for real? Ang Thadeus Rivas ay nagkakagusto sakin at nililigawan ako? Hindi ba talaga ito panaginip na sa kabila ng hindi ko pagiging "maganda" at "attractive" eh may nagkakagusto pa din sa'kin? Take note, hindi basta basta na lalake lang. Iyong tipo ng lalake na napakataas at mahirap abutin pero nagagawang bumaba para abutin ang ako na napakasimple lang. Kung ihahambing nga ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya eh walang wala ako. As in walang ibabatbat kung pisikal na anyo ang pagbabasehan. I know ang hard ko sa sarili ko. Ayun naman kasi talaga ang totoo. Alangan namang mag-assume ako, diba?

***

"Ay! Ano ba yan, nataya na! Talo na!" reklamo ko na pumapadyak padyak pa.

Ang usapan ay tuturuan ko si Thadeus sa topic sa History kung saan siya nahihirapan. Pero ang nangyari, eto nahumaling ako sa laro sa phone niya-car racing.

Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon