Kabanata Lima

1.6K 63 0
                                    

Kabanata Lima

@HyoRinLuvStar: The jerk is a gentleman.

Kinabahan ako sa presensya ni Thadeus. Alam ko, sasali siya kina Danica sa pangbubully sa'kin.

Tila nabato sa kinatatayuan ang tatlong nanabunot sa'kin kanina habang laglag ang pangang nakatitig kay Thadeus. Ang huli naman, seryoso ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Subalit kahit papaano ay naaninag ko ang dilim sa mukha niya.

"Look, Thadeus!" agaw-atensyon ni Danica sa kanya. "We can upload it on internet. Siya yung girl na may guts na kalabanin ka, am I right?" Kumurap-kurap ito.

Nilingon siya ni Thadeus.

Napapikit ako at napayuko. Kinagat ko ang ibabang labi sa naisip na posibleng mangyaring pagtulungan nila ako.

Ano pa ba ang laban ko?

Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit.

"Thadeus, no!" sigaw ni Danica na nagpamulat sa'kin.

Nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Danica habang pinapanood ang pagwasak ni Thadeus sa pinakamamahal niyang iPhone. Inapak-apakan niya ito hanggang sa dumami ng dumami.

"What, still planning to upload it?" tanong ni Thadeus sa tonong nanghahamon.

Nilapitan ng apat ang naluluhang si Danica. Nakatingin pa rin sya sa sahig. Still can't believe na wasak wasak na ang latest version ng iPhone nya.

"Lika na, girl." Nagmamadali sa takot ang isa sa mga kaibigan ni Danica. Hinila nila itong nakatulala hanggang sa kami nalang ni Thadeus ang naiwan.

Nagkatinginan kami. Alam kong niligtas niya ako, but why do I have this feeling that he did it on purpose? Hindi ako makapaniwalang kinampihan niya ako. Siya, na araw-araw na nangbubully sa'kin. Sya man mismo o may inutusan siya.

May namuong galit sa dibdib ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

Nilapitan niya ako. Hahawakan niya sana ako nang tinaboy ko agad ang kamay niya. "Ito yung gusto mong mangyari, diba?" asik ko sa kanya. "Ang mapahiya ako ng tuluyan. Ano, masaya ka na? Masayang masaya ka na dahil umiiyak at sumusuko na ko?" Gamit ang isang kamay, tinulak ko siya.

Hinayaan niya ang sarili niyang mapaatras sa ginawa ko. Wala siyang imik. Nakatitig lang siya sa'kin. Hanggang sa hinubad niya ang suot na varsity jacket. Muli siyang lumapit sa'kin at umaktong isusuot sa'kin iyon, kaya lang tinulak ko uli siya palayo.

"Di ko kailangan ng awa mo!"

I pulled back my hair so that it would cover my bare back. Pinunasan ko ang kinahihiya kong luha bago nagsimulang umalis. Bahala nang may makakita sa ganitong ayos ko. Ano naman, diba? Nobody respect me anyway.

Natigilan nalang ako nang sunggaban ako ni Thadeus. Pinatong nya sa balikat ko ang jacket. Lalo akong natigilan sa sumunod niyang ginawa. He hugged me from behind then rested his chin against my shoulder. Pakiramdam ko kiniliti ako gamit ang isang cotton ng sandaling dumaan ang mga balikat niya sa tiyan ko.

Sa di malamang dahilan lumakas pintig ng puso ko. Sa nararamdaman ko ay para akong kinakahaban na hindi. Para akong nababaliw na ewan. At parang gusto ko ang posisyon namin na oo.

"I'm sorry," he murmured. Naghatid ang mainit niyang hininga ng kiliti sa balat ko.

Nilingon ko siya. Tuluyan na ata akong naloka nang magsalubong ang mga tingin namin. Ngayon lang ako nakalapit ng ganito sa isang guy. Ngayon ko lang nakita ng ganito kalapitan si Thadeus. Puro imperfections ang ugali niya pero tingin ko isang example ng perfection ang mukha niya. Wala akong makita na anumang break outs, pimples or what. Ang kinis, kinis ng maputi niyang mukha. Bilugan ang mga mata niya na kulay brown.

Thadeus flashed a genuine smile. Lalo akong natulala.

Naramdaman ko nalang na kumilos ang mga kamay niya. Sinamantala niya ang pagiging tulala ko at sinuot sa'kin ang jacket. Sinara niya iyon nang nakatayo pa rin sa likuran ko. Para siguro hindi niya makita ang kung anuman ang makikita sa harap.

Palihim akong napangiti. Kahit pala nasasamaan ako sa ugali nitong si Thadeus, may tinatago siyang kabutihan. He is a gentleman.

Kinuha niya ang damit sa kamay ko, na ginawa kong pantakip kanina sa harap ko. Then, siya na mismo ang naglagay nito sa bag ko.

"Why are you doing this?" tulala at hindi pa rin makapaniwalang kwestyon ko. Sinusundan ko ng tingin ang bawat kilos niya.

"Cause I am sorry." Yun lang ang sinagot niya. Kinuha niya ang wrist ko at hinila ako papunta sa hindi ko pa alam kung saan.

ȳ-}n


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon